Kabanata 5

4.9K 127 12
                                    

Kabanata 5

"YAMERO!!" (Stop it)

Pare parehong natigilan ang dalawa sa pagsusuntukan nang sumigaw ang matandang ginang. Maging ako ay halos lumubog na sa kinatatayuan ng makita ang matalim nitong tingin.

"If you can't respect me, well at least respect my home!"

Napapahiya akong napayuko, kung mabilis sana akong nakaiwas sa halik na iyon ay sana hindi umabot sa ganito ang lahat.

"Gomen nasai, obaasan." (I'm sorry, grandma)

Kumunot ang noo ko, bakit pamilyar ang boses? Sinuri ko ang nakatalikod na lalaki. Makisig ito, maputi at may blonde na buhok. Sino na-

Isang singhap ang lumabas sa labi ko nang nilingon nito ako, walang emosyon ang mukha at may dugo sa gilid ng labi.

"I-Ikaw.." Hindi makapaniwala kong usal.

Siya 'yon, 'yong lalaking gwapo na bumili ng bulaklak sa shop ilang araw na ang nakalipas.

Nagulat pa ako nang maglakad ito palapit sa'kin at iglap lang ay naramdaman ko ang pagdampi ng palad nito sa labi ko at pinunasan iyon.

"You're not allowed to kiss anyone yet, baby girl." malalim ang boses na anito.

Pakiramdam ko ay natulala ako sa sinabi nito, unti unti ay nag init ang pisngi sa kahihiyan.

"H-Ha?"

Bahagya nitong dinuro ng mahina ang ilong ko bago muling hinarap ang matandang ginang. Wala sa sariling dumapo ang tingin ko sa lalaking nasa unahan, namutla ako ng makita ang matalim nitong tingin sa'kin.

"You two, go to my office," ani Obaasan sa dalawa bago ako binalingan, medyo nailang pa ako sa klase ng tingin nito, wala ring emosyon. "And you, stay here."

Parang wala ako sa sarili na tumango nang umalis ang mga ito pa-akyat. Bahagya pa akong napalundag ng may lumapit sa'king katulong na naka-kimono dress.

"H-Hi?" Medyo nagdalawang isip pa akong sabihin iyon.

Bahagya itong yumuko, hindi nagsalita at seninyasan lang akong sumunod.

"Suwaro." (Sit) bulong nito sa'kin.

Hindi ko man maintindihan ay alam ko kung ano ang gusto nitong gawin ko. Tumango ako't umupo don sa single couch.

"You want tea, ma'am?" Maya maya'y tanong nito.

Pilit ang ngiting tumango ako, "Yes please."

Nang makaalis na ito ay itinuon ko ang tingin sa paglibot sa malaking sala ng bahay. Pakiramdam ko ay nakakapangliit, everything shouts luxury. Maging iyong simpleng display vases ay halatang pang mayaman, may antiques rin.

Bumalik itong may dalang tsaa at inilapag sa harapan kong babasaging mesa. Nagpasalamat muna ako bago ito nagpaalam na aalis.

Hindi ako sigurado kung ilang minuto iyon pero namalayan ko nalang ang papababang si Sir Mats— Sir Yakeru sa hagdanan.

“Let's go." Walang emosyong saad nito.

Dali dali akong tumayo at sinundan ito sa paglalakad.

“Magkadugo pala kayo non? Saka saan na naman ba tayo pupu—" Natigilan ako ang matalim nito akong nilingon.

“What do you think?" Asik nito,

“Keru."

Pareho kaming natigilan ng magsalita ang sa pagkakaalala kong si Kaito. Nakasunod pala ito sa'min.

Devouring Her (On Going)Kde žijí příběhy. Začni objevovat