[39] Of Soulmates and Venn Diagrams

Magsimula sa umpisa
                                    

Isang page lang ang update niya.. and that's weird. Nasa climax na siya ng story ah. Don't tell me filler update lang 'to? At bakit parang iba yung tono niya this time? Ang.. lungkot. Sobra.

I'm falling in love with you.

Those six words hold so much promise.

I'm falling in love with you.

Para sa katulad niyang ngayon lang nakaramdam ng ganito.. ano nga ba ang dapat niyang gawin? She's a novice when it comes to love and romantic stuff. Hindi naman kasi 'to fiction na ang author na ang bahala sa mga gagawin ng character. Wala naman kasi siyang author, so san siya kukuha ng tips? Wala rin siyang notes na irereread. Walang-wala.

 

Triple shit. Bakit ganito 'to.

Hindi ko na napigilan ang luha ko sa mga sumunod na lines. I wasn't expecting this to happen. Sure, climax nga naman ng kwento pero.. what the hell? Ba't biglang naging ganito? Hindi ako naiyak sa sakit ng mga linya na sinulat niya.

Naiyak ako sa sobrang frustration.

BAKIT GANITO ANG NANGYARI!?!

Eto ang problema ng mga babae. Nasabihan lang ng "I love you", wala nang pinapakinggang iba. Yun lang. Namatay na ang five senses natin sa sakit na maaaring idulot ng tatlong salitang yon. Puro masasaya at nakakakilig na lang ang iniintindi natin. Kasi akala natin okay na. Kasi akala natin pag alam nilang pinagkakatiwalaan natin sila, hindi nila tayo sasaktan.

Tinakpan ko na ang mukha ko, pinagtitinginan na kasi ako ng mga tao sa jeep. Damn it, I couldn't stop crying! Ang sakit sakit sa ulo at puso 'tong update! Bago pa ako ngumawa nang tuluyan, bumaba na ako sa jeep. Mga tatlong street pa ang layo mula sa Skyline ang binabaan ko.. wala na akong pake. Hanggang sa paglalakad ko papunta sa condo nina Tristan inulit-ulit ko yung binasa ko. Mukha na nga akong baliw eh. May matinong tao bang umiiyak habang naglalakad sa kalsada? Wala! Ako lang!!

Sa elevator ko na binasa ang final part ng update. 47 floors naman, siguro titigil na ako sa kakaiyak.

Well.. I was wrong.

 

"San ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap ah!" she tried her best to stay calm.

"I've been thinking."

Kinabahan si Leiza. Iba ang kutob nya rito. "About what?"

"Us."

"Anong tungkol satin?"

"I'm leaving you."

 

Ang I'm falling in love with you na nagsimula ng lahat.. ay ngayo'y napalitan ng I'm leaving you.

"What?" her voice quivered. Hindi sya makapaniwala.

"I'm sorry."

And he left her.

Ganun na lang.

Kung papapiliin sya kung alin ang mas masakit, ang mamatay sa car crash o ang masabihan ng "I'm leaving you. I'm sorry"...

mas masakit ang huli.

Wala na. Hanggang dun na lang.    

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon