"And this is my daughter, Scarlet." Pagpapakilala ni dad sa akin at akap-akap ang aking balikat. Nakita kong ngumiti ang anak ni uncle kaya nginitian ko din siya.

"Hi, Tanya. Nice to meet you."

"Nice to meet you too, Scarlet."

Tugon namin sa isa't isa at ngumiti. Mabilis kaming nagkapalagayan ng loob ni Tanya na para bang magkaibigan na kami simula pagkabata. Naisipan pa nga namin kung ano ba ang tawagan namin. Kaya napunta kami sa "Bes", shortcut for Bestfriend.

Lumipas ang maraming taon hanggang madiskubre namin na may kapangyarihan kaming taglay na nanggaling pa sa mga magulang namin. Sila ang nagpaliwanag sa amin ng tungkol sa kapangyarihang taglay nila at sinabi din nilang, kami ang sunod na henerasyon na gagamit at pangangalagaan ang mga ito.
Nalaman din namin na naipapasa ito sa susunod pang henerasyon pero sa panganay na anak lamang ito naipamamana.
Kaya nung nalaman namin ang mga bagay ukol dito ay hindi kami nag atubili ni Tanya na alamin pa ng lubusan ang tungkol sa history ng aming kapangyarihan.
At kung ano ang sakaling mangyari kung higit sa isa ang magiging anak namin kapag nagka asawa na kami.
Nasagot naman nila dad at uncle ang tanong namin tungkol dito.
Sabi nila na maaaring magkaroon ng ibang kapangyarihan ang mga anak namin ngunit hindi kasing tulad ng naipamamana sa mga panganay na anak.

Nung una ay hindi namin maintindihan pero mas pinaliwanag pa ni dad ang tungkol dito.

Ayon sa history ng mga ninuno namin, napagalaman ni dad at uncle na ang pamilya namin at pamilya ni uncle ay kapwa magkasangga. Simula pa noon ay nagtutulungan ang mga ito na pangalagaan ang kapangyarihang taglay laban sa kasamaan.
Nalaman din nila na nagkaroon ng ibang kapangyarihan ang dating generation dahil higit sa isa ang naging anak ng mga ito. Nagkaroon ng hati ang mga kapangyarihan.
Pero simula noong mangyari iyon ay hindi na muling naulit pa ang history sa mga sumunod na generation. Hindi alam nila dad and uncle ang reason.
Pero mayroon silang hinala sa kung ano ang posibleng nangyari pero hindi na nila nasabi pa sa amin dahil pareho silang namatay sa isang car accident.

Simula noon, doon na nagsimulang madiskubre namin na mayroon na kaming kapangyarihan.

Doon namin napagtanto na ang pagsasalin ng kabuuang kapangyarihan na meron ang mga magulang namin ay mangyayari lamang kapag namatay ang mga ito.

Bigla akong bumalik sa kasalukuyan ng yugyugin ako ni Tanya.

"Bes, ayos ka lang? Kanina pa malalim ang iniisip mo." Tanong sa akin ni Tanya. Kita sa mga mata niya ang pag-aalala.

"Ayos lang ako, Bes. Pero maiba tayo, naalala mo ba noong bago mamatay sila dad at uncle Kurt?" Tugon ko sa kanya at nag pangalumbaba.

"Ang alin doon, Bes?" Tanong niya sa akin at napaisip din sa tanong ko.

"Yung tungkol sa nadiskubre nila tungkol sa dahilan kung bakit hindi na nagpasalin-salin ang generation noon na higit sa isa ang anak pero lahat ito ay nagkaroon ng kapangyarihan." Pagpapaliwanag ko sa kanya at napalingon sa akin.

"Wala eh. Bakit Bes, may nalaman ka ba?" Tanong niya sa akin at muling tumitig, hinihintay ang isasagot ko.

"Well, hindi ko pa rin alam Bes kung ano yung na-discover nila pero may sasabihin ako sayo." Tugon ko at saka hinawakan ang kanyang kamay at tumitig sa mga mata niya.

"Yung huli nating bonding noon, doon ko rin nadiskubre na nagtataglay ng kapangyarihan ang isa ko pang anak, si Sunshine." Bungad kong tugon sa kanya. Hawak-hawak pa rin ang kanyang mga kamay.

"Anong ibig mong sabihin? Papaano?" Takang tugon niya. Kita sa mukha niya na gusto niyang malaman kung paano nangyari 'yon.

"Di ko rin alam kung anong naging sanhi kung bakit may kapangyarihan din si Sunshine. Pero isa lang ang ibigsabihin nito." Huminga ako ng malalim at aakmang magsasalita ng nagsalita siya.

"Na nasa panganib ang mga anak natin." Tugon niya at siyang pagtango ko. Alam namin na mayroong masamang mangyayari kapag naulit ang generation noon na lahat ng anak ay may kapangyarihan.

Tanya' P.O.V.

Nakita ko ang pag-aalala sa mga mukha ni Scarlet matapos niyang sabihin sa akin ang nalalaman niya. Pero mas natatakot ako para sa anak ko.

"Bes... Natatakot ako para sa anak ko." Tawag ko kay Scarlet at hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Ano ba ang kapangyarihan ng anak mo, Bes? Para matulungan natin siyang paigtingin pa ito." Tanong niya sa akin at saka ngumiti. Bigla naman akong napayuko bago sumagot.

"Wa-la siyang kapangyarihan, Bes. Naalala mo ba ang kwento ni papa at dad mo? Mangyayari lamang na magkaroon ng kapangyarihan ang lahat ng anak natin kung buhay sila lahat." Bungad kong tugon sa kanya at mas lalo akong kinabahan. Nakita kong nakikinig lamang si Scarlet kaya pinagpatuloy ko ang kwento.

"Simula ng maaksidente kami ay nawala na ang kapangyarihang meron ako, Bes. At hindi naman ito naipasa kay Ria dahil namatay siya. Kaya wala kahit sino sa amin ng anak kong si Zette ang may taglay ng kapangyarihan ng pamilya namin." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Naluha na lamang ako dahil hindi ko sukat akalain na mauulit ang history sa generation ng mga anak namin.

"May punto ka, Bes. Pero hindi imposible na mayroon ka pa rin kapangyarihan." Wika ni Scarlet na siyang pinagtaka ko.

The RemnantWhere stories live. Discover now