Kapitulo Uno

8 1 0
                                    


Napaigtad ako sa lamig ng paligid. Agad kong dinilat ang aking mga mata at isang walang hanggang kadiliman lang ang aking nasilayan. Iisa lamang ang namumutawi sa aking isip, at iyon ay..

Patay na ba ako?

Sa totoo lang ay hindi imposible mangyari iyon dahil sa lakas ng pagtama ko sa kung ano man iyon. May parte sa akin na hindi matanggap ang ganoong kamatayan ngunit may parte rin sa akin na parang hindi na bago ito.

Purong kadiliman lamang ang nakikita ko kung kaya ay pumikit na lang ako dahil hindi ako kumportable at sa totoo lang ay natatakot ako sa sobrang dilim. Niyakap ko na rin ang aking sarili dahil sa lamig. Wala namang hangin ngunit malamig.

Hindi ko alam kung ilang minuto, oras o baka siguro ay araw na ang nakalilipas. Para lamang akong nakalutang sa kawalan at nag-aantay sa wala. Gustuhin ko mang maiyak ay may kung anong pwersa sa loob ko na ayaw. Nagpatuloy pa rin ang walang hanggang pananatili ko sa purong kadiliman na nangingimig na sa lamig. Ngunit sa gitna ng aking pananatili ay hindi inaasahan ang biglaang pag-ugong ng kawalan. Mararamdaman ang tila pagyanig kahit wala akong tinatapakang kung ano. 

Maya-maya pa ay may kung anong pwersya ang siyang humatak sa akin. Habang hinahatak ako nito ay walang katapusang kadiliman pa rin ang aking nakikita pero hindi naglaon ay nakakatanaw na ako ng kung anong liwanag sa may hindi kalayuan. Nang makapasok na ako sa mismong liwanag ay tsaka naman ako nawalan ng malay.


Nang ako ay magising ay tumambad sa akin ang napakaliwanag na paligid. Ilang beses pa akong nagpapikit-pikit dahil sa paninibago. Kalaunan ay naging stable na rin ang lagay ng aking paningin kaya naman ay nailibot ko na ito kung nasaan nanaman ako.

Nasa isa akong kwarto na napapaligiran ng salamin ngunit kataka-takang hindi ko kilala ang taong nasa repleksyon nito. Akala ko ay guni-guni lamang o ilusyon ngunit nang hawakan ko ang aking mukha, ay gayon pa rin ang repleksyong kilos sa salamin. Kung ako ito, bakit iba ang mukha ko sa repleksyon nito? Anong nangyayari at nasaaan ba talaga ako?

Hindi ko na namalayang tumayo ako sa pagkakasadlak sa lapag at papalapit na sa salamin na tila hinihigop ang aking kaluluwa. Nang makalapit dito ay hinawakan ko ito at nakipagtitigan sa hindi pamilya na mukha.

"Sino ka? Anong kinalaman mo dito?" tanong ko dito na animo'y nawawalan na ng bait dahila alam ko namang hindi ito sasagot sa akin. Pero laking gulat ko nangbiglang mag iba ang ekspresyon nito. Biglang nagkaroon ng distortion sa aking repleksyon mula sa salamin. Naging dalawang repleksyon na ng magkaibang tao ang magkaharap dito. Ako, at ang hindi pamilyar na mukha kanina na ngayo'y nakangisi sa akin.

"Sino ako? Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo?" tila nang iinsulto nitong balik sa akin.

"Hindi ba't nauna akong nagtanong? Sino ka? At anong kinalaman mo sa aksidenteng kinasangkutan ko?" sunod-sunod gamit ang seryosong tinig dito at hindi nagpatinag sa pakikipagtinginan sa kaniya sa salamin.

"Hindi mo na nga naalala kung sino ka talaga." iiling na sagot nito. Pumikit ito sandali at bumuntong hininga bago ako tinignan nang diretso sa mata.

"Huwag ka nang lumapit pa sa nagniningas na apoy dahil tiyak na mapapaso ka. Iyan lamang ang masasabi ko sayo."

Tumalikod na ito at nagsimulang maglakad papalayo.

"Sandali lamang! Sino ka ba kasi? Bakit mo sa akin sinasabi iyan? Anong apoy? Saan huwag lalapit?" kababakasan na ng inis ang aking tinig habang sinusuntok ang salaming hindi man lang natitinag sa pwersa kong ina-apply dito.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jan 31, 2022 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

ANASTACIAOnde histórias criam vida. Descubra agora