CHAPTER 40 Vhor's Birthday

Magsimula sa umpisa
                                    

"I.. I can't l-live without y-you Vhor.. Ka-kahit pasaway at lamunin ka ng away Mahal kita... Ma-mahal.." Yumuko ako at umiyak ng umiyak, hawak parin ang kamay ni Vhor at nagdarasal na sana magising na siya.

"Wala ng bawian ah," Napaangat ako ng marinig ang pamilyar na boses, nanlaki ang mata ko ng makitang dilat ang mata ni Vhor at ang kaniyang labi ay nakangisi, nabitawan ko ang kamay niya ng maloko siyang tumingin roon.

"I can't l-live without y-you Vhor.. Ka-kahit pasaway at lamunin ka ng away Mahal kita... Ma-mahal.." He imitated what I said "Grabe alam mo ba kung pano ko pinigilan ang tawa ko? V-vhor.. HAHAHA!" Mariin kong pinalo ang braso niya na ikinaaray niya hindi pa ako nakuntento at piningot ko ang tenga niya.

Sa sobrang inis ko sa ginawa niyang pagpapanggap na comatose siya ay hindi ko napansing sobrang lapit na pala ng mukha ko sa mukha niya, napatitig kami sa isa't isa at bumagsak ang tingin ko sa labi niya ng ngumuso siya na parang nanghihingi ng halik.

"G*go." Mahinang sabi ko bago lumayo sakaniya ng marinig ang pagbubulungan ng mga gago niyang kaibigan, siya naman ay hindi matanggal ang ngisi sa labi "Lahat talaga kayo pinagkaisahan ako?! Sinama niyo pa si A sa kagaguhan niyo!" Inakbayan ni kuya si A.

"Syempre, walang iwanan hanggang kamatayan kami e! Mashang, ngayun lang namin napansing nakaapak ka palang pumunta rito." Nanlaki ang mata ko at tinignan ang paa ko, tama nga nakaapak lang ako at ang mga gago ay nagsitawanan.

"Para kay Vhor. Kilig ka Vhor? Nakaapak si Amaris habang tumatakbo papunta sayo," Ngumisi si Vhor sakin.

"Ang sweet mo naman." Pang-aasar niya, pinalo ko ulit ang braso niya kaya napaaray agad siya.

"Labas lang kami ah, Vhor galingan mo ah baka may mabuo kayo rito." Malokong sabi ni Chaz, sinapak ni kuya ang balikat niya.

"Hoy Vhor!" Pagbabanta ni kuya ash bago hinitak sila A, ng makalabas sila ay tinapik ni Vhor ang gilid ng kama niya kaya umupo ako roon at hindi nagsalita.

"Tatlong araw akong tulog, ngayun lang ako nagising dahil naramdaman kong gising narin ang isang halimaw na may pagka-slow." Pang-aasar niya "Pero seryoso.. May masakit ba sayo? Kasi sakin masakit ang puso ko." Tinignan ko siya na nakatingin rin pala sakin hanggang ngayun.

"A-ayos lang.. Puso? Bakit may sakit kasa puso?" Mahina siyang natawa at umiling, naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Hindi ko kasi sure kung may gusto ba talaga sakin ang taong gusto ko kaya sumasakit ang puso ko.. 'Yung si-sinabi mo na.. Hindi mo kayang mawala ako sa buhay mo at.. M-mahal mo ako? Totoo ba?" Nag-iwas ako ng tingin, hindi ako nakagalaw ng hawakan niya ang kamay kona nakapatong sa kama niya.

"A-ahh i-iyon ba.. O-oo naman! ako ang may kasalanan kung bakit ka nand'yan, pagsisisihan ko kapag nachugi ka.. Tska.." Kumunot ang noo niya at parang may salita siyang hinihintay na magmula sakin.

"Tska?"

"Tska.. We a--" Hindi kona naituloy ang sasabihin ko ng bumukas ang pinto at iniluwa non si Mark, tumayo si Vhor at inilagay ako sa likod niya.

"Anong ginagawa mo rito? Baka gusto mong dito kana paglamayan." Seryosong sabi ni Vhor, napangisi si Mark at tumingin sakin.

"Amaris, wag kayong mag-alala nand'yan ang mga kaibigan niyo. Gusto kolang humingi ng tawad.."

"Hindi kami tumatanggap ng tawad dito, dun sa pamilihan ka pumunta.. Nga pala, mabubulok kasa kulungan kaya hindi kana makakapunta ng pamilihan." Sabi ni Vhor, hindi siya pinakinggan ni Mark at humakbang papalapit samin pero umatras kami ni Vhor at parang handang manapak ni Vhor sa position niya.

Love me until the moonlight comes [VSOO] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon