8th Blood: "Stings Like A Bitch"

9.9K 236 8
                                    

BLACK BLOOD ACADEMY: SEIGE GRAY IS NOW UP FOR PREORDER! CLICK THE ORDER FORM IN THE EXTERNAL LINK AND FILL UP THE FORM. ACCEPTING OF ORDERS AND PAYMENTS WILL LAST UNTIL OCTOBER 19, 2017.

BOOK DETAILS:

PAPER: WHITE

SIZE: 5X8

EXTRAS: TOLD IN A DIFFERENT MANNER. BOOKMARK INCLUDED. LIMITED EDITION (NO BATCH 2 IF BATCH 1 WILL ONLY REACH SINGLE DIGIT ORDERS). NO MAXIMUM ORDERS FOR BATCH 1.

FOR CONCERNS DO CONTACT ME AT HEARTRUINER AT GMAIL.COM OR VISIT THE FOLLOWING PAGES FOR UPDATES:

BLACK BLOOD ACADEMY: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM/BLACKBLOODACADEMYSERIES

HEARTRUINER STORIES: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM.HEARTRUINERSTORIES

WEBSITE: HEARTRUINER.WEEBLY.COM

ORDER FORM CAN BE ACCESSED ON THE EXTERNAL LINK OR SIMPLY VISIT http://bit.ly/2veeEZK

***

PAGKATUNOG na pagkatunog ng bell, agad-agad na tumayo si Cattleya. Hindi na talaga bumalik si Seige simula nang tumakbo ito

palabas ng homeroom kanina during enchantment class. Noong tinanong niya si Dex, sabi nito'y itinaas raw ni Seige ang guard nito kaya't hindi ma-kontak sa mind link ng kawawang Beta.

Nonetheless, hindi naman siya nag-aalala. Baka kasi nag-LBM lang ang loko.

"Cattleya!"

Lumingon siya habang hawak ang tray na galing sa counter ng cafeteria. Lunch break na kasi. Nakita niya ang kambal na sina Turk at Kurt kasama si Jesse na kumakaway mula sa inuupuan ng mga ito. Ngumiti siya bago maglakad para daluhan ang mga kaibigan.

"Anong inorder mo?" agad na salubong ni Kurt sa kanya.

"Uh... burger and coke."

"Ayaw mo ng Deli Platter?"

"Malaki masyado, maliit lang akong tao."

Tinulak ni Jesse ang platter nito paisod sa espasyo ng mesa na kanyang nao-occupy. "Share na lang tayo. Dapat heavy ang kinakain mo sa lunch para hindi ka madaling magutom."

Napangiti siya sa concern ng binata sa kanya. "Okay na ako sa burger and fries, Jesse."

"Well, I don't approve. Dali na, mas mabubusog ka kapag kumain ka ng karne."

"Ang kulit ng lahi mo."

"Concern lang naman ako sa 'yo," anito at saka tila balewala lamang na sumubo sa isang piraso ng karne.

The twins eyed them both na tila nang-aasar. Natawa na lang siya at umiling-iling. At dahil nag-alok na si Jesse ng sarili nitong platter, hindi na siya nakatanggi.

They proceeded to talk about football games na hindi siya maka-relate. Ano naman kasing alam niya roon? Kaya't tahimik na lamang niyang itinuon ang atensyon sa kinakain.

"...speaking of milagro," Pagkuwa'y bumaling si Jesse sa kanya na tila may biglang naalala. "Ilang beses mo na nga palang tinatakasan ang interrogation namin sa 'yo ah. Paano mo nagawang burahin ang marka ni Sharmel sa pamamagitan ng isang halik lang kay Seige?"

Agad na bumikig ang kinakain niya sa kanyang lalamunan na naging sanhi kaya siya nabilaukan. Hinablot ni Cattleya ang iniabot na tubig ni Turk sa kanya at ininom iyon. Pagkatapos ay inis niyang hinataw ang katabi.

Black Blood Academy: Seige Gray (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon