X

44 13 0
                                    

Mga walang utang na loob!
Kung sino pa ang tumulong ang siyang mas lalong nalulubog.
Kay rami na ngang nagawang kabutihan, kulang pa ba iyon?
Ay, hindi ko namalayang may kontrabida na namang dumalo.
Eto ka na naman padre Damaso, si Ibarra na naman ang napansin mo.
Walang tigil ang bibig sa panunuligsa sa kanyang pagkatao.
Iyan lang ba ang kaya mo?
Maraming beses ko nang narinig ito,
sinubukan mo na rin pabagsakin ako,
Ngunit eto pa rin sa harapan mo't matibay na nakatayo.
Nakakainit ng dugo!
Nakakatulig ng tenga ang bawat panlalait at kasinungalingang ito,
Kung ang madla ay iyong mapapaikot, pwes ibahin mo ako.
Kundi dahil kay Maria Clara,
marahil tulad ka na rin ni Don Rafael na isang yumao.

Kay rami nang suliranin subalit para sa kanila, ito lamang ang pangunahin.
Naiintindihan mo ba ang ibig kong sabihin?
Usapang pag-ibig na susubukang patibayin ng dalawang malapit nang paghiwalayin.
Kamay na bakal ang haharapin,
Hindi ko alam kung ito ba'y aking kakayanin ngunit mahalaga lamang sa akin ay naipaglaban kita kahit na ang tadhana at iyong ama ay hindi boto para sa atin.
Akala kasi nila purkit bata ay laging mali, puro pagkakamali.
Samantalang ang ama-amahan ay hindi marunong umanawa kahit kakaunti.
Kung pabigatan lang ng pagsubok, marahil ito na siguro ang pinakasamakit.

Pansariling kapakanan,
sukdula't may masaktan ay walang pakialam.
Ang parusang ekskomunikasyon para sa taong nakaalitan ng isang alagad ng simbahan, eto si Ibarra ang pinaghihinalaan.
Ngunit problema ay pansamantala munang iwanan,
Sa prusisyon ay makikita ang ating mga tradisyon bilang ating kayamanan.
Sa pag-awit, pananampalataya, paputok at batingaw atin nang simulan.
Aba, aba! Ang ating mga kontrabida ngayo'y nagbabait-baitan.
Tulad ni Maria Clara ay hindi makabasag pinggan,
Hindi mabasag ang kasiyahan pagkat marami ang may walang alam.

Noli Me Tangere ni Jose Rizal (A Poetry)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon