7th Blood: "Enchantment"

10.6K 244 18
                                    

BLACK BLOOD ACADEMY: SEIGE GRAY IS NOW UP FOR PREORDER! CLICK THE ORDER FORM IN THE EXTERNAL LINK AND FILL UP THE FORM. ACCEPTING OF ORDERS AND PAYMENTS WILL LAST UNTIL OCTOBER 19, 2017.

BOOK DETAILS:

PAPER: WHITE

SIZE: 5X8

EXTRAS: TOLD IN A DIFFERENT MANNER. BOOKMARK INCLUDED. LIMITED EDITION (NO BATCH 2 IF BATCH 1 WILL ONLY REACH SINGLE DIGIT ORDERS). NO MAXIMUM ORDERS FOR BATCH 1.

FOR CONCERNS DO CONTACT ME AT HEARTRUINER AT GMAIL.COM OR VISIT THE FOLLOWING PAGES FOR UPDATES:

BLACK BLOOD ACADEMY: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM/BLACKBLOODACADEMYSERIES

HEARTRUINER STORIES: HTTPS://WEB.FACEBOOK.COM.HEARTRUINERSTORIES

WEBSITE: HEARTRUINER.WEEBLY.COM

ORDER FORM CAN BE ACCESSED ON THE EXTERNAL LINK OR SIMPLY VISIT http://bit.ly/2veeEZK

***

PAULIT-ULIT ang pagtunog ng alarm clock sa bedside table na gumising kay Cattleya. Nagtalukbong siya, repeatedly asked the

clock for five minutes more as if it would stop by itself kapag naawa na ito sa kanya.

"Urgh!"

Habang nakapikit pa'y inabot niya ang alarm clock sa bedside table para sana wasakin. Ilang beses na natatamaan ng kanyang palad ang kahoy ng mesa kaya't umisod pa siya para tuluyang maabot iyon. But instead, kakaisod niya ay nahulog siya sa kama. Dinig na dinig niya ang tunog ng pagbagsak ng kanyang katawan sa tiles na sahig.

"Ouch!"

Hinimas niya ang kanyang balakang na tumama sa sahig. Wow ha. Good morning, Cattleya. Good morning sa 'yo ng bongga. Umagang-umaga minamalas ka.

"Kakambal ko ba ang kamalasan?" inis niyang tanong sa kisame ng kanyang silid pagkatapos ay napatigil mayamaya. "Sabagay. Kambal ko nga si Edge, eh. Hindi na malayo."

May ilang sandali pa bago siya tuluyang makatayo at makapag-shower. Hindi niya na hihintaying kalampagin ni Edge ang pintuan niya dahil siguradong magugulantang na naman ang buong pack kung saka-sakali. Nakakahiya, pinapagalitan na sila ng Daddy niya dahil nakakabulahaw sila ng mga natutulog.

Mula sa banyo ay dinig niya ang tunog ng truck na nagdedeliver sa kanila ng mga semento, hollow blocks at mga graba na ginagamit para roon sa itinatayo na pack houses. Project ni Rain iyon dahil ang ibang members ng pack ay mated na kaya't kinakailangan ng mas maalwang mga tirahan. Kahit kasi malaki itong Mistic mansion, hindi naman magkakasya ang lahat ng pack members lalo na kung nag-uumpisa na silang mag-reproduct.

Kaya ang ginawa ng kapatid niya, binili nito ang mga bakanteng lote sa village sa kabila na naging extension ng kanilang village pagkatapos ay pinatayuan iyon ng mga bahay. Ewan niya kung paano nabili ni Rain ang village. Baka na-bribe iyong may-ari o tinakot. Pwede rin sigurong na-seduce. Sa sobrang pagkaperpekto ng mukha ni Rain, napakaraming nabibiktima ng taong iyon.

Ang mga pwede lang namang mabiktima ni Rain eh iyong mga ganito:

A) Malandi.

B) Tanga.

C) Panget.

D) Kapos sa buhay.

Black Blood Academy: Seige Gray (Published)Where stories live. Discover now