Chapter Forty-Seven

Magsimula sa umpisa
                                    

So now, dapat mapatulog niya ang anak para hindi niya na kailangang gisingin pa ang mister niya. Siya ang nanay dapat mas kabisado niya ang anak, pero minsan si Johann pa ang nagsasabi sa kanya ng mga dapat gawin kapag papaliguan, papakainin, papalitan ng diaper, at lalaruin si Isaiah.

Tuloy pa rin siya sa pagpapatahan kay Isaiah ngunit ayaw talaga nitong tumigil. She checked his diaper, hindi naman basa. So, anong iniiyak ng baby nila?

"Baka gustong dumighay."

Napapitlag si Sapphire at napalingon kay Johann na nagising na. Bumangon ito habang kinukusot ang mga mata at saka lumapit sa kanila.

Pinasa niya rito ang anak na wala pa ring tigil sa pag-iyak.

"Sshh...Isaiah, tahan na... Nandito na si Tatay..." malambing na sabi ni Johann. He carried their son across his right shoulder. Hinagod hagod nito ang likod ng bata. "Misis, pakilagyan naman ng lampin iyong balikat ko. Didighay ang baby."

Agad siyang kumuha ng lampin at saka maingat na nilagay sa balikat nito. Tuloy pa rin si Johann sa paghagod sa likod ni Isaiah, then their baby burped.

"Good boy..." bulong ni Johann kay Isaiah at saka ito hinalikan sa bumbunan. "Ang galing ng anak natin, no? Two weeks pa lang, marunong na mag-burp."

Maingat na pinahiran ni Sapphire ng lampin ang bibig ni Isaiah. "Alam na alam mo talaga kung anong gustong gawin ni Isaiah."

Pahigang binuhat na ito ni Johann at tumigil na sa pag-iyak ang baby. "Ako pa ba? 'Super Tatay' yata 'to!" nakangising sabi ni Johann na parang hindi man lang iritado na nagambala ang tulog nito. Johann gently rocked Isaiah in his arms.

Tinitigan niya si Johann habang nakatingin ito kay Isaiah, at napangiti si Sapphire. The love and affection in his eyes were very visible. Alam nang kung sino mang makakakita rito na mahal talaga ni Johann ang anak nila. Kung may kakaibang koneksyon sila ni Isaiah, mas kakaiba rin ang connection between a father and his son.

Napatingin sa kanya si Johann at napakunot-noo ito. "O, bakit umiiyak ka?"

Napasinghot siya at pinahid ang mga mata. "I don't know. Tears just started flowing. Pagod lang siguro ako."

Habang buhat nito si Isaiah sa isang kamay ay dumapo ang malayang kamay nito pisngi niya. He swept away her tears gently. "Ganoon ba? Tulog ka na lang ulit, Misis. Ako na bahala kay Isaiah."

"Ikaw na lang laging bahala sa kanya. Sabi ko na, eh. I'm not going to be a good mother," himutok niya. Habang nakatitig siya sa mag-ama niya, mas na-realized niya na mula nang pinanganak niya ang baby nila, ang tama lang niyang ginawa ay ang i-breastfeed ito. Pero kung kaya rin siguro ni Johann na magpa-breastfeed ay ito na rin siguro ang aako.

"Ngek. Dalawang linggo pa lang, Misis, naka-conclude ka na agad nang ganyan?"

She make face. "Eh, kasi naman, kahit minsan hindi ko naman nagawang patahanin si Isaiah. Hindi ko rin magawang palitan ng maayos ang diaper niya. Human milk-producer niya lang ako..." Nagbagsakan na naman ang mga luha niya. "Two weeks pa nga lang, failed na agad ako!"

"Sshh. Magigising si Isaiah."

"S-Sorry..." mahina niyang sabi.

Binalik na ni Johann ang anak nila sa crib at saka siya nilapitan. "Ang drama mo naman, Misis. Parang hindi mo lang napatahan, ganyan ka na agad mag-isip?"

Napahikbi siya. "Two weeks pa l-lang...how come you are so good at taking care of baby agad? Bakit ako hindi? Two weeks pa lang pero nakikita ko na agad na magiging magaling kang tatay sa tuwing tinitignan ko kayo ni Isaiah...bakit a-ako parang hindi?"

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon