Chapter 27

9.1K 373 30
                                    




Heraclyne

"Where are we going, Ms. Agathon, hmm?" I asked her once we got inside my car.

"Just sit back and relax, Ms. Wright. I'm sure magugustuhan mo kung saan man tayo pupunta." I raised an eyebrow.

"Talaga lang ha?" Nginitian ako nito.

"Okay, then."

Just like what Quentin said, I relaxed in my seat while jamming with the music playing from the radio. Naglilibot ang mata ko na nakamasid sa labas ng bintana, nagtataasan na gusali ang dahilan kung bakit natatakpan ang magandang sinag ng buwan. Sa gabi gusto ni Quentin na bumyahe, tinanong ko kung bakit pero hindi niya ako sinagot.

Nang makalayo-layo, napansin ko na hindi pamilyar sa akin ang lugar na tinatahak namin ni Quentin.

"Where are we? Malayo na 'to sa city." Ikanalaunang sabi ko.

"I know." Tipid nitong sagot. Nang mapansin na mukhang malayo pa kami sa mismong pupuntahan, saglit muna akong umidlip.

Naramdaman ko naman na tinapik ako sa balikat ni Quentin.

"Wake up, Love. Malapit na tayo." Kinusot ko ang mata pero hindi sobra dahil baka matanggal ang make-up ko.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa hindi ko alam kung ano. Hinayaan ko lang kung saan ako dalhin ng babaeng 'to.

"Welcome to Baler."

"What the hell? Bakit dito mo ako dinala? At bakit ang layo ng pagdidate-an natin?" This girl, bumyahe kami ng limang oras para lang sa date?

"Actually, we are going to stay here for three days and two nights."

"What?! Quentin, I have work."

"I know. Don't worry, I already talked to Eya, she will handle your office."

"Quentin, ayokong laging umaasa sa secretary ko, okay?"

"Taasan mo nalang sweldo niya," She shrugs. "Come on. I promise you, you will enjoy it here."

Hinila niya ako papasok sa reception. Napaikot nalang ang mata ko nang mapansin na ang daming tao nakatingin sa amin. Well, I can't blame them. I'm too gorgeous.

"Quentin, why did you bring me here? Wala tayong dalang mga gamit. You should've tell me in the first place para nakapaghanda ako. May pa surprise-surprise pa kasing nalalaman." Bulong ko sa kanya.

"We already have some clothes in our suite." Tinaasan ko ng kilay. Huh, so pinaghandaan niya talaga 'to? Hindi ko naman maiwasang pamulahan ng pisngi.

"Uh... Ms. Samaniego. Ready na po ang room niyo, pwede na po kayong umakyat." May lumapit sa amin na isang babae na tumingin kay Quentin.

Samaniego? Hindi ba Agathon ang surname niya?

"Why did she call you Samaniego?" I asked her. Pero hindi ako nito sinagot, nginitian lang ako.

"Quentin, answer me!" Sinigawan ko ito sa loob ng elevator. I really hate it when she's ignoring me.

"They know me as Quentin Samaniego here. It's my mother's surname."

"Why?"

"Because I want to." I rolled my eyes at her.

Biglang bumukas ang elevator at agad hinawakan ni Quentin ang kamay ko. Hinila niya ako papunta sa pinakadulong pinto.

She opened the door with a keycard at agad tumambad sa amin ang malawak na kwarto. I was amazed by the interior. It wasn't my first time here in Baler, pero hindi ako nagcheck-in dito sa Hotel. Sa pagkakaalam ko, katabi lang nito ang hotel na 'yon.

𝐇𝐄𝐑𝐀 | 𝐖𝐒𝐒 #𝟏Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon