10

63 2 1
                                    

YEJI'S POV

We're now on our way sa kakainan naming restaurant. We're riding on Karina's car but Somi is the one who's driving while Karina is on the passenger seat. Nasa likod naman kami ni Lia.

Nakasunod naman samin yung kotse ni Winter.

Buong biyahe ay walang umiimik samin. I guess ganto kaming kakain ng lunch.

Nung tumawag kasi si Yeonjun hindi ko na alam gagawin ko, I don't know how will I say no to him. Hindi rin naman ako makapili sino sasamahan ko dahil baka pag pinili ko mga kaibigan ko ay may gawin siyang masama sa mga ito. At nangyari nga yung kinatatakot ko, he warned me.

I forgot to say thank you for Ryujin and her friends. Kung hindi dahil sakanila ewan ko na kung anong mangyayari samin.

I keep on glancing at Karina and even tried talking to her kaso ayaw niya ako pansinin.

"Talaga bang hindi kayo magpapansinan?" Lia suddenly ask. Ayaw niya kasi na nag-aaway kami, although hindi naman yun maiiwasan pero ayaw niya paring pinatatagal yung tampuhan namin. Nakakasama daw kasi sa pagkakaibigan namin.

Karina still hasn't spoke up. She just keep looking outside the window. Napabuntong hininga na lang ako.

"I'll fix this," mahinang sabi ko kay Lia and seems like Somi also heard it dahil napatingin siya sa rear view mirror.

"You really should," sabi nito sakin at tumango na lang ako.

I look back at Karina and she's still looking outside.

Hindi talaga ako sanay na nagkakatampuhan kami ng mga kaibigan ko, lalo na si Karina. Halos 24/7 kami magkasama dahil iisang condo lang inuuwian namin. Kaya hindi ko rin talaga kaya tiisin na hindi kami mag-usap.

The car stops, nakarating na kami sa restaurant. Nakita ko rin na nagpark na sa tabi namin yung car ni Winter.

Somi is the first one who went out of the car. I was about to go out when Lia stop me and Somi did the same thing to Karina.

"Ayusin niyo muna yan. Walang lalabas ng hindi kayo nag uusap," Sabi samin ni Somi before closing the door.

Nakita ko naman ang pagkairita sa mukha ni Karina.

"What a nonsense," rinig kong bulong nito.

"Jiminie, I'm sorry," sabi ko dito but she just rolled an eye to me.

"Why are you even with us? Diba mas pinili mong samahan yung abusive mong boyfriend,"

"That's why I'm sorry. Hindi ako nag-iisip. Natakot ako na baka anong gawin niya,"

"Matagal ko nang sinasabi sayo diba na iwan mo na? Pero hindi ka nakikinig. Mas natatakot ka sa kaya niyang gawin kesa sa posibilidad na masira pagkakaibigan natin? Don't you trust me? Us? Diba sabi ko sayo poprotektahan ka namin!" Galit na sabi nito sakin. She's not looking at me but I can see her face well on the rear view mirror.

Kitang kita sa mata niya na galit na galit siya.

"I know, pero hindi ko alam pano ko siya iiwan. Hindi ko alam pano ko sisimulan. Hi-hindi ko kaya," I'm trying to hold back my tears. I can't cry here. Not here. We're in a public place at may iba kaming kasama. I don't want them to see me cry.

"Bakit kailangan mo pa ba ng speech bago siya iwan? Yeji hindi na girlfriend turing niya sayo!"

"Hindi ko siya pwedeng basta basta na lang iwan and you know that,"

"Why? Because you owe him? Dahil lang sa pinagtanggol at tinulungan ka niya noon sa daddy mo sapat na dahilan na ba yun para mag stay ka? Hindi pa ba mas mas sapat yung dahilan mo para iwan siya?!"

Break Your Walls || Ryeji AUWhere stories live. Discover now