Chapter 31

16.5K 587 166
                                    

UNIQUE

"I AM certain." Matigas na sambit ni Ma'am kaya napahinga na lang ako nang malalim dahil kanina niya pa ipinipilit ang bagay na 'yan.

Nakakapanlumo at medyo nakakainis na rin. Ayaw niya talagang pumayag. Grabe, may pagka-makulit pala siyang side. Kadalasan kasi ay seryoso at masungit, pero ngayon ay iba. Hindi rin naman siya mukhang nilalagnat kaya bakit ganyan?

Nakahalukipkip pa siya na nakatayo sa gilid ng kama at magkasalubong ang perpektong mga kilay. Bahagya rin siyang nakasimangot dahil kanina pa ako tumatanggi sa inaakusa niya sa akin---na hindi ko alam kung normal pa ba o hindi na.

Nandito pa rin siya sa mansyon namin at talagang dito na nag-stay. Sinasamantala na wala sila mom and dad at takot sa kanya ang mga tauhan namin. Who wouldn't? Sila ba naman ang masungitan niya. Gusto ko na tuloy isipin na siya ang may-ari nitong mansyon at ako ang bisita lang. Baliktad na talaga yata.

Hindi na rin gaanong masakit ang balikat ko kumpara nang magising ako nung isang araw. I feel better. Ang galing kasi nung nag-aalaga sa akin at bukod doon ay masyadong strikto. Dapat nasusunod kapag sinabi niya.

"Ma'am," I called and groaned in annoyance as I remembered what she said. Paulit-ulit siya kaya medyo nakakainis na. "Hindi nga kasi."

"No. You really did something." Pagpupumilit niya at umiling-iling pa. She looks serious!

Napasimangot ako lalo at binaon ang mukha dito sa malambot na unan habang nakadapa sa kama. Inaasar niya lang yata ako, pero imposible, eh. Masyado siyang seryoso para mang-asar o magbiro ng ganyan. Kung hindi ko lang talaga siya professor at takot sa kanya, hindi ko na siya kakausapin pa. Ang kulit!

"Bahala ka nga." Ang nasabi ko na lang.

Nakipagtitigan siya sa akin at gano'n din ako. Huh, hindi pwedeng magpatalo ngayon kahit sa titigan man lang kahit na pakiramdam ko ay malulunod na ako sa mga titig na binibigay niya sa akin. Matalim ang mga mata niyang nakatitig sa akin at naniningkit pa!

Kahit na masyado siyang maganda sa paningin ko ay hindi pa rin nakakatuwa 'yung sinasabi niya.

Ugh!

"So, how did you do it?" She asked again and sat beside me while I'm still lying in my bed.

"Ma'am---seryoso ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko pero tinitigan niya lang ako na ang ibig-sabihin ay 'Oo'.

Inalis niya ang pagkakahalukipkip at kinuha ang paborito kong unan para yakapin 'yon. She heaved a deep sigh, as if thinking of something. Mukha na siyang unti-unting natatauhan na sa mga sinabi niya. Nag-iwas din siya sa akin ng tingin habang yakap-yakap sa mga bisig niya ang kulay pulang unan. Nakikita ko pa rin na medyo nawala ang pagkakasalubong ng mga kilay niya.

"Do I look like I'm not?" She asked calmly.

Natigilan ako at napatulala sa kanya. Pakiramdam ko ay ibang tao ang kausap ko at hindi 'yung masungit kong professor. Her aura feels so freaking gentle and not scary. 'Yung pakiramdam na parang wala siyang gagawin na masama sa kahit na sino. In a moment, she looks innocent and adorable while hugging my pillow.

"Ma'am naman, eh." Nanlulumong ungot ko dahil para akong nakikipagtalo sa makulit na bata. Seryoso ba 'to?

Kasi naman! 'Yung binibintang niya sa akin! It's something---something that's---ugh!

Alluring Innocence (Seven Deadly Sinners #2)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang