Chapter 18

8.8K 399 5
                                    





Heraclyne

Kanina pa kami palakad-lakad pero hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

"Quentin, stop na. Ang sakit na ng paa ko."

"Wait, malapit na tayo."

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" May bakas ng pagkairita sa boses ko.

"Sa langit nga."

"Ano ba? Ayoko pang mamatay."

She just laughed at me. "Too naive, Love."

"Whatever," I rolled my eyes at her. "Let's just go back sa party, baka hinahanap na 'ko ng mga kapatid ko."

"They won't." I raised an eyebrow.

"And why is that?"

"Sinabi ko na sa kanila na ako ang kasama mo."

"Hoy! Ano ba'ng trip mo? Bumalik na tayo." Tatalikod na sana ako pero mabilis niyang kinabig ang kamay ko kaya napayakap ako sa kanya.

"Just trust me, okay?" I grunted.

"No, bala ka d'yan aalis na ako." Hindi pa man ako nakakahakbang nang buhatin niya ako at pinasan sa balikat niya.

She's so strong!

"What the? Quentin, ibaba mo 'ko!" Ibinaba niya ang himlayan ng dress ko para hindi makita ng iba.

"Shh..."

"Ano ba?! Let go of me!" Pinaghahampas ko 'yung likod niya pero hindi siya natinag, patuloy lang siya sa pagbubuhat sa akin.

"No. Be quiet." Napapansin ko na ang daming nakatingin sa amin. Sana naman hindi ako makilala ng mga tao rito dahil kung hindi panigurado may bagong article na naman tungkol sa amin. Hindi na ako nakipag-away dahil hindi rin naman siya makikinig.

Ilang minuto lang ay naramdaman ko nalang na ibinaba niya ako, muntik pa akong mahulog dahil sand pala 'yung natatapakan ko.

"What the hell are we doing at the beach?!"

"Will you please lower down your tone?"

"Ugh! Dinala-dala mo 'ko sa lugar na 'to without my consent and you will expect me to lower down my tone?! Are you fvcking serious?!"

"Stop with the cussing."

"Kapag ikaw nagmura pwede?"

"Come on, Love. Umupo nalang tayo." Hinila niya ako pababa kaya napasalampak ako sa buhanginan. Medyo madilim sa pwesto namin dahil nasa ilalim kami ng puno pero may liwanag pa rin na nanggagaling mula sa buwan.

"Are you hungry?"

"Yes. Paano ba naman kasi 'yung isa d'yan hinila-hila ako papunta rito," Inirapan ko siya. "Ba't ba kasi tayo nandito?"

"What people don't know about me is I really like star-gazing." She said out of the blue. Naguguluhan akong napatingin sa kanya nang uminom ito ng beer. Saan nanggaling 'yon?

Nakatingin lang siya sa madilim na kalangitan habang tinutungga ang beer. Dahil curious ako, tumingin na rin ako.

"Why is that?" I asked her instead.

"I somehow can relate to them."

"Ibig sabihin may limang kanto rin 'yang mukha mo?" Tinawanan ko siya, bigla naman nagseryoso ang mukha nito.

"Kung may limang kanto 'yung mukha ko bakit nakukuha mo pa rin akong halikan?" Ngumising nilapit nito ang mukha niya kaya natigilan ako.

Huminto siya nang konting pulgada lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Bumaba ang tingin ko sa mapupula niyang labi, napaiwas ako ng tingin nang umangat ang gilid ng labi niya. Ibig sabihin nakita niya akong nakatingin sa labi nito?!

Nang dumapo ulit ang tingin ko sa gawi niya ay hindi na ito nakatingin sa akin kundi sa kalangitan.

"See those stars?" She pointed up in the sky. I nodded at her as a response.

"They're just like me. They shine bright like a diamond... but is always kept in the dark." When she said those words, sadness is evident in her voice.

Bago pa niya inumin ang beer inagaw ko na sa kanya ito at tinungga.

"Now that we dived in to that topic, why don't you tell me more about yourself? Seems like marami kang alam tungkol sa akin, ikaw naman ang magshare."

"There's not much to tell."

"I don't believe you. Come on, sabihin mo lang 'yung mga basic information about you." Pagpupumilit ko habang umiinom ng beer. I'm not really the beer type of girl pero 'yun lang available kaya no choice ako at saka hindi naman ako maarte, laway lang naman niya 'yung nando'n.

"About me? Hmm... let's see, wala akong second name, both my parents are OFWs, I have a little sister na nakatira as of now sa bahay ng lolo ko, I used to be a bartender pero I persue a different career. I applied to a different companies as a Photojournalist but I got rejected... and, that's basically it."

"Pero bakit ka pumasok as a maid?"

"The money would help me for financial purposes pati na rin sa kapatid ko."

"Wala ka bang nakakukuha mula sa parents mo?"

"Meron. Pero ayokong umaasa lagi sa kanila. Mas kailangan nila 'yon."

"But as your parents, alam nilang responsibilidad nila na suportahan kayo." Kumuha ako ng chips na galing pa sa inutusan niyang lalaki. Hindi ko alam kung sino 'yon at lumapit nalang sa amin may dala na itong mga pagkain.

"Let's just stop talking about them." She shrugged off the topic.

Biglang tumahimik ang paligid, dahil sa hangin tanging alon lang ng tubig sa dagat ang naririnig.

"You have something on the side of your lips." She pointed out.

Pinunasan ko ito pero tinawanan niya lang ako. Is she making fun of me?

"Here, let me." Lumapit siya at naramdaman ko ang malamig niyang kamay na nakadikit sa pisngi ko. Nakatingin lang ako sa mga mata niya habang tinatanggal ang dumi sa labi ko.

All of a sudden, biglang nagtama ang mga mata namin. I can see something different sa mga mata niya.

Namalayan ko nalang na unti-unting nagdidikit ang mga mukha namin hanggang sa lumapat na ang labi namin sa isa't isa.

Our kiss is different, it was not filled with lust. It started of slowly but I can feel the gentleness and tenderness of our kiss. I can feel the passion radiating through our body as our lips are connected to each other.

Nang lumalim na ang halikan namin, siya na ang kusang humiwalay. Hingal na hingal akong napakapit sa batok niya.

"Hera..." The way she calls my name sends shivers to me.

"Hmm?"

"I like you."

𝐇𝐄𝐑𝐀 | 𝐖𝐒𝐒 #𝟏Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon