20

1.6K 39 0
                                    

Jema’s POV

Habang nasa sala si Deanna at ako naman ay nasa kwarto, biglang nagchat sakin sila Ella na nagyaya  mag samgyup. Nag crave naman tuloy ako bigla at gusto ko sumama. Kaya naman pinakita ko kay Deanna ang chat para makita niya na niyaya talaga ko.

Bigla naman kumunot ang ulo nya.

"Ihhh wag na dito ka nalang" bigla nyang sagit sakin.

"Gusto ko sumama ehh samgy pa naman huhuhu" pagpapaawa ko sakanya

"Tayo nalang mag samgy bukas o sa susunod wag ka na sumama" pagkukumbinsi nya sakin

"eh kung tumuloy ako ano gagawin mo ha? Pansin ko parang ang dami mo nang comment kapag niyaya na ko ng mga kaibigan ko." Sabi mo sakanya at medyo naiinis na ko.

"Eh madalas ka namang lumalabas, tas minsan naman kung ako magayaya sayo umay na umay ka na. Tsaka gabi na oh wag ka na sumama."

"Sasama ko, uuwi rin ano kaagad saglit lang na kainan yun. Pampapawi craving lang." Sabi ko sakanya at nagbihis na agad. Di ko na sya inantay na sumagot.

Ewan ko ba kay Deanna. Parang pinapalayo nya ko kay Ella. Nagseselos ba sya? I mean matagal naman nyang alam kung gano kami ka close eh.

"alis na ko ah?" Sabi ko sakanya at dumiretso na sa pinto. Di ko na sya inantay sumagot at baka mag away pa kami dahil naiinis narin ako sakanya.











Nagkita naman kami agad ni Ella kasama si Kyla at Tots, sa mga oras nayun nawala naman sa isip ko ang pinag awayan namin ni Deanna at umaasang lumamig na ulo nya sa pinag-awayan namin. Nagtagal rin kami ng dalawang oras at busog na busog na kami.

As usual, hinatid naman ako ni Ella sa condo at pinasalamatan ko nalang sya. Bat naman magseselos si Deanna kay Ella eh may pake lang naman sakin yung tao diba?

Pag pasok ko sa unit namin, andoon si Deanna sa table at nag lalaptop.

"Deanna Wong, magusap nga tayo. Ano bang problema?" Panimula ko sakanya.

"Jema, gusto ko lang naman na maging parte ako ng pagdedesisyon mo. Iniisip rin kita at ang kalagayan mo kaya ako minsan nagagalit sa mga gala mo" kalmado nyang paliwanag.

"Deanna, matanda na ko, kaya ko ang sarili ko. At anong sinasabi mong di ka parte ng pagdedesisyon ko?! Kayanga ako nagsabi sayo diba?! Nagsasabi ako, hindi ako nagpapaalam Deanna!" Naiinis na talaga ko at satingin ko sya rin.

"Ano ba Jema, wag ka na makipaglokohan! Kung parte ako ng pagdedesisyon mo, why didn't you even consider my choice not to go huh?! Hindi mo naman ako pinakinggang di ba?!" Sambit nya sakin.

"Alam mo look, hindi ko alam kung anong pinag gagagawa mo sa labas pero hinahayaan kita kahit umuwi ka ng gabi o lasing. This is not the first time na kung umasta ka parang walang nagaantay at nagaalala sayo! Unting konsiderasyon naman Jema!"
Sambit nya sakin.

"So ano bang sinasabi mo Deanna?! Na wala kang tiwala sa kin? Na baka kung ano ano ginagawa ko sa labas? Na kung ano yung pinapaalam ko sayo taliwas yun sa ginagawa ko?! Ha?!"

Mainit na ang tensyon sa pagitan namin dalawa, kung nakakasunog lang kami lumiliyab na siguro yung unit namin.

"No! What I mean is-" Bigla ko naman syang pinatigil.

"No Deanna, nakakapagod na cinocontrol mo na ko. Idagdag mo pa na ang baba ng tiwala mo sakin. Give me some space. We'll talk kapag maayos na yang pagdedesisyon mo at may tiwala ka na sakin bilang girlfriend mo, at hindi ka na nakaksakal." Pagsasalita ko sakanya ng patapos.

I didn't really know what to say. Nasaktan ako na ganun pala. Na ang baba ng tingin niya sakin sa mga bagay na ginagawa ko lang naman with my friends. I just knew na kailangan namin magpalamig muna.

I left our unit. Honestly di ko alam san ako pupunta. So I called Kyla nalang.

OTP
"Oh te? Bat napatawag ka? May problema ba?"

"Ky, pwede mag stay dyan?"

"Oo naman pero bakit? Hindi ka pa ba nakakauwi?"

"Mamaya na ky, ikukwento ko lahat. Pupunta muna ko jan."

"Sige Jem. Ingat ka ha"

Di ko alam kung pano ko ikukwento kay Kyla actually. Baka rin magalit sila kay Deanna.

Hindi ko narin namalayan habang nakasakay ako sa taxi ay tumutulo na ang luha ko.

Hindi ako sanay.

Hindi ako sanay mapalayo kay Deanna. Na hindi sya ang huling nakikita ko bago matulog. O hindi namin paguusapan ang araw namin habang naghahapunan.

Hindi ako sanay

______________________________________

Maybe SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon