1

5.3K 71 3
                                    

Deanna's POV

Hapon na ngayon at buong araw lang akong nakahilata. Wala kasi kaming training with Coach O ngayon dahil may aasikasuhin daw syang mga papeles para sa ibang players ng Choco Mucho.

Biglang sumagi sa isip ko, birthday na nga pala ni Jema in just 2 weeks. Kailangan ko magisip ng mga pakulo ko para sa birthday nya, shempre di ako pwedeng magpahuli.

Nag-scroll lang ako ng magandang rentahan ng bahay sa Laguna para doon ganapin, kasi kung dito lang sa condo ayoko naman. At kilala ko na sino mga dapat kong kasabwat para sa surprise ko sakanya.

Ilang oras narin ang lumipas at pumunta ko sa kusina, di ko trip yung mga stocks namin kaya satingin ko lalabas nalang ako para kumain para kasabay ko narin si Jema, kaya tinext ko muna sya.

"Misis ko ❤️"

Baby sunduin kita jan, sa labas na tayo kain di na ko maghahanda dito.

Pagtapos ko syang itext ay tumungo na agad ako sa CR, hindi ko na inantay ang reply nya dahil baka di pa sya tapos sa training nila.

"1 message from Misis ko ❤️"

Sige baby, gutom narin akoo patapos narin kami. ingat ka. labyoww 😘

Di ko na sya ni-replyan at nagmadali na makaalis. Kinuha ko na ang susi ng kotse ko sa taas ng ref at nagsuot ng sandals.

Pagdating ko sa labas ng gym mga ilang minuto rin bago lumabas ang ilang mga players ng Creamline. Binati ko sila ate Ly, ate Jia, ate Ella, kyla at iba pa, inapiran ko pa si Tots tsaka ko nakita naring lumabas si Jema, ganda talaga ng baby ko kahit halatang pagod sa training.

"Hi baby, tara na san tayo?" kwestyon nya sabay halik sa pisngi ko.

"Baby, Wings nalang tayo sa By the Bay" sambit ko sakanya sabay kuha ng sports bag nya.

"Dalian mo na Deanna Wong, gutom na kooooo!" paghihila nya sakin papunta sa parking ng kotse na parang bata.

Sumunod naman agad ako sakanya at parang bata naman tong misis ko kapag gutom. Pinasok ko na ang bag nya sa likod na upuan at pumunta sa driver's seat at naruon narin si Jema sa loob.

Bigla nyang hinawakan ang batok ko at siniil ako ng halik, ilang segundo rin bago ko ito tinugon kasi nabigla nya ko, haha!

"Salamat sa pagsundo baby, i love you" sabi nya matapos bumitaw sa pagkakahalik. Parang namumula naman ang tenga ko sa kilig.

Malapit narin kami ni Jema mag 3 years, pero wala talagang kupas 'to magpakilig sakin, at di talaga ko nagsasawa sa mga halik at simpleng paghawak nya.

"ang arte ah, love you jemalyn!" masiglang sabi ko sabay paandar ng sasakyan. Nagkukwentuhan lang kami hanggang makaabot kami sa By the Bay. Madilim narin dahil past 7pm na.

______________________________________

Comment kayo guys, para malaman ko man lang na may nagbabasa. Thank you!

Maybe SomedayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon