VIII

41 13 0
                                    

Dumako naman tayo sa ating pinaka-aabangan.
Kamusta na kaya ang nais ni Ibarra na magpatayo ng paaralan?
Kay Pilosopo Tasyo humingi ng payo subalit siya lamang ay binalaan.
Tulad natin ay nais lamang niya ng kaligtasan, gaya ng kanyang kasabihan,
Nais niyang tularan natin ang buko na sa tuwing daraan ang hangin ay nagpapakumbaba pa rin.
Yung tipong matibay ang pagkakayari ngunit yumuyuko pa rin pagkat umiiwas sa takot na mabali.

Halika't sumama ka sa akin.
Ipapakita ko sa iyo ang repleksyon ng mga ugali natin.
Huwag masyadong tumitig nang hindi mabulag ang mata sa bawat sinasambit
Subalit huwag rin magbulag-bulagan nang makita ang katotohanang nais iparating.
Simulan natin ito sa pagkukunwari.
Yung tipong ginagawa lamang palamuti ang salitang "mabuti" at "nakakatulong ng marami".
Ingat-ingat lamang sa mga nagmamasid at baka ika'y atakihin sa sobrang pagsisinungaling.

Sandali, malapit na ang takipsilim!
Oras na rin sa pagtatakip ng mga lihim.
Narito ang pagbibigay ng limos sa mga kapus-palad para pagsamantalahin.
Sadyang mahirap itong gawain,
Ginagamit para sa bagay na nais kuhanin o buhay na nais tubusin.
Usapang lumang sulatin, ating ibahin ang magkasintahang walang gustong sabihin kundi ang "mahal, ika'y magpagaling. Magsasama tayo sa sandaling ikaw ay dumating.
Hindi man kita nasilayan ngayon ay tiyak tayo'y muling pagtatagpuin".

Noli Me Tangere ni Jose Rizal (A Poetry)Where stories live. Discover now