New year, Back to School

248 10 0
                                    

Gab's POV
It's monday and back to school na. 3 more months and it's already vacation. Yeah, hang in there Gabriel. It's almost over.

Pumasok naman na ako sa gate and not far from here, natanaw ko si Kiko. Tumakbo naman ako papunta sakanya.

"Hoy" Inakbayan ko naman sya.
"Hoy!" He shouted in my face.
"Bingi ka ba? Bat ka nasigaw?" Tumawa sya. Pinunasan ko naman mga laway nya sa mukha ko.
"Sorry na, namiss lang kita" He pouted and went to kiss me pero I shoved his face away.

Tumawa lang sya habang nag lalakad kami.

"Very happy kayo ah" Napatingin naman kami and it's Aira.
"Good morning Maam" We greeted her with a smile.
She smiled.
"Wow, new year, new hair kayo Maam ah. Bagay na bagay" He showed his thumbs up.
"Thank you" She chuckled.

Nauna naman sya sa paglalakad samin.

"Alam mo, di ko pa din talaga alam kung pano napunta sayo si Maam. Langit sya, lupa ka" I glared at him. Nag peace sign naman sya.

Bago ko pa man sya masapak, tumakbo na sya. Syempre di ako papayag na ganun kaya hinabol ko sya hanggang sa makaabot na kami sa room.

Nag habulan pa kami sa room eh.

"Gabriel, Kiko, Stop that" Napatigil naman kami because of our adviser. Bumalik naman kami sa upuan namin. Magkatabi lang kami kaya I took the chance to strangle him to death. Sinasapak naman ako ni Kiko in return.
"Gabriel, Kiko, hindi talaga kayo titigil?" This time, napatigil na talaga kami.

I faced front and so did Kiko.

"Anyway, since naging mahaba haba ang vacation nyo. On a 1 whole sheet of paper, I want you all to write your new year's resolutions. And also, yung mga ginawa nyo nung vacation" Maam Ace said.
"I will just be in the faculty to finish some things and kapag tapos na kayo, ipass nyo na sa akin ang mga ginawa ninyo" She continued.

"Since, umagang umaga napagalitan ko kayo, Gabriel, you collect them and then give it to me" Tumayo naman ako.
"Maam, si Kiko din po" Tinuro ko naman si Kiko.
"Kiko, samahan mo ako mamaya sa supply office, may kukunin tayong libro" Ngumiti naman ako.
"Be quiet and start now" She said then left.

I waved at her.

"Narinig mo yun Kiko ah, samahan mo daw si Maam mamaya sa supply office" I stuck my tongue out then sat down.
"Aga aga kase nag babardagulan kayo" Umiling iling naman si Jul.
"Ingay mo Jul, mag sulat ka na jan" Kiko said.

Kumuha naman ako sa bag ng ballpen.

"May papel kayo?" I asked at umiling naman silang pareho.
"Ano ba yan, first day of school, alang papel" Tumayo ako, tinanaw tanaw ko naman kung sino yung may mga papel.
"Kami din ah" Kiko said.

Nag ikot naman ako.

Nakaabot ako sa likod ng classroom bago makahingi ng papel.

-
After the long hour, natapos na din namin yung gawain. Kinolekta ko naman na yung papers and after that, nag lakad na ako pababa.

Pababa na ako sa hagdan nang makasalubong ko si Maam Krystal. I should just act cool infront of her. Who knows diba, malay mo limot na nya yung nalasing ako before.

"Good morning Maam" I smiled then waved my hand.
"Good morning" She smiled. Dumeretso naman ako sa paglalakad when she called me.

"Where are you going? It's time for my class" Dahan dahan naman akong lumingon.
"May ipapass lang po ako Maam sa faculty. I'll be quick po" I said then she nodded.

Tumakbo naman ako pababa ng faculty, dumeretso ako sa table ni Maam Ace. Since she's not there, iniwan ko na lang sa mesa nya.

Tatakbo na sana ako when I remembered Aira. Pagdating ko sa may pinto, lumingon ako sa table nya kung naandun sya.

I Like You, TeacherWhere stories live. Discover now