Chapter 5

22.6K 951 99
                                    

UNIQUE

WHAT SHOULD I do?

Sabado ngayon kaya wala kaming pasok sa university, at bukod pa doon ay sigurado akong nandito din si Miss sa bahay. Naririnig ko kasi ang boses nila ni ate na nagk-kwentuhan kanina sa baba. Hindi ba dapat lagi talagang busy ang mga Professor? Bakit si Miss ay parang ang daming oras?

Hindi ba dapat ang professor ay madalas rin sa school? Kasi nandoon ang mga ginagawa nila at kung ano-anong activities. Pero kakaiba talaga si Miss Cohen, eh. Parang siya ang boss ng school. Takot nga ang marami sa kan'ya sa mga nakalipas na araw kahit na wala pa siyang gawin.

Napanguso ako at sumiksik sa asul na unan na yakap ko. Hindi ko rin naman pwedeng papuntahin ulit dito si Sunny dahil may bonding sila ng pamilya niya ngayon hanggang bukas. Hindi ko pa pala nabisita ang parents niya. Tuwing weekends kasi ay gano'n sila. Ayoko talagang lumabas ng kwarto ngayon.

Si ate naman, siguradong aalis mamaya---

Hala.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa naisip. Oo nga, aalis si ate mamaya! Paano na ako? Nakakapanlumo ang mga naiisip ko. Sumama na lang kaya ako sa kan'ya sa office? Pwede naman 'yon pero sana ay pumayag siya. Ugh. Gusto ko lang talaga makatakas kahit sa presensya lang ni Miss.

I groaned in helplessness before burying my face on the soft pillow. Nakaligo na ako't lahat, pero naisipan kong humiga na lang ulit dito sa kama. I felt frustrated more than what I expected. Kung mag-stay naman ako rito sa kwarto, anong idadahilan ko?

Anong gagawin ko ngayon? Simula nang makilala ko si Miss Cohen ay parang hindi na naubos ang pag-ooverthink ko.

Knock! Knock!

"Heaven? Gising ka na ba?"

Napatingin ako sa pinto at rinig ko ang pagkatok doon ni ate. Siya lang din naman kasi ang tumatawag sa akin sa second name ko. Siguradong mag-aaya na siya para sa breakfast namin. Alam na alam niya talaga kung kailan ako nagigising.

Dahan-dahan akong bumangon sa kama at sinuot ang salamin ko na nakapatong sa bedside table. Naglakad din ako palapit sa pinto para pagbuksan si ate.

"Good morning, ate." Walang ganang bati ko nang bumungad siya sa paningin ko ay at tumingkayad para humalik sa pisngi niya.

"Morning. Come, may breakfast na." Pag-aaya niya at hinawakan na ako sa braso para hilahin at nagpahila na lang ako kahit na kumakabog ang dibdib ko sa kaba.

Humikab ako dahil sa antok. Anong oras na kasi akong nakatulog dahil marami akong tinapos na activities, para wala na akong gagawin ng weekends. At least, marami akong free time para sa ngayong araw. Wala rin naman kaming pasok kaya iniisip ko pa rin kung ano ang magandang gawin.

Nakarating kami sa dining area at agad ko namang nakita si Miss na prenteng nakaupo at naka-dekwatro habang may binabasang magazine. Her incomparable beauty is really mesmerizing, if it isn't for the fact that she can be terrifying at the same time.

She looks like an impossible human to exist, with the perfection of her physical features, and the oozing confidence in every move she make.

She's wearing a black sando that fits her very well and a white jogging pants. Kitang-kita ko 'yung magandang kurba ng katawan niya. Nasanay na lang din ako, gan'yan kasi siya minsan lalo na sa umaga.

"G-Good morning po." Magalang na bati ko bago naupo sa harapan niya dahil si ate ang nasa kabisera. Bakit ba kaharap ko siya lagi?

Nag-angat siya ng tingin mula sa binabasa niya at nilapag na lang 'yon sa isang gilid bago ko nakita ang bahagyang pagngiti niya sa akin. Napatitig pa ako doon dahil ang gandang tignan ng ngiti niya. It looks... bright and genuine.

Alluring Innocence (Seven Deadly Sinners #2)Where stories live. Discover now