Lalong lumakas ang tawa niya sa sinabi ko. Napailing na lang ako sa ginawa niya. "Case malaki na ako. Alam ko na ang ginagawa ko. Hayaan mo na lang akong mag enjoy! Wooooo! Yaaaas!" 

"Kapag talaga ikaw nahulog! Sa kalye ka pupulutin, hindi ka makakalagpas kahit sa gate ng bahay ko!" 

At mas lalo akong natakot sa sunod niyang ginawa. Sa lakas nang pagkakaduyan niya nakuha niya pang tumalon mula dun sa swing habang dumuduyan ito paharap.

Parang may matulis na bagay na tumusok sa dibdib ko. Sobra akong natakot sa ginawa niya. 

Pero nakaka amaze dahil pagkatalon niya nakatayo siya ng maayos. Ang ganda ng pagkakalanding niya. Napatitig lang ako sakanya. Pagharap niya sa akin, ngumiti siya at sabay na hinawi ang mahabang buhok.

Dahan dahan siyang lumapit sa akin habang may ngiti sa mga labi. Suot suot pa din niya 'yung dress niyang puti na hindi lumalagpas sa tuhod.

"Wala ka bang ibang damit? Parang 'yan din 'yung suot mo kahapon ah?" 

"Nandidiri ka na sa akin niyan? Nanakaw lahat ng gamit ko eh."

Paglapit niya sa akin, yumuko siya para magkapantay ang mga mukha namin.

Binigyan niya ako ng isang pinaghalong matamis at mapang asar na ngiti. Paano niya nagagawa 'yun?

"Nag aalala ka ba para sa akin?" Mapang asar niyang tanong sa akin na hindi ko naman sinagot. 

Napatitig lang ako sa mga mata niya. Ngayon ko lang napansin na hindi pala itim na itim ang mga mata niya. They're black but with a hint of brown. They're extraordinary and yet beautiful.

"Case humihinga ka pa ba?" Nabalik ako sa sarili nung narinig ko siyang mag giggle sa harap ko.

"Oo!" Umiwas ako ng tingin at tuluyan na siyang natawa. 

Tawa ng tawa wala namang nakakatawa. Napailing na lang ako habang pinapanuod siyang tumawa. 

Nang makabawi siya sakto namang dumating 'yung hinihintay namin. Kung ano man 'yun wala pa din akong idea.

Agad naming nilapitan 'yung dalawang lalaking dumating. Napataas ako ng kilay dahil sa dalawang lalaking naka suit and tie pero may bitbit na maliit na sako ng cement, dalawang maliit na pala at hose. 

Hindi ko pa rin alam kung para saan ang mga 'yon.

Binabantayan ko 'yung mga bagay na pinadeliver niya habang nandun siya sa hindi kalayuan at kausap 'yung dalawang lalaki.

Maya maya lang din ay bumalik siya na may ngiti.

"Who are those people?" Tanong ko nang makaalis 'yung dalawang lalaki. Sinusundan ko pa ng tingin ang itim nilang sasakyan na kakaalis lang.

Hindi niya ako sinagot pero binigyan niya lang ako ng isang ngiti.

"Simulan na atin ang Operation Plan Past and Present!" Excited niyang sabi at tinaas ang isang kamay at parang bilib na bilib sa sariling idea.

Napataas ang dalawa kong kilay dahil sa sinabi niya. She just gave her idea a ridiculous name.

"What you said was just cringe worthy." Sabi ko ng walang ka emo-emotion. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at kinuha yung hose. Sigurado akong ngumuso nanaman siya at inambaan akong susuntukin ako.

Pumunta ako sa may gripo dun sa kaliwang katapat ng puno. 

Biglang pumasok sa isip ko na baka 'yung nagmamay ari ng dalawang pares ng kamay na nakaukit sa may puno ang nag mamay ari ng tree house. At sinadyang lagyan ng gripo dito sa may malapit sa may puno para 'dun sa dalawa. 

Her To-Do-Lists Before She Dies (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon