/TMMDI-9/

33 16 68
                                    

THIRD PERSON

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Stephy. Bago lang sa kaniya ang ganitong pakiramdam pero alam niyang sa mga oras na ito ay masaya siya.

Bagay na hindi niya naramdaman sa buong buhay niya.

Hinila siya patayo ni Hayden at pumunta sila sa slides. Nagtatawanan sila habang sinasakyan nila ang iba pang palaruan.

Hindi maipaliwanag ni Stephy ang nararamdaman. Parang lumulutang ang puso niya sa sobrang saya. Napatingin siya kay Hayden at halos tumalon ang puso niya nang tumingin din ito sa kaniya.

Nang mapagod sila parehas ay umupo si Stephy sa ibaba ng slide samantalang nakatayo si Hayden sa tabi niya.

"That was fun!"

Nagtawanan ulit sila hanggang sa nagkatitigan ang dalawa.

Iba ang tingin sa kaniya ni Hayden. Parang may namuo tuloy na kung ano sa pagitan nila. Sa mga oras na 'yon ay parang nakalimutan ni Stephy ang lahat ng nangyari sa kaniya.

Dumoble ang tibok ng puso ni Stephy nang makitang unti-unting lumalapit ang mukha ni Hayden.

Alam na niya ang mangyayari sa sandaling 'yon kaya pinilit niya ang kaniyang mga mata at naramdaman na lang ang malambot na labi nito sa labi niya.

Ito ang first kiss ni Stephy kaya hindi niya pa alam ang gagawin. Lumayo saglit ang mukha ni Hayden at tiningnan siya.

"Open your mouth, Stephy. Let me guide you."

Ginawa ni Stephy ang sinabi ni Hayden at nang masanay siya ay ginaya niya ang ginagawa nito sa kaniya.

Uminit ang tensyon sa pagitan nila at napalitan ito ng kakaibang pakiramdam.

Naramdaman ni Stephy na naging agresibo ang pagbalik ni Hayden sa kaniya kaya napahawak siya sa dibdib nito at sinubukang itulak.

Sa gitna ng halikan nila ay biglang sumulpot sa utak ni Stephy ang isang pangyayari na akala niya ay tuluyan na niyang nakalimutan.

"'Wag kang mag-alala, anak... saglit lang naman 'to..."

Patuloy siyang hinahalikan ni Hayden at lumipat na ito sa paghalik sa kaniyang leeg pabalik sa kaniyang labi.

"Hmm... Hayden, sandali."

"Mabilis lang 'to, anak... maglalaro lang tayo..."

"Hayden..."

Hanggang sa lumipat ang halik ni Hayden sa kaniyang dibdib. Naramdaman niya rin ang paggapang ng kamay nito na dumapo sa kaniyang pwetan paangat sa kaniyang likod.

Ipinasok ni Hayden ang kaniyang kamay sa loob ng t-shirt niya paangat sa dibdib niya at marahan itong pinisil.

"Stephy..."

Ibang boses naman ang narinig niya. Isang malalim at parang galing sa hukay. Ang boses kung saan ang may dahilan kung bakit siya naging kakaiba.

Ang huli niyang rinig sa boses na ito ay bago siya ma-ospital. Nawala lang ang naririnig niyang boses simula ng uminom siya ng mga gamot.

Pero ngayong bumalik na ito ay paniguradong hindi na siya nito titigilan.

"Stephy..."

Nakita niyang sumulpot sa harapan niya sina Cian, Ember at Hale na nakatitig sa kanilang dalawa.

"You like that, little kitten? I'll give you more..."

Napaimpit si Stephy sa ginagawa ni Hayden at kahit anong tulak niya ay mas malakas ito sa kaniya.

Nakita niya na binalot ng dilim ang buong park kasabay ng naririnig niyang malalim na boses.

"Stephy..."

"Well, you look at that. Nawala lang kami saglit, nakikipagharutan na 'tong alaga natin." Sabi ni Ember at sabay silang nagtawanan ni Cian.

"Itulak mo siya, Steph at kami na ang bahala." Sambit ni Hale na nilaro-laro ang kaniyang baseball bat habang nakangisi.

Nakahanda na rin ang patalim ni Ember at nakakuyom na rin ang mga kamao ni Cian na handa na sa kung anumang gagawin.

Hanggang sa naramdaman ni Stephy na umabot na ang kamay ni Hayden sa pagitan ng hita niya ay malakas niya itong itinulak.

Bumigat ang hininga niya habang niyakap ang sarili. May isang butil ng luha ang tumakas sa mata niya kaya kaagad niya itong pinunasan.

Pinaligiran ng itim na usok si Hayden habang umuungot at pinipilit na tumayo.

Hindi namalayan ni Stephy na may malaki palang bato sa likod ni Hayden kaya doon tumama ang ulo nito.

Pagkatingin niya rito ay may dugo ito sa noo kaya nagulat si Stephy at napatakip sa kamay.

Galit na tumingin si Hayden sa kaniya habang kinakapa ang noo nito.

"What the hell, Stephy? I thought you liked it? Bakit ko tinulak?" Galit na sigaw nito sa kaniya.

"Sorry, Hayden... hindi ko sinasadya."

Kinuha ni Stephy ang panyo sa kaniyang bulsa. Umupo si Stephy sa harapan ni Hayden at ipupunas sana niya ito sa noo nito pero tinampal lang ito ng lalaki.

"Don't you fucking touch me!"

Napapitlag si Stephy dahil hindi niya inaasahan ang naging sagot nito.

Hindi niya maintindihan ang kinikilos nito pagkatapos ng nangyari.

"Stephy..."

Sa mga oras na 'yon ay parang nasa likod lang ni Stephy ang boses na naririnig.

"Stephy..."

Narinig niya itong bumulong sa tainga niya kaya napatingin siya kay Hayden.

Napalitan ng ibang ekspresiyon ang mukha ni Stephy. Naging blangko ito pati ang kilos niya ay naging kakaiba rin.

"Cian, Ember, Hale, " malamig na tawag niya sa tatlo.

Sa sinabi ni Stephy ay alam na ng tatlo ang ibig sabihin niya kaya pinaligiran nila ang walang kamalay-malay na si Hayden.

"With pleasure."

Mas lalo silang binalot ng itim na usok habang naririnig pa rin niya ang sinasambit ng boses na pumapaikot sa kanila.

Kumuha ng isang malaking bato si Stephy at mahigpit itong hinawakan habang nakatitig ng mariin kay Hayden.

Napatayo ang lalaki nang makita si Stephy na dahan-dahang lumalapit habang walang emosiyong nakatingin sa kaniya.

"W-Wait, what the fuck are you doing?"

Tinagilid ni Stephy ang kaniyang ulo sabay ngumisi sa lalaking nasa harapan niya na unti-unting natatakot.

"We're gonna have some fun, Hayden."

They Made Me Do ItDonde viven las historias. Descúbrelo ahora