"What the fuck? Bakit may mga hayop diyan?" nakakunot-noong tanong n'ya. 

"Ayaw mo po sa hayop, senyorito?" Binura ko na lang ang hayop sa tabi ng pangalan n'ya at pinalitan iyon ng mukha na anghel, pati ng puno at bulaklak.

"My goodness," narinig kong bulong ng senyorito at napaiwas na lang ng tingin. 

"Ayaw n'yo rin po ba nito, senyorito?" tanong ko. 

"Bahala ka na... Why the hell am I wasting my time with you?" narinig ko pang bulong n'ya. 

Napangiti na lang ako saka muling kumuha ng litrato. Napahagikhik na lang ako dahil nilagyan ko iyon kuneho na filter. Napatingin ako kay senyorito na napatingin din sa akin. Agad kong tinapat sa kan'ya ang camera saka pinindot ang filter na may sungay, agad ko siyang kinuhanan ng litrato. 

"Tingnan mo po, senyorito... Bagay na bagay sa 'yo," tumatawang sabi ko saka ipinakita sa kan'ya iyon. 

Napakunot ang noo ni senyorito. "Sinasabi mo bang para akong demonyo?" masungit na tanong n'ya. 

"H-Hindi po sa gano'n, senyorito... Ang ibig ko lang po sabihin ay medyo masama po ang ugali mo," depensa ko. 

Bahagyang napaawang ang labi ng senyorito. Napabuga na lang siya ng hangin at tumawa nang mapakla. "This woman is unbelievable." Napailing siya saka nagsimula ng magmaneho. 

Napangiti na lang ako at muling ibinaling ang atensyon sa cellphone ko. Hindi talaga ako marunong gumamit ng ganito kagandang cellphone. De pindot lang ang cellphone ko noon, ngayon lang yata ako nakahawak ng ganito. 

"Paano ko kaya ipapaliwanag kina nanay ito?" bulong ko habang nagkakalikot pa rin sa cellphone. 

"Tell them I gave you my spare phone and you couldn't refuse," sabi na lang ni senyorito.

Napatango na lang ako kahit hindi ko alam kung paniniwalaan nila iyon. Tahimik na nagpindot na lang ako sa cellphone at hindi na nagsalita pa. 

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa hacienda. Bago ako bumaba ng kotse ay inabot ko muna kay senyorito ang paper bag na may laman na damit na binili n'ya sa halagang pitong libo. Napakunot ang noo n'ya sa ginawa ko. 

"Senyorito, sinasauli ko na po ito. Salamat po," sabi ko na lang saka inabot sa kan'ya iyon. 

"Ano sa tingin mo ang gagawin ko riyan? Isusuot ko?" sarkastikong tanong n'ya. 

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko saka umiling. "Akin na lang po ba ito?"

"Yeah, do whatever you want," sabi na lang n'ya. 

"Pwede ko po bang ibenta 'to?" pahabol na tanong ko. 

Bahagyang nanlaki ang mga mata ng senyorito saka napatingin sa akin. "Damn... are you for real?"

"Sabi n'yo po sa akin na 'to," bulong ko saka napatungo. 

Napabuga ng hangin si senyorito saka tumango. "Fine, do whatever you want," sabi na lang n'ya saka bumaba ng kotse. 

Napangiti na lang ako at lumabas na rin ng kotse bitbit ang paper bag. Kay Ria ko na lang ibebenta ito dahil mahilig siya sa magagandang damit. Hindi ko rin naman kasi magagamit ito, hindi naman ako naalis, saka kung may lakad man ako, hindi naman ako nagsusuot ng ganito kagandang damit.

Humabol ako kay senyorito na mabilis na naglalakad. "Senyorito, ayos lang po ba talaga na ibenta ko ito? Hindi ka magagalit?" tanong ko habang pilit na hinahabol ang lakad n'ya. 

Napatigil si Senyorito Zamir saka tumingin sa akin. "Do you really like simpler clothes than that designer brand and expensive as fuck dress?" nakakunot-noong tanong n'ya. 

Flawed Series 1: Lost in His FireWhere stories live. Discover now