CHAPTER 5

686 24 0
                                    

PRESENT TIME( AFTER 16 YRS.)

Freya POV

Takbo dito- takbo doon!!!

At sa wakas nakarating rin ako kila aling Minda, kaagad na akong nagtungo sa karenderya at naabutan ko nga doon si inay emy.

"Oh Emy nandito ang anak mo" saad ni aling Minda kayat napatingin saakin si nanay at sinenyasan akong lumapit.

"Oh anak, pasensya na at hindi na kita nagising, sabado naman ngayon at sigurado akong wala kang pasok" saad ni inay, nagmano na muna ako saka umupo.

"Nay, may trabaho po kami ni Chi eh, 8:00 am dapat nandoon na kami, palagi po kasing marami ang costumer sa restaurant nayon" saad ko, lumapit na si aling Minda, ang lola ng best friend kong si Chi at hinandaan ako ng lugaw.

"Salamat po la"
"naku walang anuman iha, maganda ka na nga, mabait kapa" papupuri nito, pilit nalang akong ngumiti saka hinugop na ang lugaw.

"Bessss!!!!" tawag ni Chi, lumapit ito saakin saka niyakap ako,

"bess 7:25 na, tara na!!!" saad niya kayat binilisan ko na ang pag kain.

"Nay aalis naho kami".ako
"bye po la, at tita" chi

Dali-dali kaming umalis at nagpunta sa trinatrabahuan namin ni Chi na isang sikat na restaurant, ito ay ang 'ABCDEF SHANTELL'S RESTAURANT' Pagkarating namin ay huminto muna kami sa labas upang maibsan ang pagod namin.

"HOOOO naka--kapagod!!" pagod na saad ng best friend ko, maski ako ay napahawak sa dibdib ko dahil sa pagod sa pagtakbo. Umangat ang ulo ni Chi saka itinuro ang nasa itaas ng restaurant,

"Alam mo bess, marami akong nakikita sa instagram ng shantell brother'sWAHHH no.1 fan nila ako lalo na ni Draken, so ayun nga, marami ang nagtatanong sa kanila about sa name ng restaurant nato, kita mo 'ABCDEF SHANTELL RESTAURANT' mula sa kanilang pangalan, pero ang pinagtataka nila ay kung galing saan ang F" paliwanag niya,

marami rin akong narinig tungkol sa pangalan ng restaurant na pagmamay-ari ng limang sikat na kalalakihan, ang Shantell Brother's o mas kilalang 'THE FIVE STAR BOYS'

"Ang letter A ay galing kay Azz, B kay Blake, C kay Clyde, ang D at E ay galing sa kambal na Draken at Eji, sino naman ang F?" tanong niya

"Baka Family?!" sagot ko at kumunot noo naman itong Tumingin saakin.

"Parang hindi naman yata bagay kong family yan F nayan" saad nito saakin

"Oh siya tara nat pumasok na tayo" saad ko at hinugot na siya papasok, at gaya nga ng inaasahan namin,

napakaraming costumers!!!!

(SEASON 1) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS?!" Onde histórias criam vida. Descubra agora