Napatungo na lamang ako, pilit na tinatago ang aking mukha mula sa dalawang lalaki. Napapikit ako nang mariin kasabay ng paghinga ko nang malalim.

Sobrang nakakahiya! Gusto ko nalang maglaho, please!

"It's okay. I know her. Jade, right?" tanong ng lalaking nasa aking likuran.

Kumunot ang aking noo kasabay ng panlalaki ng aking mga mata. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hoy, shuta, ano 'to, stalker ko? Akala ko, ako lang ang nakakaalam na parang pamilyar siya sa akin?!

So, ibig sabihin ba noon ay nagkita na talaga kami dati? Na nagkakilala na kami dati? Gago, saan? Hindi ko maalala!

"I'll pay for her drinks. How much was it again?" tanong pa niya at lumapit sa aking tabi.

Sinabi ng bartender ang aking bill at agad naman niyang inabot ang kaniyang credit card. Halos lumuwa na ang aking mga mata nang makakita ng kulay itim na credit card. Hala, yayamanin ata 'to!

"Thank you," he politely replied and took his credit card back from the bartender. Ngumiti naman ang bartender dito at saka ito tinanguan. Umalis din ito sa aming harapan at hinayaan na kaming dalawa.

Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang makitang maglakad ito palayo at papunta sa ibang customer. Napakagat na lamang ako sa aking labi at sinubukang sumulyap ng tingin sa aking katabing lalaki. I can still feel his presence behind me!

Nang masulyapan ito ay agad din akong napaiwas nang magtama ang aming tingin. Agad kumabog nang sobrang lakas ang aking puso sa sobrang kaba.

Itinaas ko ang aking kamay at iniharang iyon sa gilid ng aking mukha. "S-Salamat..." mahina kong bulong.

Hiyang-hiya na ako! Una, muntikan pa akong mahulog sa sahig pero dahil sa kaniya, hindi ako napahiya nang tuluyan. Tapos, makikita pa niyang bente pesos nalang pala ang dala-dala kong pera. Tapos, ngayon, siya pa ang nagbayad sa aking bill.

Wala pa kaming isang oras na nagkakakilala ay ang dami ko na agad atraso sa kaniya!

Pasimple akong umuusog palayo sa kaniya. Itinapak ko ang aking kaliwang paa sa sahig at dahan-dahang bumaba mula sa stool bar.

Sana hindi niya ako mapansin. Please, please, Lord, kahit ito nalang! Hayaan mo na akong makatakas sa kahihiyan na nagawa ko ngayong gabi!

Akala ko ay magiging matagumpay na ako sa pagtakas mula sa kaniya. Pasimple akong tumingin sa kaniyang gawi at nakita itong nakatingin lamang sa akin. Nakakrus ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang dibdib habang prenteng-prente na nakatayo sa aking gilid.

Agad akong nataranta at para bang ang initial reaction ko na lamang ay ang bilisan ang aking kilos.

Ngunit dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin ay hindi ko pa pala naibababa nang ayos ang aking kanang paa. Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng paghulog ng aking puso nang sumabit ang aking paa sa ibabang bahagi ng bar stool.

Agad akong sumalampak sa baba, ang aking kaninang nakapusod na buhok ay mabilis na bumagsak sa aking mukha. Naramdaman ko ang sakit sa aking siko at kamay na naipangtuod ko sa sahig.

"Aray!" sigaw ko at agad din namang tinignan ang aking siko. Kahit na madilim ang lugar ay nakita ko pa rin ang gasgas doon. Buti na lamang at hindi iyon nagsugat at nagdugo.

Narinig ko ang pagsinghap ng mga tao sa aking paligid nang makarinig ng biglaang pagbagsak. Napapikit na lamang ako nang mariin. I can feel all of their stares boring into me!

Wala na! Walang-wala na yung dignidad ko! Inubos na ng gabing ito!

Naramdaman ko na lamang ang kamay ng isang tao sa aking likod at agad hinawi ang aking mahabang buhok na nakaharang sa aking mukha.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Where stories live. Discover now