Nilingon ko sya. "Tinawag mo ako diba?" sumalubong sakin ang Green Eyes nya.

"Ahhhmmm..." napa-iwas sya ng tingin. "... A-ano..." huminga sya ng malalim. "... SALAMAT PO LADY CATARINA!" sincere nyang wika.

'SALAMAT PO LADY CATARINA...'

"Salamat saan?"

"SALAMAT PO! BASTA! SALAMAT PO!"

"Tss!..." tinalikuran ko na ulit sya. Nagpasalamat sya pero 'basta' lang? Basta Salamat? Tss! "... Ririna Waltz, Diane, Keith, Reisi, Zairel Von... Tara na..." wika ko na sapat lang para marinig nila. "... And Sekaro Molave."

"Po?"

"Mauna ka na ulit."

"Huh?"

"Mauna ka na ulit."

"Huh?"

"Mauna ka na ulit."

"H-"

"Isang 'Huh' mo pa."

"H-hi?"

"Tss!"

"Pero... Bakit po ako uuna Lady Catarina?"

"Para mag lead ng way..." wala akong marinig na sagot mula sa kanya. Hindi ko din alam kung anong ginagawa nya."... Ayaw mo ba? Sabihin mo lang. A-"

"Hindi."

"Hm?"

"Hindi noh. Wala akong sinabing ganun. Ano ka po ba naman Lady Catarina. Syempre, mauuna na po ako..." at nakita ko sya sa gilid ko na nilampasan ako. "... Mag lelead ako ng way diba?..." sabay lingon nya saglit sakin. "... Kaya dapat, nasa unahan ako. Hihihi." sabay ngiti nya.

Nakita ko nanaman ang ngising-ngiti sa labi nya.

'Kanina ko pa nararamdaman yang mga tingin mo, Keith.' wika ko sa lalakeng kanina pa nakatingin sakin. Simula nung niyakap ko si Sekaro Molave. Tss!

'Hayaan mo na...' nilampasan nya din ako. '... Minsan lang kitang makikitang ganyan, Cath.'

"Tara na po Ate Ririna..." nasa kaliwa ko na si Diane. Nasa tabi nya naman si Ririna Waltz. "... Ate Aria." nginitian nya ako.

Sabay naming Inihakbang ang aming mga paa. Hindi pa man nakakalima sa akin ay huminto kaagad ako. Napalingon ako sa aking likuran at tinitigan ang lalakeng hindi man lang gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. Nakatulala sya sa kinaroroonan namin. Kaya hindi ko din matukoy kung kanina sya nakatingin.

Alam ko na galit sya kanina dahil akala nya din ay naliligaw na talaga kami. Iba ang pagkaka-intindi nya sa nasabi ni Zairel Von. Kaya napag-samaan nya ng tingin si Sekaro. Kung hindi dahil kay Zairel Von, baka nailabas nya na ang kanyang Red Scepter. Saka hindi ko din sya narinig na humingi ng 'sorry' kay Sekaro. Si Ririna lang.

"Wala kang balak na sumama sa amin?..." walang emotion ang expression sa mukha nya. Pero bakit nakikita ko ang nagtatanong nyang mga mata? "... Reisi."




Book Of Magic 3: CLAES (ON-GOING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora