Kabanata 28

462 16 11
                                    

Shower of rain. Gust of wind. Striking of lightning. Roaring of thunder. While I was staring straight at his eyes, I lost care about it all. All I cared about was the way my heart palpitates and my tears flow at the sight of him.

"Wala ka bang balak pumasok sa bahay?" seryoso niyang tanong.

Umawang ang labi ko. Hindi nakalagpas sa akin ang paos at mababa niyang boses. Even his voice...

"Sky."

Napaigtad ako sa malamig niyang boses. Suminghap ako at nag-iwas ng tingin.

It must have been awkward for him that I was just staring at him for minutes!

I snapped out of my thoughts and tried so hard to pull myself together. Sinubukan kong tumayo nang maayos, kahit na ang totoo, literal na nangangatog ang tuhod ko. Sinubukan kong magsalita, kahit na ang totoo, kinakapos ako ng hininga.

"T-Tara,"

Lumayo ako sa kanya nang kaunti dahil hindi na kinakaya ng puso ko ang lapit namin. Isinunod ni Joshua ang payong sa akin kaya kalahati nalang ng katawan niya ang napapayungan.

"Mababasa ka!"

Umusog ulit ako papalapit sa kanya. Na-guilty ako pero parang balewala lang naman sa kanya. Nag-angat lang siya ng kilay at sinabayan ako sa paglalakad nang hindi ako tinatapunan ng tingin.

"Basa ka na," disappointed kong sinabi.

Basa na ang itim niyang t-shirt, sa kanang balikat banda. Even the right side of his face got wet.

"Lumayo ka kasi." simple niyang sagot.

Suminghap ako at agad na tinamaan ng hiya. Hindi na ako nakatitig pa sa kanya. Pinanatili ko nalang ang matang nakadirekta sa kongkretong pathway na nababasa ng ulan.

"S-Sorry."

Pasimple kong pinalis ang luha ko. Sa bawat hakbang, pakiramdam ko may kung anong itinatarak sa puso ko. Is it happiness? Pain? I don't know. Maybe mixture of both.

"Wawa! Sky! Gosh. What happened to the both of you? And Sky, you're soaked!" si Hannah.

Lumunok ako at nilingon si Joshua na ngayon ay tinitiklop ang foldable na payong. Binasa niya ang pang-ibabang labi at hinawi ang iilang buhok na nabasa at humarang sa kanyang noo.

Ngayong medyo nahimasmasan na, napansin ko ang pag-mature ng katawan niya. He is leaner and wirier now. He also got a little taller. Beneath his black round-neck shirt is broadened shoulders with muscles on the right spots. His blue jeans emphasized his long and strong-

"Towel, Sky!"

Napakurap-kurap ako at nag-iwas ng tingin kay Joshua. Hiyang-hiya kong nginitian si Hannah. Tinanggap ko ang puting tuwalya at marahan iyong idinampi sa aking mukha.

"So..." tumikhim si Hannah. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa'min ni Joshua.

Kumabog ang dibdib ko. I know she knows about our past.... and I'm nervous she'll mention it...

"Finally after seven long years... you guys finally met again..." she smiled.

Mahigpit kong hinawakan ang towel at hindi alam kung papaano magre-react.

"Sweetheart. You should let them take a bath first." Sir Khalil intervened.

Nanlaki ang mata ni Hannah nang siguro'y mapagtanto kung gaano ka-awkward ang sitwasyon. Mahina siyang tumawa para pagaanin ang mga bagay-bagay at tumalima sa asawa.

"Right. Wawa you can use-"

"Hindi na, han. Uuwi na ako."

"What? You're going home? Right now? For what? Your baby is okay naman, ah-"

Hold Onto You (Book 3 of You Trilogy)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن