KABANATA 10

1.9K 105 28
                                    

PATRICIA

Alas diyes na at hindi pa rin ako makatulog dahil sa tambak na papers na ipinadala ni Prof. Devon kanina sa'kin. Well hindi naman ako nagrereklamo, medyo nakakapagod nga lang.Halos mabitawan ko naman ang ballpen ko nang biglang may kumatok. Pinuntahan ko agad at nagdadalawang isip pa kung bubuksan.

Sino namang kumag ang kumakatok ng alas diyes ng gabi?

"Patricia this is me! Open the door!" Tinig iyon ni Prof. Devon. Huminga pa ako ng malalim bago ko tuluyang binuksan. Bumungad sa akin ang bagong ligo niyang postura na may nakasabit pang towel sa leeg.

"Give me the papers. Ipapatapos ko nalang kay Lio." His pertaining to our vice president.

"P-pasok ka pro---sir." Alok ko at bumakas ang gulat sa mukha niya.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Hindi ka dapat Basta-basta nag papapasok sa tinitirhan mo lalo na pag gabi." Seryosong mukha niya ay ibinalik niya.

"Kayo lang naman yun atsaka alam ko namang wala kayong gagawin sakin." Nagkibit balikat ako. Pero laking gulat ko nang ngumisi siya ng nakakaloko at humakabang papalapit sa akin.

"How can you be so sure?" Nakangising ani niya at noon ko lang din napagtantong tuluyan na nga siyang nakapasok. Ano bang sinabi ko?

"Wala akong gagawin sa'yo? how can you be so sure?" Muling anas niya atras naman ako ng atras, napahinto lamang ako nang mapagtantong wala na akong maaatrasan dahil lamesa na ang nasa likuran ko. Kinakabahan ako at napapikit nang inilapit niya ang mukha niya sakin. Inaasahan kong hahalikan niya 'ko pero hindi nangyari yon.

Ganoon na lamang ang kaba ko nang alisin niya ang nakakalat na buhok sa mukha ko. Kinuha niya ang mga papeles sa lamesa at bumuntong hininga. Nang magtama ang paningin namin ay saka siya nagsalita.

"I'm glad na hindi masamang lalake ang tingin mo sa'kin."

Matapos niyang sabihin iyon ay umalis siya at siya na rin mismo ang sumarado sa pinto. Mabilis ko naman iyong nilock at hinawakan ang dibdib kong sasabog na sa kaba.

Hindi ko alam kong bakit nakaramdam na naman ako ng kakaibang tuwa. Masaya siya na mabuting lalake ang tingin ko sa kan'ya? Kung iba ang sinabihan ko non marahil ay walang pakialam, ibig sabihin....may pakealam siya sa'kin. Ayokong mag-assume at gusto ko ng kasagutan sa tanong ko. Pero bakit iba yung dulot sa'kin ni prof. Devon? Nagmahal din naman ako noon, pero hindi ako nakaramdam ng kakaibang saya noon tulad ngayon. Parang normal lang naman ako noon nung kami pa ni Yooki, bakit ngayon parang nagiging ibang tao ako bigla. Parang gusto kong sumugal ulit....

Ang tanong. Kanino ba ako susugal? Gayong mukhang ako lang naman ang nagkagusto.

------------------

Lumipas ang ilan pang mga araw at normal lang din naman para sa'kin. Pumapasok, nag-aaral, gumagawa ng activities, at umuuwi.

Lahat ng classmates ko ay nasa library para sa assignment namin ngayon. Ako naman ay naunang natapos kaya naman mag-isa lang muna ako sa classroom, nang biglang may magsalita.

"Hi!" Napaangat ako ng tingin and it was Kleinthon. Nakangiti siya at bahagya pang nakayuko sa akin. Medyo awkward ang dating sa'kin dahil dalawa lang kaming nasa loob ng classroom.

"Would you mind if I sit here?" Nakangiti pang tanong niya. Umiling naman ako.

"Hindi okay lang." Sagot ko. Umupo naman siya sa tabi kong upuan at bahagya pang tumunghay sa binabasa kong libro.

"Wow! Mahilig ka rin pala sa mga wire wolves?" Manghang anas niya, tumngo naman ako at bahagyang ngumiti na rin.

Hindi lang naman kami ngayon ganito. Medyo magaan din ang loob ko sa kanya dahil mukha naman siyang mabait. At hindi ako maiilang dahil hindi lang ako ang mahilig niyang kausapin. Halos lahat ng classmate namin ay naging kaibigan niya dahil sa friendly skills niya. I admire him, kase hindi ako palakaibigan eh! Ewan ko, ganito ako eh...

Professor's Crush Where stories live. Discover now