Chapter 24

8.7K 367 17
                                    







Heraclyne

Masayang nakikipaglaro si Qiana kay Nancy habang nakatanaw ako sa kanila. Nandito kami sa likod-bahay dahil wala akong magawa kanina kaya sumama ako sa kanila. Wala rin si Quentin dito dahil nasa bayan ito para bumili ng mga makakain namin mamaya.

Isang linggo na rin kaming nandito ni Quentin at namimiss ko na ang mga kapatid ko. Sa makalawa pa kami makakabalik sa Maynila dahil hindi pa maayos ang lahat simula ng mangyari ang gabing iyon.

Mabuti nalang dinala ni Quentin ang laptop ko kaya kahit papaano ay nakakapagtrabaho ako. Pero hindi pa rin maiwasan ang mahinang signal dahil nga nasa magubat ang lokasyon ng bahay nila.

Habang busy sa pagtitipa sa keyboard ay may biglang tumakip sa mga mata ko. Base sa amoy nito alam kong ang babaeng kanina pa wala rito sa bahay.

"Tintin!" Napangiti nalang ako ng tinawag ni Qiana ang nakakatanda nitong kapatid.

Tinanggal na nito ang kamay sa mga mata ko bago ko siya lingonin.

I smiled at her nang inabot nito ang dala niyang tatlong petals ng bulaklak.

"For you. Nabili ko lang 'yan sa bayan kanina." Nakangiting inabot ko naman sa kanya ito.

"Ayieeee." Narinig naman namin ang pagkantyaw nila Nancy, natawa naman kaming dalawa.

"Tintin! Where's my schocolate?" Natawa naman ako kay Qiana dahil hanggang ngayon hindi pa rin niya mabigkas ang salita chocolate. Ilang beses ko na itong tinuruan.

"I'm sorry, baby. Wala kasi kaming makita ni Manang sa bayan, eh. Naubusan daw sila." Bigla naman lumungkot ang mukha ni Qiana.

Nilapitan ko ito at lumuhod sa harapan niya kaya magkapantay ang laki namin. "Don't worry, Qiana. Isasama kita sa bahay ko pagbalik ko ro'n at bibili tayo ng maraming chocolates. Do you want that?" Agad namang sumilay ang ngiti sa labi niya.

"Yesh!" Napangiti naman ako at hinagkan siya ng yakap.

Mabilis gumaan ang loob ko sa bata dahil naalala ko sa kanya ang bunso kong kapatid na si Psyche. Ganito rin kasi siya noon, mahilig sa chocolates. Minsan nga pinapagalitan ako ni Mom kapag nakikita niya na binibilhan ko ng maraming chocolates si Psyche. Baka raw sumakit ang ngipin nito at magkaroon ng cavities. Naiintindihan ko rin naman siya pero kasi naawa ako sa kapatid ko.

Bumalik lang ako sa wisyo nang nagpatuloy na maglaro si Qiana kasama si Nancy. Nagpakawala naman ako ng malalim na hininga.

"Do you miss your sisters?" Rinig kong tanong ni Quentin.

Bumalik ako sa upuan bago sinagot ang tanong niya. "I do. I badly miss them."

"'Wag ka mag-alala, bukas din naman ay babalik na tayo." Tumayo ako at bigla siyang niyakap at ikinagulat nito.

"Thank you for this, Quentin. Thank you for bringing me here." Naramdaman kong niyakap din ako nito pabalik bago hinagod-hagod ang likod ko.

"It's my pleasure." I felt her kissing my forehead na agad ko namang ikinapikit.

I love this feeling.

Habang nagluluto si Quentin ng tanghalian, may narinig kaming kumakalampag ng pintuan. Nagtatakang tumingin ako kay Quentin gano'n din kay Nancy.

"Nancy, tignan mo nga kung sino ang mga 'yon." Utos ni Quentin. Agad namang tumayo si Nancy para tignan.

Nakaupo si Qiana sa kandungan ko habang masayang naglalaro sa laptop ko. Pinapanood ko siya maging si Quentin na busy sa pagluluto.

Hindi ko maiwasang mamangha sa kanya. Bukod sa masipag siya sa mansyon ay nagpursigi itong magluto para raw sa akin. Hindi kasi talaga siya marunong, nang dahil lang daw sa akin ay pinagpatuloy niya ang pagluluto.

𝐇𝐄𝐑𝐀 | 𝐖𝐒𝐒 #𝟏Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon