CHAPTER 30 T.A.N.G.A

24 13 12
                                    

Nakatayo ako ngayun sa tapat ng bahay ni BB jr, ipapakilala daw niya kasi ako sa nakababata niyang kapatid. Exited ako ngayun dahil sawakas ay makikilala kona ang kapatid niya, dahil nag-iisa lang pala ang kapatid niya.

"Tara na," Sabi ni BB at pinauna na akong pumasok sa loob. "Relax, hindi mataray ang kapatid ko." Sabi niya pa.

"Tss, relax na relax nga ako e." Sabi ko naman.

Malaki rin pala ang bahay nila, kung tutuosin mansion rin ito pero hindi gaya ng mansion ni vhor na ubod ng laki. Kung sa mansion ni vhor kasya isang baranggay dito naman sa mansion ni BB kasya dalawang pamilya. Buti pa sila malalaki ang bahay, kung samen ay simpleng bahay lang, sakanila ay mansion. Pero wala naman iyon sa laki at ganda ng bahay e, nasa taong mga nakatira duon 'yon.

Nang tuluyan kaming makapasok sa loob ng mansion ni BB ay tinanggal niya na ang jacket at ang cap niya.

"Keya!" Sigaw ni BB jake.

Kapatid niya ba ang tinatawag niya?

"Nand'yan na kuya!!" Nanlaki ang mata ko ng marinig ang boses ng babae.

Eto na ang kapatid niya, so keya pala nga pangalan nito. Ang cute naman, unique pa. Hindi na ako magugulat kung sobrang ganda ng mukha ni keya, may pinagmanahan e.

Napatingin ako sa hagdan at saktong pababa na ang isang naka bestidang babae. Tuloy tuloy ang hakbang niya at biglang tumakbo papalapit sa gawi ni BB, hindi niya ako napansin kaya niyakap niya ang kuya niya. So sweet naman pala niya...

"Kuya, pasalubong ko?" Nakangiting sabi niya, ang ganda nga niya hindi ako nagkamali.

"Ibibigay ko sayo mamaya, sa ngayun I will introduce my girl friend." Nanlaki ang mata ni keya.

Humakbang ako papalapit sakanila at napatingin sakin si keya, nag tama ang mata naming dalawa at hindi ko alam pero lumiwanag ang mukha niya.

"Her name is Amaris, my girl friend.." Ngumiti ako at kumaway.

"Hello-" Hindi kona natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang niya akong niyakap.

Hindi ko matanggal ang gulo ng aking ekspresyon.

"Yeah, I know you! You are my idol! Lodi!!" Napapikit ako dahil sa lakas ng boses niya. Nagkatinginan kami ni BB jake.

Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at hinarap ako.

"Ang tumalo sa G4! at sa god nasi Vhor!" Sabi niya pa.

"Ah eh.." Wala akong masabi.

"Hey hey, keya. 'Yung bibig mo, puro dakdak ah. Mabuti naman at kilala mona siya, sikat pala siya sainyo."

"Oo naman kuya! Legendary kaya siya! Kung baga sa mobile legends ay SAVAGE siya! Ang lakas kaya ng loob ni ate amaris tapos pretty pa gaya ko tas kaibigan niya din ang sikat nasi cynea-"

"Oo na, tsk. Daming alam," Ang daldal niya pala, ayan tuloy nasungitan siya ng kuya niya.

"Hehe, ate amaris ako pala si Princess Keya Rivera! Keya nalang for short, hihihi." Ang cute niya.

"Sige keya, ang cute mo naman, bagay sayo ang dress mo."

"Talaga po?! Thank you ate amaris! Tara po, may kukwento po ako sainyo."
Hinila ako ni keya pero pinigilan siya ng kuya niya.

"Hep, anong ikukwento mo sakaniya?"

"Wala kuya, samen lang 'yon!" Tila hindi naman nakumbinsi si BB. "Ate amaris, ang init ng ulo ni kuya kaya wala siyang nagiging gf e. Akala ko nga girlfriend ka niya, iyun pala girl na friend." Bulong niya sakin, natawa ako.

Love me until the moonlight comes [VSOO] Where stories live. Discover now