Chapter 7: Secrets behind the Untold Truth

शुरू से प्रारंभ करें:
                                    

"Marahil ay kaibigan nila mama at lolo ito." Mahina kong wika at napatitig muli sa larawan. Ang mga ngiti ni mama na hindi ko na muling nakita simula ng mamatay si Ate Ria.

Nang ibabalik ko na sa librong hawak ko ang litrato ay may nakita naman akong isang lihim na nakaipit din dito.

"Ano kaya ito?" Tanong ko sa aking sarili. Kaya dali-dali kong kinuha ang sulat at binuksan ito. Mabuti na lamang ay hindi ito nakalagay sa envelope. Pagbukas ko ng sulat ay nakita kong galing ito kay lolo. Si mama ang sinulatan niya.

"Pero bakit parang hindi pa ito nakita ni mama?" Takang bulong ko sa aking sarili. Hindi ko mapigilan na basahin ang nakasulat kaya binasa ko ito.

Agosto 10, 1989


Mahal kong Tanya,

Anak, kung mababasa mo ang sulat na ito, alam kong wala na ako sa mundong ito. Patawad kung hindi na kita makikitang magkaroon ng sarili mong pamilya. Hindi ko na rin makikita ang magiging anak mo, pero alam kong magiging kasing buti at husay siya kagaya mo.

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

"Isang baybayin na liham ni lolo para kay Mama?" Takang bulong ko sa aking sarili

ओह! यह छवि हमारे सामग्री दिशानिर्देशों का पालन नहीं करती है। प्रकाशन जारी रखने के लिए, कृपया इसे हटा दें या कोई भिन्न छवि अपलोड करें।

"Isang baybayin na liham ni lolo para kay Mama?" Takang bulong ko sa aking sarili. Di ko alam pero naiintindihan ko ang nakasulat dito. Inaral namin ang baybayin sa school pero hindi ko iyon sineryoso kaya nakakapagtaka na naiintindihan ko ang nakasulat.

"Alam kaya ni mama ang tungkol sa liham ni lolo para sa kanya? Saka bakit may sinabi si lolo na kaugnay sa nakikitang oras ng mga tao? Katulad ba ito ng nararanasan ko ngayon?" Tanong ko sa aking sarili. Di ko na alam ang nangyayari. Gulong-gulo na ang isipan ko.

Bumaba ako agad sa atik at pumunta ng kwarto ko. Bitbit ang liham ni lolo para kay mama.

"Siguro dapat-" Hindi ko na naituloy ang iniisip ko dahil biglang nagbukas ang pinto ng kwarto ko.

"Anak.. " Bungad ni mama sa akin habang hila-hila ang wheel chair na kinauupuan niya. Mababakas sa mukha ni mama ang pag-aalala.

"-ma ba-kit po?" Pautal kong tanong na para bang may itinatago ako na hindi niya pwedeng malaman. Pero ang totoo ako ang nakadiskubre ng liham ni lolo para sa kanya.

"Umamin ka nga sa akin, anak." Tugon ni mama sa akin habang nakatitig ng deretso. Napalunok ako dahil bigla akong kinabahan.

"-ma a-no po bang sinasabi ninyo?" Utal ko na namang wika sa kanya. Pinagpapawisan na ako sa kamay. Halatang kabado.

"Ilang araw ka na kasing balisa diyan at tila wala sa sarili. Simula ng bumalik tayo galing ng sementeryo ay ganyan ka na. Meron ka bang problema na hindi mo sinasabi sa akin?" Sambit ni mama. Hindi galit, kundi pag-aalala ang makikita mo sa kanyang mga mata.

"Sasabihin ko ba kung ano ang nangyayari sa akin? Huwag nalang kaya? Baka lalong mag-alala si mama. Eh kung sabihin ko nalang ang nakita kong sulat ni lolo sa kanya?" Sambit ko sa aking isipan habang nakatitig pa rin sa kanyang mga mata.

"Anak?" Pagtawag ni mama sa akin, bumalik ako bigla sa pagkakatulala. This is it pansit! Huminga ako ng malalim at saka nagsalita.

"Ma... Wala po akong problema. Ayos lang po ako. Sadyang pagod lang ako nitong mga nakaraang araw kaya ganito ako." Tugon ko kay mama at nginitian siya. Nang hindi siya agad umimik ay nagsalita muli ako.

"Ma... May biglang kaluskos akong narinig kaya umakyat ako ng atik upang tignan, sa pag-aayos ko ng nahulog na gamit ay nakita ko ang larawan at sulat na ito." Pagpapatuloy ko at iniabot sa kanya ang nakuha ko kanina. Kitang-kita ang pagkabigla ni mama sa nakita.

"Sulat?" Takang tugon ni mama at tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Kinuha niya muna ang larawan at tinignan ito. Napangiti siya pero bigla din itong napalitan ng lungkot.

"Alam ko ma na ikaw at si lolo ang nasa larawan, pero sino po yung dalawang katabi niyo diyan?" Di ko na napigilan ang kuryosidad ko kaya tinanong ko siya.

"Sila si Uncle David Louton at Scarlet Persy. Kilala namin sila ng lolo mo at tinuturing na kapamilya. Magkaibigan sila uncle David at ang lolo Kurt mo simula pagkabata ko. Si Scarlet naman ang kanyang nag-iisang anak. Na kaibigan ko naman." Pag papaliwanag ni mama sa akin at nginitian ako.

Pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang apelyido ni tita Scarlet. Parang narinig ko na 'yon kung saan pero hindi ko maalala kung kanino.

Nakita ko nalang na binuksan ni mama ang sulat. Matapos niya itong basahin ay bigla na lamang itong lumuha.

The Remnantजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें