P A N G A L A W A

38 4 16
                                    

Pangalawang Kabanata:
L A R A W A N

E O S

"Do you still have questions?" I rested my arms on the table, looking at the students in front of me. Halos nagtuturuan sila kung sino ang magtatanong. It was pretty unusual for a class to have this ecstatic energy even after almost three hours of discussion. Sa dalawang taon kong pagtuturo dito sa Ville de Corazon Universidad, ang klaseng ito ang maituturing kong paborito dahil interesadong interesado sila sa mga itinuturo ko.

"Sir!" Nilingon ko ang babaeng nagtaas ng kamay, itinuro ko siya kaya naman tumayo siya para sabihin ang nasa isip niya. "Naalala ko po last month, one of our classmates asked if you've painted Ville de Corazon Bridge. Ang sabi niyo po noon, you haven't seen and you haven't been on that bridge yet. I attended your art exhibit po last weekend and I saw a lot of paintings with that bridge as the subject. I was just curious kung bakit sinabi niyo pong wala po kayong idea about sa bridge eh you've been painting a lot about that pala."

Dahil sa tanong, biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kahapon. A picture of the girl in silhouette came into my mind. I suddenly felt my heart racing and the same enigmatic feeling last night occured in me.

"Sir?" Bumalik lang ako sa ulirat no'ng nagsalita muli ang estudyanteng nagtatanong sa akin.

"You won't believe this class but I just discovered that bridge recently since an acquaintance of mine asked me about it. She told me the location of the bridge and I just checked it out last night. I've been painting that bridge since I was a child for an unknown reason." I explained. "But it's amazing, right? Art is as powerful as our minds. It drew us close to making magic and creating mysteries."

Their mouth formed an "O" as they nodded at my words. Napangiti na lang ako.

"If you don't have any more questions, the class is dismissed. Don't forget the deadline of your abstract painting project next Friday. Take a rest and keep going, class. I will see you again next week."

Isa-isa silang tumayo sa kanilang mga upuan, nagpaalam sa akin at lumabas ng classroom. Naupo muna ako habang hinihintay ang lahat na makalabas ng classroom. When everyone was out of the room, I gathered up my things and went out of the classroom as well. Dumiretso ako sa faculty para ilapag ang ilang gamit ko at maghanda na rin sa pag-uwi.

-

Pagod na pagod kong ibinagsak ang buo kong katawan sa sofa nang makauwi ako sa bahay namin. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Sunud-sunod ang klase ko kanina kung kaya't hindi ako nagkaroon ng pahinga.

"Apo, nandiyan ka na pala." Napadilat ako nang marinig ang boses ni Lola Margerita. Nakita ko siyang nakatayo sa tapat ko habang dala-dala ang mga natuyong sinampay. "Gusto mo bang kumain? Sandali, ipaghahanda kita."

Agad akong tumayo at lumapit sa kaniya, "Akin na po." Dahan-dahan kong kinuha ang mga bitbit niya at inilapag muna sa sofa. "Hindi na muna ako kakain, Lola. Mamaya na siguro, may tatapusin pa po ako."

"Gano'n ba? Sige, magsabi ka lang kung nagugutom ka't ipaghahanda kita. Tutupiin ko muna 'tong mga damit." Tumango ako at nagpaalam na aakyat muna ako sa kwarto ko at maglilinis ng katawan.

Pagbukas ko ng pintuan ng kwarto, bumungad sa'kin ang malaking canvas na may hindi tapos na painting. It was the one I started last night but didn't have enough time to finish. Dumiretso ako sa tapat ng kama at kumuha ng damit na pamalit sa hilera ng mga aparador doon. Hinubad ko muna ang long sleeve ko at binuksan ang aircon upang mabawasan ang mainit na singaw ng katawan ko dahil sa pagod. I sat down on my bed for a while before going to the bathroom.

Matapos kong mag-half bath ay umupo ako sa tapat ng malaking canvas at inihanda ang mga pintura at brushes ko. I took out my phone and played my music playlist before proceeding to my painting session. I feel at peace whenever I am painting. It serves as my rest after a very long and tiring day of teaching in school. I used to love this ever since I was a kid which pushed me to take a course related to it.

