"prinsipe Florain gisingin niyo na po si snow white para magising na po siya " rinig ko na sabi ng isang dwarf sa tabi namin.

"walang malay ang Princesa " sagot nito sa bata sabay tingin sakin.

"gisingin ang prinsesa !!! gisingin ang prinsesa!!" sigaw ng mga bata sa amin, napailing naman ako sa mga ito nako wala naman sa script ito.

"Principe ano pa pong ginagawa niyo gisingin niyo na po ang Princesa " sagot ng isa pang bata sa amin, napatingin naman ako dito ng lumapit ang mukha nito sakin.

" Anong ginagawa mo?? " bulong ko dito' tinaasan naman ako nito ng kilay sabay tingin sakin.

"ano bang ginagawa ng prinsipe? " pag babara nito sakin.

" wag mong sabihin na gagawin mo yun??" di makapaniwalang bulong ko dito' tila na iinis na itong naka tingin sakin.

" come on close your eyes " bulong nito sakin kaya mas lalo pa akong kinabahan sa sinabi nito.

"nako wag mo susubukan----"agad naman nitong tinakpan ang mata ko sabay lapit ng mukha nito sabay halik sa pisngi ko na ikinagulat ko halos di naman ako makagalaw sa ginawa nito pero mas lalo pa akong na gulat ng maramdaman ang malambot nitong labi na dumampi sa gilid ng labi ko na tila nahalikan rin nito nang bahagya, nag sigawan naman ang mga bata na tila tuwang tuwa sa ginawa nitong pag gising sa Princesa,dahan dahan naman nitong inalis ang kamay nitong nakatakip sa mata ko' nakita ko naman ito na pasimpleng napangiti na nakatingin sakin at ako naman halos di makapag salita sa ginawa nito na gulat na gulat sa pag halik nito maya maya pa ayy nakaramdam ako ng kung anong tumama sa noo ko.

" tsk do you think hahalikan kita?" natatawang sagot nito sabay pitik sa noo' ko inis ko naman itong tiningnan

"arayy nababaliw kana ba! wag kang feeling jan!" inis na sagot ko dito' sabay tayo sa kama at lapit sa mga munting dwarf na kasama namin sabay hawak sa kamay ng mga ito at yuko sinyales na tapos na ang drama. Tiningnan ko naman ng masama ito sabay alis.

........................

"I'm so tired " pag rereklamo ng isang kasama namin. Kakatapos lang ng event kaya heto kami ngayon nag liligpit ng iilang gamit namin.Nag paalam na rin ang ibang kasama namin na mauuna ng uuwi.

"siya nga pala Cassandra sabay kana sa amin" pag aalok sakin ng isang kasama ni Tucker.

" huh?? ahh hindi mag co-commute nalang ako salamat " nakangiting sagot ko dito.

" Nako malayo ang sakayan dito halika kana sumabay kana sa amin"pag pipilit nito kaya wala na rin akong nagawa kaya pumasok na rin ako sa loob ng sasakyan nito, napatingin naman ako sa mga kambal ko na sumenyas na tatawagan ko nalang ang mga ito, napatingin naman ako sa iilang kasama namin at nandito rin pala ang ibang school officers at si Tucker na ngayon tila natutulog sa harap. Napailing nalang ako sabay ayos ng upo ko medyo may kalayuan din ito sa bahay at syempre hindi ako mag papahatid dun mahirap na hihi.

"San kaba nakatira at doon ka nalang namin ihahatid" nakangiting tanong sakin ni Jasmine isa din sa School officers namin at siya lang ang gaanong kumakausap sa akin di tulad ng ibang kasama nito na bihira lang makipag usap sa ibang tao.

"Sa Jackcross Street ako nakatira" nakangiting sagot ko dito' jackcross street kung saan ang dating appartment ni mom nung mga panahon nag tra-trabaho pa ito at ngayon guest house na namin binili nalang ni mom ito dahil importante raw sa kanya ang appartment na yun dahil marami raw itong alaala nung mga panahon na di pa sila naging officially mag on ni Dad pero may mga Condominium rin kami kung saan pag mamayari din nila mom at dad at doon rin minsan natutulog ang mga kambal ko pero ngayon dito muna ako mag papahatid sa appartment ni mom dahil nga ang pag kakaalam ng mga ito ay isa lamang ako hamak na scholar ng Academy.

"ah okay mukhang nandito na tayo" nakangiting sagot nito napatingin naman ako sa labas at sakto nasa unahan lang nito ang appartment namin. Nag paalam na rin ako sa mga ito at nag pasalamat.

" Thank you sa pag hatid" nakangiting pag papasalamat ko dito.

"Nice place' mag iingat ka" nakangiting sagot ni Jasmine sakin' maya maya pa ay umalis na rin ang mga ito nag lakad na rin ako at binuksan na rin ang appartment ni mom' kumpleto ito sa gamit at malinis rin ito dahil may taga linis at taga bantay rin ito kung sakaling di namin napupuntahan.Umupo na rin ako sa sofa at agad ko namang kinuha ang Cellphone ko napangiti naman ako ng makita ang iilang missed call at text na galing sa mga kambal ko agad naman ako nag pasundo sa mga ito.

Inikot ko naman ang paningin ko ganon pa rin ang pag kakaayos nitong appartment ni mom.

" Kuya moji" nakangiting bulong ko ng makita ang mga pictures nila mom at uncle's kasama si Kuya Moji.Si kuya Moji ang panganay sa aming mag kakapatid actually hindi siya anak ni mom or dad bali pinsan namin siya anak siya ng kapatid ni Dad na namatay kaya ulila na si Kuya moji simula pag kabata nito,kaya si Lolo ang nag aalaga sa kanya at sila Uncle kung saan tumayong mga dady nito.

"Cassandra??" napatingin naman ako sa pinto ng biglang bumukas ito si Connell .

" Nandito ako!!" sigaw ko dito agad naman ako nakita nito kaya lumapit na rin ito sakin at kinuha ang bag ko.

" kanina kapa ba??" tanong nito

" hindi kakarating ko lang din asan sila Conan at Calleb? " takang tanong ko dito na mapansing hindi nito kasama ang mga ito.

"nasa bahay na tara umuwi na tayo" pag aalok nito.

Royal Blood ( CLAYTON ACADEMY)Where stories live. Discover now