CHAPTER 35

576 18 0
                                    

Don Diego POV

Nagising na ako, pagkamulat ng mga mata ko ay kaagad bumungad saakin ang puting kisame, "na--nasaan ba ako?"

Dahan-dahan naman akong umupo ng maramdaman kong medyo mahapdi ang kanang kamay ko. Tiningnan ko ito at may swero nga ako!!

"boss!!" saad ng isa kong bodyguard at lumapit saakin
"kamusta ka boss?"

"Haystt Im fine, by the way, how did I get here?" tanong ko, wala akong maalala kundi ang pagkainis ko at ang pagtutuk ng baril ko sa waitress na nagngangalang Freya. Kaagad namang nanlaki ang mga mata ko nung maalala ko yun.

"H--how i-s she?" alala kong tanong, bat ba ako nag aalala sa dalagang yun?

"Ahm boss, she's fine. Siya pa nga po ang nagpursiging ipunta ka dito sa hospital sa kabila ng ginawa mo sakanya" saad nito na ikinakunot ng noo ko.

"How do you say so? At bat mo alam ang insedenting yun?" tanong ko rito, wala akong kasama noong pumunta ako sa restaurant na iyon.

"Here boss, at dont worry boss, nag iisang video nalang yan" saad niya at inilahad ang cellphone, ipinakita nito saakin ang isang vid kung saan nakuhanan lahat ng insedente, hanggang sa napanood ko na nga ang kahuli hulihang insedente kung saan natumba ako at kaagad namang tumakbo ang waitress sa gawi ko at pinakinggan ang pintig ng puso ko.

"Freya okay kalang?"
"bess okay kalang"
"opo okay lang ako pero si Don Diego hindi"
"manager tulungan mo po akong buhatin siya at dalhin po natin siya sa ospital"
"Chi buhay ba ako?"
"Sagutin moko Chi, buhay ba ako?"
"O--o"
"Pwes hayaan rin nating mabuhay si Don Diego"

Natapos ko nang panoorin ang videong iyon at tila nahaplos naman ang puso ko, napakabait na bata, ang batang tinaggap ang masamang ugali ko.

'kung sana siya nalang ang naging apo ko'

"where is she?" tanong ko
"ahm boss nasa restaurant, pero pagkakarinig ko ay mag oouting sila sa isang beach resort" sagot nito, tumango naman ako at humiga na ulit.

"You made me a realization kiddo"

Freya POV
"Damit check"
"Shorts check"
"und*r wears check"
"towel check"
"hmmm teka may kulang pa!" saad ko sa sarili at kinuha na ang isang bagay.

"Yan ayos na, kailangan ko talaga ng salbabida lalo nat di ako marunong lumangoy"

Lumabas na ako sa silid ko at nagpaalam na kay nanay saka nagtungo na ako sa restaurant.

"Ohh Freya nandito kana pala" bungad ng isa naming katrabaho.
" Ohh! Bat ka may dala kay salbabida? di kana bata Reya HAHHA" tawa nito.

"ito naman oh, syempre tinatanong paba yan? Di ako marunong lumangoy eh" sagot ko at huminto naman ito sa pagtawa.
"Ohh siya, sige ikaw bahala"

"Nga pala nasaan si Chi?" tanong ko at itinuro niya naman ang pintuan ng kusina, nagpasalamat na ako sakanya at nagtungo na rito at nakita ko nga si Chi na tumutulong sa paghahanda ng mga pagkain.

"Chi" tawag ko rito, lumingon naman ito saakin kayat nginitian ko ito pero di ito gumanti ng ngiti, galit pa siguro to saakin.

"Wuyy Chi!!" tawag ko ulit, nakita ko naman itong huminga ng malalim at naglakad na ito papunta saakin.

"ohh bakit?"masungit na tanong nito.
"Bat ka galit saakin?" busangot na tanong ko sakanya.

" eh bat mo pa kasi yun tinulungan! Nakakainis eh, karma na yun sakanya sa ginawa niya sayo. Muntik ka na nga niyang mapatay tapos niligtas mo pa yun" saad niya, huminga naman ako ng malalim dahil sa seremonya niya.

"Chi, hindi naman ako robot para hindi masaktan sa ginawa ni Don Diego pero Chi tao ako nakakaramdam ng awa, kasalanan ko naman rin yun dahil iniinis ko siya" saad ko

"sus pinagtatanggol mo pa siya" si Chi.

"hindi naman, yun lang talaga ang totoong nangyari"

"hayst sige sige, ambait mo kasi eh"

"bes naman, at salamat sa pag alala"

"oo na, tara na ilagay na muna natin ang gamit mo sa kotse" saad nito at tumango naman ako.

Lumabas na kami at nagpunta sa itim na kotse saka inilagay ang  gamit ko.

"Sige Chi dito lang muna ako, matutulog lang ako sa loob" saad ko, tumango naman ito at umalis na.

(SEASON 1) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS?!" Where stories live. Discover now