Sinimulan ko nang maghalo ng mga pintura. Nang matapos ay kinuha ko ang mga brush na gagamitin ko at saka nagpatuloy sa pagpipinta. It was the bridge that I am painting again. Hindi ko matandaan kung kailan ko sinimulang ipinta ang tulay na 'to pero sigurado akong matagal na. Nakapagtataka ngang halos kabisado ko ang bawat detalye nito kahit na wala pa naman akong nakikita noon na ganoong hitsura ng tulay. Nagulat nga ako nang may makapagkuwento sa'kin tungkol sa Ville de Corazon Bridge na kahit kailan ay hindi ko pa napuntahan lalo na noong nakita ko ito kahapon dahil kaparehang-kapareha ito ng tulay na madalas kong ipinipinta.

The moment I saw the bridge yesterday, it was enchanting. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam nang tumapak ako sa tulay na 'yon, kakaiba sa mga karaniwan kong nararamdaman. Parang sabay-sabay na bubuhos ang emosyon ko. May takot, lungkot at... pangungulila. Mas lalo pang nakapagtataka nang lumakas ang tibok ng puso ko dahil nakatagpo ng mata ko ang mga mata no'ng babae sa tulay kahapon.

Parang may kung anong kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang maalala iyon, tulad rin ng pakiramdam no'ng makita ko siya kagabi. Pakiramdam ko ay matagal ko na siyang kilala pero sigurado akong hindi ko pa siya nakikita kahit kailan. Kahit pigura lang ang nakita ko, sigurado akong hindi ko siya kilala.

I was halfway through my painting when I realized that I was painting the same event that happened last night. It was the bridge, as usual, but it had the silhouette of a girl this time. She was standing at the bridge, under the moon with her hair moving with the wind.

"Improving ang painting mo ha, hindi na lang tulay at may babae na." Natigil ako sa pagpipinta nang may tumabi sa akin at inangkla ang braso niya sa braso ko. It's Eana, my sister.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko sa kaniya nang makitang naka-uniform pa siya. "Bakit hindi ka muna nagpalit ng damit at dumiretso ka dito?"

"Bakit muna may babae na?" She asked, low key teasing me. "Yieee... crush mo 'yan, 'no?"

"Do I look like a teenager to you, Eana?"

Tumawa ito. I can't believe that she's 18 now because she still acts like a child. Mas gusto ko 'yon, though. Most people her age nowadays do inappropriate things. Mabuti't responsable naman ang kapatid ko.

"Oo nga pala, tanders ka na." Asar pa rin nito. She would usually do this, she loves pissing me off and clinging to me as if she's an eight-year-old girl."Pero oo nga 'no? Wala ka bang balak mag-asawa o mag-jowa man lang? Sige ka, tatanda kang uugod-ugod."

"You know what," I said monotonously. "Magpalit ka na ng damit, amoy pawis ka na oh. Ew." Ginaya ko kung paano siya magsalita kaya naman bumungisngis ito.

"Ew, hindi bagay." Sagot pa nito kung kaya't sinubukan ko itong sindakin gamit ang tingin. She held up both of her hands, surrendering. "Okay, fine! Ang pikon mo, Kuya!"

Tumatawa itong lumabas ng kwarto ko. Narinig ko pa itong sumigaw ng "pikon!" kung kaya't napangiti na lang ako habang umiiling saka ipinagpatuloy ang ipinipinta.

Matapos ang halos dalawang oras ng pagpipinta ay natapos ko na rin ang ginagawa. Sakto ring kumatok si Lola Margerita at sinabing maghahapunan na. Iniligpit ko ang mga pinaggamitan ko saka tumayo at dumiretso sa banyo upang hugasan ang kamay ko.

Lalabas na sana ako ng kwarto nang maisipan kong tingnan muli ang painting. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang larawan nang nangyari kahapon. Sino siya at bakit gano'n na lang kalakas ang koneksyon na nararamdaman ko na para bang buong buhay ko ay kilala ko na siya?

Terra Firma Where stories live. Discover now