----

14 2 0
                                    

-*-

"Kumapit ka lang, anak! Malalampasan mo ito..'wag mo kaming iwan, please"

"Hanggang dito na lamang po kayo, Sir and Ma'am"

"Reynaldo, ang anak natin!"

"Magtiwala ka lang, mahal. Malalampasan ni Isabel ito"

"Doc? Is there any problem?"

"The patient's pulse!"

"...."

"1, 2, 3 Clear!"

"Ugh!" ibinuka ko nang dahan-dahan ang talukap na namimigat. Masakit din ang aking ulo at parang binagsakan ng ilang debris ang katawan ko sa bigat.

"Your grace, 'wag niyo muna ipilit ang inyong katawan sa pagbangon!" biglang sigaw nang kung sino na nagpa-igtad sa akin.

"Ang ingay mo, hinaan mo nga boses mo!" nanghihinang maktol ko dito nang ako ay tuluyang makaupo. Tila isang naging pagsubok para sa akin ang pag upo ko dahil sa panghihina.

"Kumusta ang inyong lagay-"Pinutol ko na agad ang tanong na ito dahil biglang nagpantig ang aking pandinig. Mukha ba akong okay? Pambihira!

"Mukha ba akong okay?!" mahina ngunit mababatid ang pagkairita sa aking boses. Ugh! Malabo pa rin ang aking alaala at sumasakit lang ang aking ulo kapag pinipilit ko ito na mas lalong nagpairita sa akin.

Hindi naglaon ay may narinig akong nagkukumahog at mga bulong na palakas nang palakas. Handa na sana akong bulyawan ang mga nang saktong ibubuka ko ang aking bibig ay tumambad sa aking harapan ang hindi pamilyar na mukha.

Natigilan ako nang tuluyan at may napagtanto.

Hindi pamilyar ang lugar. Itong kwarto na tinutuluyan ko. Actually, sa pinterest at mga aesthetic post sa Facebook ko lang ito nakikita ang disenyong ito. Pinikit at kinusot kong muli ang aking mga mata baka nahihibang lamang ako o nag-iilusyon. Ngunit pagkabukas ko ay ganoon pa rin at wala man lang pinagbago. Ang mga matang nakatitig sa akin ay mas lalo lang nakadagdag sa aking kaba.

Nasaan ako?

-*-

Mahigit walong taon nang nakararaan simula na magising ako sa mundong ito. Ngunit hindi ko pa rin maramdaman ang pagiging belong dito. Kung kaya nararamdaman kong hindi ako taga dito. Isa akong dayo mula sa ibang lugar na sa magpasa hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maalala. Fragments lamang ng mga iilang alaala ang bumabalik sa akin ngunit kapag nangyayari iyon, katakot-takot na sakit ng ulo ang nangyayari.

"Anastacia, hindi mo ba nagustuhan ang inihaing pagkain?" tanong ng ginang-este ng aking ina. Isa pa ito, ni isang koneksyon o lukso ng dugo ay wala akong nararamdaman sa kanya kaya mas lalo lang dumadagdag sa pangamba ko at hinala na marahil ay hindi nga ako mula dito.

"Wala, wala naman po, Ina. Masarap nga po sa katunayan." sagot ko dito at sabay taas sa aking tasa at uminom ng tsaa. Imported pa raw ito at galing pa sa ibang bansa.

"Ngunit mukhang may gumugulo sa iyo, ano ba iyon?" bakas pa rin ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Nakonsensya naman ako sa hindi malamang dahilan. Umisip na lamang ako ng posibleng i-alibi nang magkaroon ng relief ang kaniyang kalooban. Tamang-tama at naalala kong kukunin ko pala ang susuoting damit para sa isang pagdiriwang sa palasyo.

"Nag-aalala lamang ako kung ano ang kalalabasan ng aking ipinatahing damit sa debut, Ina." sinabayan ko ito ng isang buntong hininga upang maging kapani-paniwala. Bukod kasi sa pagdiriwang na magaganap ay sabay ding gaganapin ang pagde-debut namin sa sosyalidad. Karaniwang puro pasiklaban lamang ang nagaganap dito upang ipalandakan ang kayamanan ng kani-kanilang pamilya.

ANASTACIAWhere stories live. Discover now