Prologue

549 8 0
                                    

Vixen POV

"Hey, can you hear me?"

"Yes, I can hear you."

"Good. Dapat hindi mawala sa paningin mo ang target natin."

May isang special mission ako ngayon kaya hindi ako pwedeng pumalpak dito. Kapag pumalpak ako dito ay mawawala sa akin lahat na pinaghirapan ko bilang assassin. Marami na rin ako naging mission pero ito ang unang beses na walang kasama ibang assassin dahil ang sabi ng supervisor namin mapapadali ang mission na ito kapag isa lang ang gagawa para walang ideya ang target namin at ako ang pinili niyang gagawa nito.

Kumunot ang noo ko ng makita kong hindi pala nagiisa ang target namin.

"Shi-"

"What's wrong?"

"Hindi lang nagiisa ang target natin. May kasama siyang babae pero hindi ko kita ang itsura ng kasama niya."

"You know what to do. Wala sa mission natin ang babaeng kasama niya."

"I know." Shit, ang akala ko pa naman madali na itong mission pero hindi pala. Ang pagkaalam ko kasi siya lang ang madalas na pumupunta sa lugar na ito.

Agad ako nagpalit ng damit pagkaalis ako sa pwesto ko kanina dahil mahirap patayin ang target ko mula doon at pumunta na sa venue kung nasaan ang target.

Ginala ko ang paningin ko sa paligid habang hawak ang bluetooth earphone nasa may tenga ko.

"Hindi ko kayang patayin ang target sa malayuan baka madamay dito ang kasama niya." Sabi ko sa mahinang tono para wala makarinig sa akin.

"Ikaw na ang bahala kung sa anong paraan mo siya papatayin."

Lumapit na ako sa target pero wala na siyang kasama ngayon. Mabuti iyon para hindi ako mahirapan patayin ito.

"Good evening, Mr. Chua."

Humarap siya sa akin. "And you are?"

"Sorry for my late introduction. I'm Vixen Vermillion." Nilahad ko ang kamay ko para tanggapin niya.

Tinangap naman niya ang kamay ko. "It's pleasure to meet you, Mr. Vermillion."

"Likewise."

Nagusap kaming dalawa tungkol sa business at may konting alam ako sa mga sinasabi niya dahil kasama rin ito sa plano ko. Bago ako pumunta dito ay hinahanda ko na mga plano ko kung pumalpak ang isa ay may baon pa ako.

May dumaan na waiter sa harapan ko kaya kumuha ako ng dalawa inumin at habang abala siya sa iba pa niyang kausap ay nilagyan ko na ng lason ang ibibigay kong inumin sa target.

Palapit na sana ako sa kanya ng biglang bumalik ang babaeng kasama niya. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko pagkakita kung sino ang kasama niya kaya nabitawan ko ang hawak kong inumin dahilan napalingon silang lahat sa akin kahit siya.

Siya lamang ang ex wife ko.

"Vixen?" Pati siya ay nagulat pagkakita sa akin.

Hindi na ako sumagot at lumayo na sa kanila. "Sorry, I can't do this anymore."

"Why-"

Inalis ko na ang bluetooth earphone sa tenga ko at tinapon sa damuhan. "Damn!"

Ang akala ko magiging maayos na ang lahat pero bumabalik ang lahat na pangloloko sa akin ni Alicia.

Paguwi ko sa bahay ay sinalubong ako ng anak ko.

"Dad!" Takbo niya papunta sa akin.

Kunot noo akong tumingin sa kanya. "Bakit gising ka pa?"

"Ang sabi kasi ni manang wala pa daw kayo kaya hinintay ko ang pagdating para paki-"

"Matulog ka na at maaga pa ang pasok mo bukas." Sabi ko at nilagpasan ko na siya. Hindi kami ganoon close ni Dale, si manang Ada ang nagalaga sa kanya simulang baby pa lang siya dahil madalas rin ako hindi umuuwi sa bahay.

"Nakauwi ka na pala, Vixen. Kumain ka na ba?" Tanong ni manang Ada sa akin.

"Magpapahinga na ho ako."

Kinabukasan maaga akong umalis sa bahay na hindi pa nagaalmusal.

Sinisindihan ko ang sigarilyo ko at saka tumingala sa kisame.

"Bakit bigla kang umatras sa mission mo kagabi?"

Sumulyap ako sa taong iyon. "Nakita ko si Alicia."

"Nandoon rin siya?"

"Nakita ko nga, 'di ba? Malamang nandoon rin. Tsk."

"Alam mo naman na may usapan tayo bago ko binigay ang mission na ito, Vixen." Sabi niya.

"Oo, alam ko. Mawawala na sa akin ang lahat na pinaghirapan ko."

"Sorry, Vixen pero wala na ako magagawa pa para tulungan ka."

"I know. Hindi ako naparito para manggulo. Gusto ko lamang ng katahimikan." Sabi ko at nilagay ko na sa ashtray ang sigarilyo ko.

"Ano na ang plano mo ngayon?"

"Hindi ko pa alam. Wala pa akong naiisip na pwede kong gawin."

"Bakit hindi ka bumalik sa CAS." Lumingon ako sa kanya dahil hindi talaga pumasok sa isipan ko ang bumalik sa company na yan. "Wala naman mawawala sayo kung susubukan mo lalo na may anak ka."

"He is not my son." Sabi ko saka tumayo na. "Uuwi na ako."

Habang naglalakad na ako palabas ay may bumangga sa akin na isang babae pero hindi ko makita ang mukha dahil nakayuko siya.

"Ah, sorry." Sabi niya at nagmamadali na siyang lumabas ng bar.

"Hoy! Yung bayad mo!" Lumingon ako sa sigaw ng isang lalaki.

"Ano nangyari?" Tanong ko.

"Sir Vixen, ano kasi... Hindi kasi nagbayad yung babae sa mga ininom niya. Tumalikod lang ako saglit tapos bigla siyang nawala."

Bumuga ako ng hangin at kumuha ng pera sa wallet ko. "Hindi ko alam kung magkano ang mga nainom ng babaeng iyon pero ako na ang magbabayad. Keep the change!"

Paguwi ko sa bahay ay iniisip ko ang sinabi ni Axel kanina. Bumalik ako sa Chase Aviation Services.

"Hmm, not bad." Sabi ko dahil may konting alam naman ako sa mga eroplano at kailangan ko rin na may kinikitahan ngayon. Hindi muna ako pwede bumalik sa pagiging assassin hangga't hindi pa naayos ang nangyari kagabi. Pumalpak ako sa mission ko patayin ang target ko.

Kung 'di ko lang sana nakita si Alicia kagabi ay sana tagumpay ang mission ko.

"Vixen..." Tumingin ako kay manang Ada ng tawagin niya ako. "Tumawag ang school ni Dale."

Kumunot ang noo ko. "Ano na naman ho ang ginawa ng batang 'yon?"

"Napaaway daw sa mga kaklase niya."

Puro sakit ng ulo ang binibigay ng batang 'yon sa akin ah. Nagsisi ako na kinuha ko siya sa ama niya noong baby pa lamang siya. Kung alam ko na ganito ang ibibigay ni Dale sa akin dapat noon pa lang iniwan ko na siya sa bahay ampunan.

--------

Since nabanggit si Vixen sa Story nina Evan at Theo pero dito niyo pa mas lalong makilala ang isang Vixen Vermillion.

It Started With A LieWhere stories live. Discover now