P A N G - S A M P U

10 2 3
                                    

Ikasampung Kabanata:
P A G - A L A L A

E O S

“Raya, dumating ka!” Napatalon ako sa tuwa nang makita ang aking iniibig na naglalakad papalapit sa akin. Halos ilang oras na rin akong naghihintay sa kaniya dito sa tabi ng lawa kung saan madalas kaming magtagpo nang patago. Hindi ko man nais ang ganitong kalagayan sa pagitan naming dalawa, wala akong magagawa dahil malayo ang agwat ng buhay naming dalawa.  Kung sagana si Hiraya, sa karangyaan, ako naman ay kabaliktaran.

“Bakit tila malungkot ka, aking ginoo? Patawad kung naghintay ka nang matagal, nahirapan akong makatakas sa mga bantay.” Hindi ko maiwasang isipin paminsan kung anong nagustuhan sa akin ni Hiraya, ‘di hamak na mas marami siyang magugustuhan na mayaman at makikisig na ginoo, tulad na lamang ni Estefano na balitang balita sa lugar namin na may pagtingin kay Hiraya.

Napailing ako. Hindi ito ang oras para isipin ang ganitong mga bagay lalo na’t kasama ko ngayon ang aking minamahal. Tiyak na matatagalan na naman ang aming pagkikita at makapag-uusap lang kami sa pamamagitan ng mga sulat.

“Eli? May problema ka ba, mahal ko?” tanong muli ni Hiraya.

Maaari ka bang yakapin, binibini? Labis lamang ang pangungulila ko sa inyo.” Tumingin muna siya sa paligid at pinagmasdang maigi kung mayroon bang taong nakamasid dito. Nang masiguro ay nagtungo siya sa ilalim ng malaking puno sa madilim na sulok ng lawa at saka tumango. Hindi na ako nagdalawang-isip at niyakap siya nang mahigpit. Hindi ko namalayang tumulo na ang mga luha ko.

“Bakit, mahal ko?” Tanong ni Raya.

“Natatakot lamang ako, irog,” sagot ko. “Paano kung malaman ng lahat ang tungkol sa atin at paghiwalayin nila tayong dalawa?”

“Eli…” sambit niya. “Hindi ba ay ipinangako natin sa isa’t isang ipaglalaban natin ang pag-ibig na mayroon tayo? Huwag kang matakot, mahal ko, dahil kailanman ay hindi ako bibitaw sa kamay mo. Naiintindihan mo ba?” Kumalas siya sa pagkakayakap mula sa akin at saka sumandal sa balikat ko.

Saksi ang buwan sa pangakong ito, mahal ko.” Lumingon siya sa akin. “Sa mga pagkakataong hindi tayo nagtatagpo, isipin mong ang liwanag nito ay tulad ng pag-ibig ko sa’yo na magsisilbing tanglaw sa kadiliman ng buhay mo.”

“Kakatuwa’t tila ikaw ang lalaki sa atin ngayong gabi,” sambit ko. “Pinagaan mo ang loob ko, mahal ko.”

“Sa pagmamahalang ito, pantay tayo. Walang kasarian, walang kayamanan. Hindi mananaig sa atin ang kahit ano man, ang mahalaga ay iniibig natin ang isa’t  isa.”

Humarap siya sa akin at nagtagpo ang aming mga mata. Pinagmasdan ko ang maganda niyang mukha mula sa kaniyang kilay, sa mga mata niyang makikinang na tulad ng bituin, sa matangos niyang ilong, at sa mapupula niyang labi. Tila may nag-uudyok sa akin na ilapat roon ang akin. Sabay na napapikit ang aming mga mata, tila ba’y may nag-utos noon. Unti-unting naglapit ang aming mga mukha hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagdidikit ng aming mga labi kasabay ng pagdaloy ng kuryente sa buo kong katawan.

Terra Firma Where stories live. Discover now