CHAPTER 1 Paalam bulacan

253 201 21
                                    


Dear diary
Akala ko maganda na ang araw ko, pero hindi pala. Dahil may isang magnanakaw na ninakaw ang ganda ng mood ko.

Amaris POV

"SIYA TALAGA ANG MAGNANAKAW! TIGNAN MO NAKA ITIM SIYA LAHAT!" Paulit-ulit kong sabi sa mamang pulis na kalbo.

"May proof po ba kayo? at hindi po porket nakaitim ay mag nanakaw, malay niyo pupunta siyang lamay." Sabi ng pulis na kalbo.

Ang kulit.

"Tignan niyo nga ho siya, hindi niya magawang alisin ang cap niya! magnanakaw talaga siya!" I'm pretty sure!

Napahilot si mamang pulis na kalbo.

"Okay ganito nalang ho, Ah excuse me ho sir. Pwudeng tanggalin niyo ang cap niyo? para mamukaan kayo ni maam." Aniya.

"Tanggalin mona!" Sigaw ko.

"Maam, huwag ho kayong sumigaw. Wala kayo sa palengke." Sabi ng pulis na kalbo.

Napatahimik ako.

Oo nga noh, ang ingay ko pala.

Hanggang ngayun ay wala paring sagot ang lalaking magnanakaw naito, pipe ba ito? eh kanina lang nga minura niya ako eh!

"Oh right," Sabi niya, buti naman at sumagot kana.

Teka, ang laki ng boses niya ah.

Unti-unti niyang tinatanggal ang cap niya pero nakayuko parin siya.

Tagal naman.

"Wait, I want to call my friend first." Aniya.

Ano daw!?

"Hoy! anong call call d'yan! tanggalin mo ang mukha mo, este ang cap mo. Bakit natatakot kana mamukaan kita noh?"

Siya talaga 'yun! Ayaw pang tanggalin ang mukha e... cap pala.

"Tsk," Tanging sinabi niya.

Anong tsk!?

"Okay sir," Sabi naman nitong si pulis na kalbo.

"Mamang pulis baka tumakas 'yon!"

"Maraming pulis sa labas maam, tska ayan lang siya oh." Tinuro niya si mag nanakaw.

Oo nga pala, nasa harap lang namin siya.

"Eh bakit ba kasi ang kulit mong kalbo ka."
Bulong ko.

"Ano iyon!?"

Ngumiti ako at umiling.

"Tatawagin kolang ho saglit ang kuya ko ah." Tumango siya.

Ano ba iyan, kanina pa ako nakasimangot dito. Dapat ngitian kolang ang problema diba?

Ngumiti nalang ako kahit nakakangawit sa labi.

Kuya kong pinakagwapo sa mundo (sabi niya lang iyon) Calling...

Tinawagan kona si kuya, sana naman sumagot siya. Dahil kapag hindi ay alam kong nambababae na naman siya.

Ang tagal naman, baka may katawagan si kuya?

Tinignan kosi magnanakaw, nakapamewang pa at halatang naiinis.

Mas inis ako noh, pero nakangiti parin ako.

Sa wakas, sumagot rin si kuya.

"Oh, mashang napatawag ka? May nagawa ka sigurong katarantaduhan noh?"

Hay..

"Wala noh, wag mo akong itulad sayong tarantado. Napatawag ako kasi may problema kuya eh..."

Love me until the moonlight comes [VSOO] Where stories live. Discover now