Kabanata 10

1.7K 50 7
                                    

Kabanata 10

"Where are you taking me?"

Naglakas loob akong magtanong sa kanina pang tahimik na si Kaito. Mapapansin ang malalim niyang pag-iisip mula pa nang makasakay kami sa mamahaling sasakyan. It's weird kase hindi naman sya ganito kaseryoso lagi.

"Do you like him?"

Kahit walang iniinom ay napaubo ako. Nabilaukan yata sa sariling laway sa sinabi ng lalaki.

"H-Ha?"

"You like him." He said na parang siguradong sigurado na.

Naglumikot ang aking mata. What else should I say? Wala akong masabi! Wala akong isasagot sa lalaki. Naguguluhan ako sa sariling nararamdaman. Hindi ko lang ito nararamdaman kay Yakeru kundi kay Kaito din mismo.

"E-Eh?" Iyon nalang ang tangi kong nasabi.

Eh! I don't know what to say. What if I told him I wasn't sure about my feelings? I mean I don't just like his cousin but also him. Will he judge me?

"Tell me the truth." Hinihingal sya, ngayon ay titig na titig sa akin. 

Natigilan ako, natameme. Ano bang isasagot ko? Hindi ko alam, naguguluhan ako! At bakit ba ganito ito kaseryoso?

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?" Mas pinili kong tumawa para pagaanin ang atmospera.

Napasigaw ako nang bigla syang pumreno dahilan para muntik na akong mapasubsob sa dashboard ng sasakyan. 

"Dahan-dahan naman!"

Ngumisi sya dahilan para mahampas ko. Nakakainis ang ugali niya, walang duda magkadugo nga sila nong isa! Pinahiran niya ang gilid ng labi na animo'y dumugo iyong hampas ko kahit wala naman. Hindi ko maikakailang ang hot nitong tignan!  Umiling ako at nag-iwas ng tingin.

Bumuntong hininga ako, pinapanuod ang kamay niyang isinasayaw ang isang baso ng alak. Nagtataka ako sa kaniyang katahimikan. Hindi ko alam kung paano kaming nakarating ngayon sa rooftop ng hotel. Gabi na rin at simula kaninang umalis kami sa venue ng kasal ay hindi ko na nasilayan pa ang pinsan nito. Kakaiba ang idinudulot nila pareho sa'kin at naguguluhan ako roon. Ngunit alam ko kung ano itong nararamdaman ko, maaaring may pagtingin ako sa kanilang pareho, pero bakit? Pwede ba 'yon? 

"H-Hindi pa ba tayo uuwi?" Pagbasag ko sa katahimikan. Masyadong tahimik ang gabi at hindi ako sanay ro'n lalo pa at ang isang 'to ang kasama ko.

Ang alam ko kasi ay ngayon ang huling araw namin rito, ngunit bakit gumagabi na ay hindi pa rin kami lumakad? Kung kaya ko naman ay hindi ko na sila hihintayin pa 'di bale nang masabihan akong walang modo sa pag-iwan sa kanila, ngunit wala akong dalang pera! Ayoko na ring mas patagalin pa ang pagsama ko sa kanila lalo na at ganito ang nararamdaman ko. 

I heard him chuckled a bit bago sumimsim sa hawak na alak. Napalunok ako dahil ang sexy niya sa simpleng galaw na iyon. 

"You seem in a hurry, don't you like the place?"

Bahagya akong napaiwas tingin upang iwasan ang malalim niyang tingin. Pakiramdam ko ay inaakit niya ako kahit parang hindi naman.

"May trabaho ako nang daragin ako ng pinsan mo papunta rito. Ano nalang ang masasabi ng boss ko? Na ang empleyado niya ay may gana pang magliwaliw sa Hong Kong sa oras ng trabaho? Tsk!" Pagmamaktol ko, totoo naman kase. 

"Uwing uwi kana ba? Ni hindi mo pa nga sinasagot ang tanong ko kanina." He said clenching his jaw.

Ang gwapo talaga ng kumag na 'to lalo na 'pag nagtatagalog. Naging ilap ang mata ko nang muli niya na namang buksan ang pinag-usapan namin kanina. Akala ko pa naman ay nakalimutan niya na.

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Aug 12, 2023 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Devouring Her (On Going)Kde žijí příběhy. Začni objevovat