Prologue

1 1 1
                                    

Ang ulan ay dumarating sa araw na hindi natin inaasahan. Dumarating minsan sa panahon na sumisikat pa ang araw. Dumarating sa oras ng kinakailangan, minsan dumarating para makapinsala.

Ang pag-ibig ay tulad din ng ulan. Bigla na lamang darating sa oras na di mo kailangan. Bubuhos na lang bigla at walang tigil hanggang sa bumaha na ng pagmamahal. Minsan sa kasobrahan, hindi natin inaakala o inaasahan ang pinsalang dulot nito. Na sa kabila ng mga ito, andiyan ang pinsalang nakakasakit ng damdamin. Atsaka lang titila sa panahon naman na darating ang araw. O sa  darating ng bagong pag-asa.

Nakakalito minsan ang pagtulo ng ulan, katulad ng pagtulo ng ating mga luha. Andyan ang ulan ng kasiyahan, kung saan dumarating sa panahon ng ating pangangailangan. Andyan ang luha ng kalungkutan, na kung saan gusto mong pigilan pero di mi naman kayang hadlangan.

Tulad ng malakas na ulan,hindi ko inaasahan ang pagbagsak mo sa puso't isip ko. Dumating ka sa araw na kung saan, walang wala na ako. Dumating ka sa panahong kinakailangan ko. Sa tuwing tumitingin ako sa himpapawid. Sa tuwing bumubuhos ang ulan, ikaw ang lagi kong naiisip.

You are my Heavy Rain. The Rain that brings Disaster. And also like a rain, I'll always fall for you♡︎

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 05, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving the RAINWhere stories live. Discover now