CHAPTER 41 Jacket

17 5 26
                                    


"Tayo na, Irish." Hinawakan ni Vhor ang braso ko at tinulungan akong makatayo, pinagpag ko ang dress ko at tumingin kay Vhor na nakatingin sa babaeng nakapula.

"Mom, she's the girl who I liked. Sana po ayos lang sainyo," Magalang na sabi ni Vhor, napaawang ang labi ko ng malamang ito pala ang mommy ni Vhor. Napapanood ko ito sa mga balita pero hindi ko agad nakilala dahil ngayun ko lang siya nakita sa personal.

At ano raw sabi ni Vhor? Girl who I liked?!

"Please, introduce yourself. Ms?" Sabi ng mommy ni Vhor, natakot agad ako sa boses niya kaya nanginginig ang katawan ko.

"A-ako po s-si.. A-amaris Mo-montreal.." Kinakabahan kong sabi, hindi parin nagbabago ang mukha niya,  ang matalim na titig niya ang nakakapangilabot.

"Daughter of Mr George Montreal? Sabihin mo hija, anong trabaho ng daddy mo." Napakagat labi ako sabay lunok ng madiin, naisip ko agad ang restaurant ni tatay noon. Wala naman sigurong masama kung sabihin kong chef ang tatay ko, tutal iyon naman ang totoo.

"A-ang t-tatay ko po ay.. i-isang-" Apollo cut me off, lumakad siya papalapit samin ni Vhor.

"Mr David Montreal, her father's name. The owner of VINCI Construction company in France." Pormal na sabi ni A, nanlaki ang mata ko at kumunot noo kay A pero binigyan niya lang ako ng isang matipid na ngiti.

Ano bang sinasabi niya?! Kaylan pa naging David pangalan ng tatay ko?! At kailan pa kami nagkaroon ng Construction company sa France?!

"Kung galing pala siya sa gan'yang klaseng pamilya, I'm sure marami siyang alam pagdating sa musika. I will talk to Mr David that her daughter is here in the Philippines. Maaari mo ba siyang tawagin ngayun, Ms Montreal?" Bumaling ang tingin niya sakin, bumagsak ang tingin ko at hindi sumagot.

"Busy ho si Mr David, tita. Next time lang ho!" Singit ni Chaz, narinig ko ang munting tawa ng mommy ni Vhor.

"Hindi siya pwudeng maging busy kapag ako ang naghahanap sakaniya. But anyways, can you please play with us Ms Montreal?" Tumingin siya sa isang Violin sa gilid namin katabi ng piano, shet alam kong mag piano pero hindi ako masyadong marunong mag violin.

"Play with us, Ms Montreal." Pag-uulit niya, sumingit si kuya ash samin.

"Lately marami siyang ginagawa, tita. Kaya.. hindi siya nakakapag-practice, kung si Apollo nalang kaya? Diba guys?!" Sabi ni kuya sabay iling sakin.

"Shut up, ang mga klaseng pamilya katulad ng sakaniya ay hindi nawawalan ng oras pagdating sa musika. Mahalaga sa pamilya na marami kang alam tungkol sa iba't ibang bagay, kaya Ms Montreal. Play with us," Tumingin ulit ako sa violin, naalala kong tinuruan ako ni A kung pano ito tugtugin. Mahigpit na hinawakan ni Vhor ang braso ko, tumango lang ako sakaniya at inalis ang kamay niya sa braso ko at pumunta sa kinaroroonan ng violin.

Pinigilan kong manginig ang aking mga kamay hanggang sa nahawakan kona ang violin, tumingin ako sa mga taong nakatingin sakin, muli akong kinabahan ng makita ko si hera at ang kaniyang mga alipores na nakangisi sakin. Nag umpisa na akong tumugtog at pilit kong pinapakalma ang aking sarili.

Song About Dignity

Habang tumutugtog ako ng munting piyesang tanging alam ko, naisip ko ang pagkakaiba ng Mayaman at Mahirap. Ang Mayaman kahit ano kaya nilang bilhin, kahit ilan kaya nilang bilhin. Mahalaga ang mga alahas, pera, bisyo sakanila, nihindi nila namamalayang pati ang dignidad ng ibang tao ay natatapakan nila. Kaya nilang paikutin ang batas, kaya nilang paglaruan ang mga tao sakanilang palad. Samantalang ang mahihirap naaapi, tanging ang mga pangangailangan lang nila sa araw-araw ang kaya nilang bilhin, hindi nila kayang bumili ng mga mamahaling alahas, pagkain, sasakyan at bisyo. Madali para sakanila ang matapakan ng matataas na tao, pero ang tanging dignidad nila ay hindi kayang bilhin ng mga taong sakim.

Love me until the moonlight comes [VSOO] Where stories live. Discover now