II

207 15 0
                                    

Ngunit hindi natin ito maaaring kalimutan.
Don Crisostomo Ibarra, Ikaw ang talagang sentro ng bulwagan.
Matapos ang pitong taon ay nagbalik ka upang kamustahin ang bayan,
Subalit tila hindi lahat ay sabik kang masilayan.
Kararating lang subalit agad nang napasabak sa pahiyaan at pag-iiwsan.
Iyo nang hayaan. Hindi na naman siguro mahalaga kung ang iyong Ama at ang padreng Pransiskano ba ay magkaibigan.
Masyado ka kasing kumukuha ng maraming suhestiyon kung kaya't ika'y naguhuluhan.
Subukan dinggin ang katotohan,
Sa sinasabi ni Tinyente Guevarra ay tiyak mapapawi ang pag-aalinlangan.
Nakarating man sa Europa, ang ilan ay nagsisi-inggitan na.
Mga utak talangka!
Yung tipong pinagkakatiwalaan mo ang hahatak sayo pababa.

Pagmamataas ang pinapamalas sa hapunan.
Hindi inaasahan, mukhang may nagaganap pang paligsahan.
Padre Sibyla, hinay-hinay lang sa pakikipag-unahan, dahil sa pagkatalo ni Padre Damaso ay eto na naman,
Puro pagpaparinig sa mga Indiong nag-aaral sa ibang bayan...
Pag-aaral sa ibang bayan, doon siya nakakahanap ng kaunlaran.
Hindi mo ba nauunawan o hindi mo lang nais na maangatan?
Hindi dapat mamili kung sino lang ang maaaring igalang.
Kung iyong pagninilay-nilayan, darating rin ang oras na siya'y iyong kailangan.

Sa mundong punong-puno ng pagsubok, huwag na huwag kang susuko.
Ehere man o Pilibustero, hinding hindi magpapahalata na naapektuhan sa gulong ito.
Walang sapat na dahilan ang pagkakabilanggo, kahit tinapakan na ang pagkatao.
Tulad ni Don Rafael ay nananatiling malambot ang puso sa kabila ng laging tinutudyo.
Kawalang katarungan nga ang nananalaytay dito.
Ito nga ang sinasabi kong sakit ng lipunan at sakit sa ulo.
Animong nagbasa lang ng baliktad na dyaryo,
Katotohanan ang kailangan ngunit iniiba ang mga kwento.

Noli Me Tangere ni Jose Rizal (A Poetry)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt