Kabanata 4

4.4K 132 4
                                    

Kabanata 4

Nanunuri kong pinanood ang bawat pagdadabog ni boss Virah. Kanina pa siyang umaga ganiyan, palaging bumubulong bulong at para may kaaway na maligno.

Pansin ko din ang namamaga niyang mata. Kanina pa nga nangangati ang bibig ko sa kagustuhang tanungin siya kung anong nangyari, pero baka masabihan akong chismosa.

Huminga nalang ako ng malalim at nagpatuloy sa ginagawa. Nang mga sumunod na mga araw ay unti unti ring naging matapang ang kaniyang anyo. Iyong mga damit na hindi niya sinusuot noon ay sinusuot na niya ngayon.

Wala namang nangyari sa nagdaang araw ko kundi ang tahimik na mag-patuloy sa buhay kasama sina Chichay at si Abby sa bahay. Kadalasan ay hindi ko na masyadong naiisip iyong lungkot dahil maingay naman ang bahay lalo pa't naroon ang maingay na batang iyon.

Ilang araw na din mag mula nong lumipat kami, mula no'n hindi ko na ulit nakita iyong masungit na lalaking nagbigay sa'min ng bahay na si Mr. Matsunaga. At ilang araw ko na din hindi makalimutan iyong halik na halos laman na ng panaginip ko gabi gabi.

Kinikilabutan akong umiiling iling. Sa village na tinitirhan namin ay hindi naman gaanong karami ang tao, iyong iba ko kasing kapitbahay noon ay nagsilisanan na matapos mabigyan ng pera kung kailan kakarating din no'n ni Mr. Matsunaga. Kaya naman kaunti lang ang nabigyan ng bahay na kabaranggay namin.

“Putang inang 'yon, akala niya kung sino siyang gwapo? Ang lakas magloko ng lintik." Maya maya'y bulong na naman ni boss.

Gigil na gigil siyang ginugunting iyong mga reject na dahon na tila iyon ang may kasalanan sa pagkabadtrip niya.

Hindi na ako nagpapigil pa, ilang araw man akong tahimik at hindi nakikialam, hindi naman siguro masamang magtanong. Naging malapit din naman siya sa'kin at concern lang naman ako lalo pa't namamaga na naman ang kaniyang mata.

“Boss," umangat ang nakakamatay niyang tingin sa'kin, napalunok ako.

“What?" Ang taray.

“A-Ahm... may problema po ba kayo?" Tumikhim ako ng mas sumama ang kaniyang mukha. “I mean, ilang araw na po kaseng masama ang timpla niyo."

Huminga siya ng malalim at napa-sentido.

“Damn, pasensya na, hindi ko lang ma-kontrol ang galit ko."

Mapang unawa naman akong ngumiti.

“Okay lang boss, gusto ko lang naman malaman. Kung gusto niyong may mapagsabihan ay nandito lang naman ako, para kahit papaano ay guminhawa ang loob mo."

Napa-upo siya sa swivel chair niya saka ibinaba ang gunting.

“Sic cheated on me."

Umawang ang labi ko sa kaniyang rebelasyon.

“P-Po?"

Tumango siya at ngumiti ng mapakla, kita ko ang pagbalatay ng sakit sa kaniyang mukha.

“I trusted that asshole, akala ko pa man din ay hindi ako lolokohin," dismayadong aniya bago tumigas ulit ang anyo. “Pare pareho lang silang lahat."

Hindi ko alam kung sino pa ang tinutukoy niya, napabuntong hininga nalang ako't yumakap sa kaniya para kahit papaano ay kumalma siya.

“Huwag ka ng malungkot boss, hindi lang naman siya 'yong nag iisang lalaki sa mundo. S-Saka.."

Bunaling siya sa'kin, nagtatanong ang mga mata. Napakagat labi ako. Magagalit ba siya sa sasabihin ko pag nagkataon?

“Saka?"

Devouring Her (On Going)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora