KABANATA 22

1.5K 61 3
                                    

PATRICIA

"Patty, hindi mo ba kakainin yung pagkain mo? Kanina pa ako natatapos, ikaw hindi mo pa nababawasan kahit kaunti man lang sa kanin mo..... Hindi ka pa kumakain." Mahinag turan ni Hazel na nagpagising sa aking kalutangan.

"Wala akong gana." Akmang tatayo na ako nang pigilan niya ako sa braso.

"Ano ba? Tatayo ka na naman nang hindi inuubos ang pagkain mo? Kung nagkakaganyan ka dahil sa sagutan niyo ni tita kanina, napakababaw ng rason mo Patty!" Sigaw niya sa'kin.

Hindi ko siya masisisi, mula kaninang umaga ay panay  ang tawag niya sa akin para kumain. Pero ang isinasagot ko lang ay busog ako o wala akong gana. Madaling mapikon at maiinis si Hazel kaya hindi na ako magtataka kung bakit nagagalit na agad siya.

"Umupo ka riyan at kumain ka kahit limang kutsara lang ng kani--------

Natigil ang pagsasalita niya nang bigla ko siyang yakapin ng mahigpit. Bumuntong hininga siya at hinagod ang likod ko.

"Ayaw ka lang masaktan ni tita Patty." Pagpapaintindi niya.

"May sinabi siya sakin kanina Hazel. May nalaman ako." Awtomatiko siyang bumaitaw sa akin at tiningnan ako sa mata.

"Ano bang sinabi niya? Na ayaw ka niyang magkaroon ng syota?" Mahina niyang ani. Umiiling agad ako at natigilan naman siya.

"Ang sabi niya m-m-may s-sakit ako sa p-puso." Nahihirapan kong bigkas dahil sa paghikbi. Nagugulat at nag-aalala niya akong tiningnan.

"Sinabi niya sa'yo ng harapan? Baka naman gusto ka lang niyang ilayo sa pakikipag relasyon ulit?" Umiling na naman ako.

"Nakapikit ako Hazel. Hindi niya alam na gising ang diwa ko at naririnig ko ang lahat ng sinabi niya. Napaka linaw ng sinabi niya Hazel, nakuha ko ang sakit ni mama." Umiiyak kong sabi. Niyakap niya ulit ako ng napakahigpit at napgtantong umiiyak na rin pala siya.

"I'm sorry! Hindi ko alam ang tungkol diyan...." Mahina niyang sabi.

"Magiging maayos rin ang lahat." Saad niya. Nakaupo kami ngayon sa sofa at tahimik lang matapos naming umiyak kanina.

"Sana nga........ Sana nga magiging maayos rin ang lahat." Usal ko sa kaniya. Pilit naman siyang ngumiti at hinaplos ang buhok ko, pagkatapos no'n ay wala nang nagsalita sa amin.

---------------

"Cheryl got the highest score!" Anunsyo ni Mrs. Gambia kinabukasan nang magpa quiz siya tungkol sa previous lesson namin at may kinalaman sa exam.

Pumalakpak ang mga kaibigan niya at nakakagulat na sa akin nakatingin lahat ng kaklase ko. Nagtataka ang mga mukha nila, at binigyan ko naman sila ng naguguluhang tingin.

"I got the highest score, are you jealous?" Nakangising ani sa akin ni Cheryl nang umalis na si Mrs. Gambia.

"Congrats." Nakangiti kong ani. Nagugulat niya akong tiningnan, pagkuwa'y tinaasan ng kilay.

"You're not mad? What the hell! You should be mad dahil nalamangan kita. Hindi ka pa nakakuha ng maliit na score kahit kailan diba?" Mataray niyang sabi.

"Hindi ako katulad mo Cheryl. At isa pa, hindi naman mababa ang score ko. Mas mataas nga lang ng tatlong points yung sa'yo." Nakangiti at mahinahon kong sabi. Natigilan naman siya sa sinabi ko at napapahiyang sinulyapan ang mga kaibigan niya.  "Hindi ako yung tipong nagagalit kapag nalalamangan Cheryl. Hindi porket never pa akong nakakuha ng mababang score, bawal na akong pumalya. Congrats, you deserve it."  Tinapik ko ang  braso niya ng mahina bago ko siya iniwan.

Nauna akong umuwi sa unit dahil may gagawin pa si Hazel kasama ang mga group mates niya. Tumatawid lang ako sa pedestrian lane nang biglang may humablot sa braso ko. Napayakap ako sa taong ito at nang maaninag ko ang mukha niya, napagtanto kong si prof. Devon ito.

"What's your problem? Bakit ka tumawid basta!" Galit niyang asik.

Ni-hindi ko siya nagawang sagotin nang may biglang sumabog. Isa itong  napakalaking truck ng gasolina na ngayon ay puro apoy na. Kumabog ng napakalakas ang dibdib ko nang mapagtanto kung ano ang nangyayari.

"Bakit ka tumawid? Magpapakamatay ka ba hah! Answer me!" Galit talaga ang mukha niya habang mahigpit na hawak ang magkabilang braso ko. Tumulo ang luha ko at muling sinulyapan ang truck na  ngayon ay pinalibutan na ng mga tao. Kaniya-kaniya silang may dalang balde at tabo na may tubig.

"H-Hindi  k-ko alam na may t-truck...." Nanginginig kong sambit. Biglang lumambot ang mukha niya at mabilis ang niyakap.

"Please! Don't scare me like that....." Mahina niyang sabi habang yakap ako.

Natinag lang kami nang may tumunog   na siren ng bombero. Mabilis nilang pinatay ang apoy at pinasalamatan ang mga taong tumulong.

"Patty!" Mabilis akong niyakap ni tita.

"T-Tita."

"Shhhh..... Tahan na."  Pang-aalo niya.

------------

Nasa loob kami ngayon ng unit ko. Nakaupo kaming tatlo sa sofa at walang nagsasalita. Hindi ko rin lubos maisip na pinapasok ni tita si prof. Devon gayong alam naman niya na siya ang nagugustuhan ko. Siya rin ang pinag-awayan namin kahapon, pero heto siya't inalok pa si prof. Devon na pumasok.

"Salamat...... Kung wala ka doon, baka kung anong nangyari kay Patty." Mahina ngunit ramdam kong sinsero ang pagkakasabi ni tita kay prof. Ngumiti lamang ito kay tita.

"You're welcome ma'am..." Saad niya rito at bumaling sa akin.  "We're going to talk later, for now you should rest."

"Aalis ka na?" Kahit ako ay nagulat sa sinabi ko kaya agad ko iyong binawi.  "S-Salamat pala sige ingat ka."

Hindi siya nagsalita bagkus ay tumalikod na. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit may kakaibang lungkot na namutawi sa puso ko.

Ayaw kong umalis siya. Gusto ko siyang makasama muna kahit saglit lang....."

"Inumin mo itong gamot si Patty. Makakatulong yan para maibsan ang kaba mo." Utos ni tita na nakaagaw sa atensyon ko. Tumango lang ako at sinunod ang iniutos niya.

"Yung kahapon-------

"Ayos lang tita. Ayaw ko po munang pag-usapan." Ani ko. Tumango siya bilang tugon at ako naman ay pinulot ang bag kong nasa sahig saka ako pumasok sa kwarto ko.

Lungkot at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Sa katotohanang lumalalim ang pagkagusto ko kay prof. Devon, ang sabi niya gusto niya rin ako at naniniwala ako doon.

Pero ayaw ko siyang saktan..... Kung pareho nga naming mahal ang isa't - isa paano nalang kung isang araw mawala ako dahil sa sakit ko? Maiiwan siya at masasaktan ko lang siya. Ayaw kong masaktan siya!

                       Follow lealezep
               For you to be updated!
Don't forget to vote and comment....
                      Enjoy reading!


Professor's Crush Where stories live. Discover now