CHAPTER 34

554 17 0
                                    

Freya POV
Hinanap ko na ang table 17, ng makita ko ito ay may nakaupong lalaki, pamilyar!!! Lumapit na ako rito,

"ano ho order nila?" tanong ko ng makalapit na ako,
"ang pamilyar naman ng boses mo" saad nito at dahang-dahang inangat ang ulo niya,

si Don Diego

"tss"ngisi nito,
"bigyan moko ng exp8nsive wine" saad nito, kaagad ko naman itong sinulat at kinuha na ang order niya, pagkatapos ay bumalik rin ako.

"ito napo Don Diego" saad ko, kinuha niya naman ito at ininom na, tiningnan ko lang siya, ang misteryoso naman ng matandang to.

" Ano pang ginagawa mo dito? Umalis kana" irita nitong saad, kahit ang sungit niya ay ginawa ko lang manatili. Umupo ako sa upuan na kaharap niya.

"Ano bang ginagawa mo dito babae?!!" inis na tanong nito, kahit medyo nakakatakot na siya at kahit alam kong pum4patay ng tao itong kaharap ko ay nanatili parin ako.

"Ahm Don Diego, a--alam ko napo kung bakit ganoon ang trato mo sa mga babae, so--sorry po kung nakialam ako, pero di--di niyo naman po dapat gawin niyon sa apo niyo o kung sino pamang babae" kinakabahan kong saad, napahinto ito naman ito sa sinabi ko at nakikita ko ang mahigpit na paghawak nito sa baso at kalaunan ay nabasag nga ito.

Malakas na ibinagsak niya ang kanyang mga kamay at tumayo saka ako tiningan ng masama.

Don Diego POV
"Sino ka para pakialaman ang buhay ko, babae!" inis na saad ko.

Ayokong pinag uusapan ang tungkol sa bagay na ito dahil lalo akong nasasaktan at naiinis!!!

Kung ibang babae tong kaharap ko baka binaril ko na ito pero hindi eh, parang may pumipigil saakin.

"Paumanhin po Don Diego, pero kasi hindi mo pa po binibitawan ang past mo dahilan kung bakit marami kapong nasasaktan" saad nito na lalong ikinagalit ko.

"wala kang alam!!" sigaw ko sakanya.

"WALA KANG ALAM SA NAKARAAN KO KAYA WAG MO AKONG DIKTAHAN, HINDI IKAW ANG NASAKTAN NOON, HINDI IKAW ANG NAWALAN NG ANAK, FREYA, HINDI IKAW KUNDI AKO!!! AKO ANG NAWALAN NG NAG IISANG ANAK, AKO ANG NASAKTAN AKO ANG NAIWAN" sigaw ko sakanya habang tumutulo ang mga luha ko, tiningnan ko siya at tila awang awa naman ito saakin at pinagti-tinginan rin kami ng mga costumers.

"Do--Don Diego, so-sorry po"

Kinuha ko na ang baril na nasa bulsa ko at itinutok ito sakanya,

"Naku po!!!"
"Wahh"
sigawan ng mga tao,

"Reya!! Don Diego wag po"
"ohh no, bess!!"
saad naman ng manager at kaibigan nito.

Freya POV
"Nasaktan ako ng sobra" iyak na saad ni Don Diego, napaiyak narin ako sa sinabi niya, sino nga ba ako para diktahan ang nakaraan niya at ang naramdaman niya lalo nat diko alam ang buong nagyari.

Tiningan ko si Don Diego, lumalalim ang paghinga nito na ikinalaki ng mga mata ko. Nabitawan na niya ang baril niya kasabay nun ang pagbagsak niya sa sahig
" Don Diego!"sigaw ko.

Agad akong lumapit sakanya at itinapat ang isa kong tainga sa dibdib niya, medyo mahina ang pintig ng puso niya.

"Reya okay kalang?"
"Bes okay kalang?"
Alalang tanong ni Chi at ni manager.

"Opo pero si Don Diego po hindi" sagot ko.

" Manager, tulungan niyo po akong buhatin siya at dalhin po natin siya sa ospital" saad ko at tinulungan naman ako ni manager pero hindi pa naman kami nakakalayo ng harangan kami ni Chi.

"Bakit Chi?"

"Freya! Gusto ka nangang saktan ng tao tutulungan mo pa? Eh ang sama niya, tinutukan ka nga niya ng baril kulang nalang ay ikasa niya at boom patay kana!!" inis na saad niya, oo lahat ng sinabi niya ay totoo.

"Chi, hindi naman ibig sabihin nun na pababayaan na natin siya, mamatay si Don Diego" saad ko sakanya.

"Eh muntik ka nangang mamatay Reya!!" sigaw nito

"Chi buhay ba ako?" tanong ko dito na ikinahinto niya.

"Chi sagutin moko, buhay ba ako?" pag uulit ko.
"O--o" mahinahon niyang saad.
"Pwess hayaan mo ring mabuhay si Don Diego" saad ko sakanya at nilagpasan na namin siya.

(SEASON 1) "THAT FIVE FAMOUS ACTORS ARE MY BROTHERS?!" Where stories live. Discover now