19

1.5K 40 0
                                    

Deanna's POV

I gotta admit, nakakainis rin na bibihira nalang kami mag bonding kasi minsan nagawa na nila ng friends nya so tinatamad na sya or umay na sya pag kami na gagawa.

Alam ko rin na naiirita narin siya sakin at hinahayaan nalang ako.

"Baby ligo lang ako wait moko kain" sabi niya sakin at tumango naman ako sakanya.

Bigla namang may message na nagpop-up sa phone nya naiwan nya sa bedroom.

"5 message from Ella De Jesus"

"U  know Jems"

"I like u a lpt"

"Likr a lot talafa"

"Ewan ki ba yourw so beautiful"

"Hayy i love you"

It was a drunk text from ate Ella. Then bigla namang nag pop up na chat ni Kyla.

"2 new messages from Kyla Atienza"

"Ang Ella nag ddrunk text"

"Wag mo pansinin pinagsasabi nya tas wag na pagusapan para di na mahiya haha!"

I froze. Shempre nagulat ako. May pumoporma parin pala kay Jema kahit alam nang meron na siyang ako.

Bakit di ko napansin? I really thought they we're just the best of friends. Kaya pala sya lagi taga hatid talaga ni Jema. And minsan sinusundo pa. I deleted the messages as soon as I saw it. Ayokong ma confuse or maipit si Jema sa pagdedesisyon na kakailanganin niyang ilet-go ang friendship nila dahil malalaman niyang may feelings sakanya.

I just have to make my move para hindi maagaw sakin si Jema. At alam kong hindi siya maagaw sakin.

"DeannaWong! San ka tara na uy" pagsisigaw niya na asa labas ng kwarto.

Lumabas naman kaagad ako at bahagyang ngumiti.

"panget mo tara kain na" pangaasar ko naman sakanya.

Naghapunan narin naman kami at kakaunting kwentuhan.

"Mahal pano pag may pumorma sayo o may umamin na gusto ka? what about me?" Biglang kong singit at halata sa mukha nya ang pagtataka.

"huh? Eh kasalanan mo yun nag jowa ka ng maganda eh" pangaasara nya sakin at nginitian ko lang sya pero pinaparamdam kong seryoso ko sa tanong ko.

"Eh ano naman kase? Ikaw kaya pinili ko. At ikaw pipiliin ko palagi no. Kahit sino pa yan, di kita ipagpapalit. Wag ka magaalala, b. Sayo lang ako" sambit nya atskaa bumalik sa kinakain niya.

Kinilig naman ako hehehe. I mean kaibigan niya yun si ate Ella eh. At may tiwala ako kay Jema.

Nabawasan naman ang pag-aalala at pag ooverthink ko.




Isang gabi nagpaalam naman sakin si Jema at pinakita sakin ang chat ni ate Ella at sinasabing labas daw sila at mag samgyup.

Bigla ko na namang naalala si ate Ella. No. Not today.

"Ihhh wag na dito ka nalang" pagkukumbinsi sakanya

"Gusto ko sumama ehh samgy pa naman huhuhu" pagpapaawa nya.

"Tayo nalang mag samgy bukas o sa susunod wag ka na sumama" pagsasabi ko sakanya.

"eh kung tumuloy ako ano gagawin mo ha? Pansin ko parang ang dami mo nang comment kapag niyaya na ko ng mga kaibigan ko." Bigla niyang sabi sakin. Ito na yun eh. Away na to.

"Eh madalas ka namang lumalabas, tas minsan naman kung ako magayaya sayo umay na umay ka na. Tsaka gabi na oh wag ka na sumama."

"Sasama ko, uuwi rin ano kaagad saglit lang na kainan yun. Pampapawi craving lang." Sabi nya naman sakin at di na ko inantay sumagot tsaka sya tumungo sa kwarto para magbihis.

Ewan ko ba naiinis ako. Di ko maimagine na inaasikaso siya at hinahatid siya ng iba.

"Alis na ko ah" pagpapaalam nya sakin at dumeretso na sa pinto.

Nagtatampo ako.

Palagi nalang ganito sa mga gimik nayan tapos parang akala mo di ako kasama sa pagdedesisyon niya. Kumbaga di niya narin minsan cinoconsider kung ano nasa isip ko.

This is so not us. Kailangan namin to pagusapan pero hindi siguro ngayon dahil galit ako.

Please naman Jema. I know I didn't tell her and maybe we can handle things as a couple pero ayoko syang maipit sa sitwasyon na bibitawan nya ang friendship nila dahil mayroong feelings involve.

Maybe SomedayWhere stories live. Discover now