"I see."

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. "Ang alin?"

"Wala," sagot niya saka siya tumayo at kinuha ang phone niya sa mesa. "Ayun ang dahilan kung bakit ka binabalikan. Ang nangyari sa'yo sa sementeryo ay may kinalaman sa mga masamang nagawa ng pamilya mo sa ibang tao noon at-" Nagbuntong-hininga siya. "Ang nasa likod nito ay isang gang na nagngangalang Red Shadow Gang. Ang namumuno ngayon ng gang na 'to ay si Eagle, anak ni Viper, leader ng Shadow Gang na nakalaban ng lolo at parents mo."

Pakiramdam ko ay nanuyot ang lalamunan ko sa mga sinabi niya kaya napalunok ako. "Gusto rin akong patayin? Pero hindi, e. Ang narinig ko dun sa lalaking bumaril sa akin sa sementeryo ay gustong-gusto raw nila akong patayin pero hindi raw sila p'wedeng lumabag sa utos. Tsaka, naalala mo 'yung sa school? 'Yung kasama ko si Kuya Kaiser? Gusto nila akong makuhang buhay no'n."

Tumango siya. "Hindi ko masasabi kung anong mga plano ni Eagle dahil kahit nga mga magulang mo, nahirapang basahin ang mga galaw niya. Malay ba natin kung dumating ang araw na gustuhin niyang tuluyang burahin ang mga Velasquez sa mundo ng gang."

"Burahin?" Mapait akong ngumiti. "Kung kaya nila ako."

Lumapit siya sa akin saka hinawakan ang ulo ko. "Masyado silang malakas, Luna pero kaya ka naming protektahan. Hindi mo kailangang solohin ang problema."

Tinapik ko ang mga binti ko bago ako tumayo. "Kung totoong ang mga magulang ko ang minsang namuno ng mga gang, malamang kaya ko ring-"

"Mamuno?" Kunot-nuong tanong niya kaya napakunot ang noo ko at sinuntok ang braso niya. "Hindi 'no! Magaling lang akong makipaglaban pero isipin mo naman edad ko, Alexus. There's no hell that I can lead all the gangs."

Binitawan niya ang ulo ko saka mahinang tumawang umatras. "Hindi na pang-fifteen ang galaw at kung paano ka magsalita, Luna."

Napangiwi na lang ako sa sinabi niya. "Ang gusto kong sabihin, kung kinaya nina mommy na harapin sila dati, makakaya ko rin 'yon." Nakangiting itinuro ko ang sarili ko gamit ang dalawa kong hinlalaki. "Anak yata nina Samantha at Kenji Louie 'to."

I found disbelief in his eyes. "Nababaliw ka na talaga."

Kumunot ang noo ko. Sa school may mga nagsasabi sa aking baliw, pati ba naman dito? "Pati ba naman ikaw?"

"Ano?"

"Sinasabihan ako ng baliw," nagkakamot ng ulo na sagot ko.

"Hindi ba totoo?"

Natawa ako. "Medyo?"

NASA hapag na kami at nakain nina Ced at Alexus. Papunta na raw dito sina Raiven at Lucas. May pinagawa lang daw kasi sa kanila ang mga ama nila.

"Eat more. After that, we'll go to hospital."

"Huh?" Natigilan ako sa pag kain at tiningnan siya. "Pinagsasabi mo na naman, Alexus?"

"Pumayat ka. You need to take vitamins. Also, we really need to go with my friend. She's a psychologist. She can help you with your traumas. Let's take your vacation an opportunity to make you healthy."

Siguro nga tama na magpatingin na ako. Sa pagbabalik namin, kailangang magaling na ako. Paniguradong mga heavy duties na ang ibibigay sa amin, kaya kailangan kong maging healthy physically man o mentally.

Tumango ako saka nilingon si Ced na busy sa pagkain niya.

"Surpise!"

Hindi ko na kailangang lingunin kung sino ang sumigaw. Si Lu-

Nabigla ako nang biglang may yumakap mula sa likuran ko. "Lu, namiss kita."

Napangiti ako pero pinilit kong tanggalin ang kamay niyang nakapulupot sa leeg ko. "I miss you too pero bumitaw ka na at kakain pa ako."

DARK SECTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon