/TMMDI-3/

53 19 112
                                    

STEPHY

"Holy shit! Patay na ba siya?!"

"You know, parang art ang nakikita ko. I mean, there's so much blood here!"

"Yup, you're right. What a nice view! It's like a piece of art!"

Hindi ko na napansin ang sinasabi ng tatlo dahil parang nabibingi ako. Umatras ang dila ko at ang paningin ko ay naka-focus sa lalaking duguan sa kama.

Para akong nanghihina dahil sa nakikita. Malakas ang kabog ng dibdib ko at pinagpapawisan ako ng malamig.

Hindi ko maintindihan. Sinong halang ang bituka ang gumawa nito? Sino ang may kakayahang pumatay ng tao?

Labis na lang ang gulat ko nang bigla itong napasinghap at binuksan ang mga mata.

Buhay pa siya!

Dali-dali akong lumapit sa kaniya para tingnan siya sa malapitan.

Alam kong nilalagay ko ang sarili ko sa delikadong sitwasyon dahil baka may makakita sa'kin dito sa loob kasama ang isang taong nasa bingit ng kamatayan. At ang malala pa ay baka pagbintangan ako pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

May parte sa'kin na nacu-curious at alamin ang dahilan nito pero may parte rin sa'kin na umalis na lang na parang walang nasaksihan.

Pero mukhang nanalo ang kuryosidad ko dahil natagpuan ko na lang ang sarili na tinititigan ko na ang itsura ng lalaki habang hirap huminga.

Nanginginig ang tuhod ko na lumapit sa lalaki.

Mula sa nakikita ko ay mukhang bagong ligo siya. Basa kasi ang buhok niya at ang paligid ng damit niya sa may bandang leeg.

May suot din siyang tuwalya sa pang-ibaba kaya walang duda na kaliligo lang niya.

Naririnig ko rin ang pag-agos ng tubig mula sa banyo.

Pero eto ang ayaw ko sa lahat. Dahil sa pesteng sakit na 'to, may mga bagay na kahit ayokong gawin ay nagagawa ko.

Katulad na lang ngayon, kahit gusto kong umalis dito ay hindi ko magawa. Parang may pumipigil sa'kin at hinihila ako pabalik.

Sa kabilang banda, nakita kong parang sinusubukan niyang magsalit dahil ibinubuka niya ang bibig niya pero dahil masyadong maraming dugo roon, hindi na siya masyadobg maintindihan.

Sa una ay naglilikot pa ang mata niya dahil siguro ay nagtataka siya kung anong nangyayari sa kaniya pero nang dumapo ang tingin niya sa'kin ay nanlaki abg mata niya.

Hindi ko maintindihan pero parang natatakot siya sa'kin. Bumilis ang paghinga niya. Inaangat din niya ang kamay niya pero wala siyang sapat na lakas para gawin ito.

"W-Wa...g...paki...u-usap..."

Napakunot-noo ako dahil hindi ko maintindihan ang gusto niyang sabihin kaya inilapit ko ang tainga ko sa bibig niya pero wala na akong narinig pa.

Binalik ko ang tingin sa lalaki at napasinghap na lang nang tuluyan na itong nawalan ng hininga. Nakanganga pa ito at nakadilat ang mga mata.

"Ano raw? 'Di ko maintindihan sinabi niya. Ang hina naman kasi ng boses, pwede naman niyang sabihin ng diretso, 'di ba? Pa-suspense pa. Psh."

Pahayag ni Ember na nasa tapat ko. Nakakrus ang mga braso niya habang nakatingin sa lalaki.

"Tanga. 'Di mo ba nakita? Nag-aagaw buhay na siya paano siya makakapagsalita ng matino?" Tugon naman ni Cian na nakatayo sa may paanan.

"Puwede rin naman niyang ibulong." Sabat ni Hale na nakasandal sa gilid habang pinaglalaruan na naman ang hawak niyang baseball bat.

"Ewan ko sa inyong dalawa. Parehas talaga kayo pagdating sa katangahan. Buti na lang matalino ako." Saad ni Cian.

They Made Me Do ItWhere stories live. Discover now