CHAPTER 1

980 86 15
                                    

-------------------------------------
---------------------------
Chapter 1

Resurrection
---------------------------
--------------------------------------

A...ANONG...anong nangyayari?

Kasabay nang pagkidlat sa madilim na kalangitan na nagmumula sa labas ng malaking bintana ay ang panlalaki ng mga mata kong nakatitig sa mga nanginginig kong mga kamay. Ano ito? Bakit nanliit ang aking mga kamay? Dahan-dahan kong sinimulang hawakan ang aking pisngi gamit ang munting kamay na ginagalaw ko ngayon. Malambot at makinis ang balat ng aking pisngi.

Hindi...imposible. Paanong nangyari---teka. Nasaang lugar ba ako?

Inilibot ko ang aking paningin sa isang silid na kinalalagyan ko ngayon.

Madilim...

Nakakatakot...

Nasaan ako?

Muli kong pinagmasdan ang paligid. Nasa isang kuwarto ako na napakarumi at napakalumang tingnan. Kahit napakadilim ng paligid at tanging ang pagdalaw ng kidlat lamang ang nagsisilbing liwanag ko ay nakikita ko ang lawak ng kuwarto at gayon din ang mga alikabok at nabubulok na mga dingding at kisame ng kuwartong ito.

Nasaan na ba kasi ako? Paano ako napunta rito?

Napatingin ako sa higaan na kinilalagyan ko ngayon, nakaupo ako sa kama at masasabi kong may pagkamatigas ang kutchon nito. Gayon din ang kumot kong may warak na. Saka ko lamang napagtanto na giniginaw na pala ako dahil sa kanipisan ng kumot na nakabalot sa buo kong katawan.

Anong klaseng higaan naman ito, napaka dugyot.

Muli kong pinagmasdan ang buong kuwarto. Hanggang sa mapadpad ang mata ko sa isang malaking bintana na may sira-sirang malaking kurtina kaya't nakikita ko ang madilim na kalangitan na may malakas na pagbuhos ng ulan sa labas. Gabi na ba?

Habang inililibot ko muli ang paningin ko ay saka muling sumagi sa isip ko kung nasaan na nga ba talaga ako!?

Muli kong tiningnan ang aking sarili. Tiningnan ko ang mga maliliit kong mga daliri't kamay at braso, gayon din ang aking hita't binti at paa. Anong nangyayari?

Ano ba talagang nangyayari? Hindi ako makapag-isip ng tama, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

Nanginginig ang buo kong pagkatao, hindi ko maunawaan kung ano ba talagang nangyayari sa akin. Bakit lumiit ako? At nasaang lugar ako?

Sinubukan kong umalis sa maugang kama na malapit na rin palang bumigay kaya't dahan-dahan akong bumaba. Hindi ko man lang napagtanto kung gaano pala kataas ang kamang iyon, dahil medyo nalula pa ako, saka ko muli kong napagtanto na lumiit na nga pala ako.

Nang dumampi sa malamig na sahig ang mga paa ko ay muling binalot ng lamig ang buo kong katawan. Nanginginig akong huminga ng malalim saka dahan-dahang naglakad, ngunit ang mga mata ko ay nakatuon sa maliliit kong mga daliri sa maliit na paa. Kanina ay bago ako nakapaglakad ay medyo nahuhulog ako, mukhang ang katawan na ito ay hindi sanay sa paglalakad ngunit napagtagumpayan ko namang makalad.

Ano ba kasing edad ng katawang ito at bakit ganito kaliit!?

Habang marahang iniuunti ko ang sarili sa paglakad ay dahan-dahan ko namang iniangat ang aking ulo at muling pinagmasdan ang paligid. Hindi ko alam pero nakararamdam ako ng takot ngayon. Nakidnap ba ako?

Mukhang wala ako sa lugar na pinanggalingan ko. Natatakot ako. Napag-eksperimentuhan ba ako kaya pati ang nasa paligid ko ay malaki sa aking paningin?

Habang marahang naglalakad ako at pinagmamasdan ang paligid ay biglang napunta ang aking atensiyon sa isang malaking salamin ngunit basag na. Gayunpaman ay sapat na ang iilang nakabuo pa para makita kung sino ang naroroon sa repleksiyon.

I Need To Get Away From This Family (ON-GOING)Onde histórias criam vida. Descubra agora