"Hay nako kang bata ka. Kung ano anong pinag iisip mo. Kitang kita ko kung gaano ka kamahal ng batang iyon. Wag ka ng mag alala"

Medjo kumalma naman ako sa sinabi ni Manang. Lumipas pa ang tatlumpung segundo bago tumunog ang alarm na isinet ko para sa test.

Napa buntong hininga ako ng malakas bago dahan dahang itinaas ang test.

Two line!

Omg, Positive nga. I'm pregnant.

"Sina sabi ko na nga ba. Masaya ako para sainyo Hija" tuwang tuwa nitong sabi sa akin.

"Manang..." parang nablanko ang isip ko sa resulata ng test. Pinag halong saya at kaba. Napayakap ako kay Manang at hinaplos niya ang braso ko.

"Kinakabahan ho ako..." bulong ko

"Shhh, Wag kang mag aalala. Gagabayan naman kita ha" lumayo siya sa yakap at nginitian ako.

"Salamant manang"




"Nasan na ba yun?" nakadapa ako sa kama ng dati naming kwarto ni Luke at hinahanap ang number ni Haze. I don't know why i suddenly think of him. Parang gusto ko siya makita at pisilin yung ilong.

"Ayun!" nahanap ko na ang number nito at idinial.

Wala pang limang ring ay sumagot na din siya.

"Hello? Jes?" parang taka nitong tanong.

Hala parang ang gwapo ng boses. Parang gusto kong kunin yung boses niya.

"Pwede bang akin nalang yang boses mo?"

"Huh? Anong sina sabi mo dyan?"

"Ang gwapo kasi ehhh" parang bata akong umikot at tumihaya mula sa pag kamadapa.

"Are you alright? Ang weird mo"

"Yeah. Libre ka ba? Are you busy? Pwede ba tayong mag kita?" sunod sunod kong tanong.

"Hmm hindi naman. Tatapusin ko lang tong isang paper works then pauwi na ko. Why?" narinig ko ang pag galaw ng mga papel sa kabilang linya.

"Wala lang namiss lang kita" daretsyo kong sagot na ikinatahimik niya.

"Woy. Nandyan ka pa?" tanong ko ng ilang minuto siya hindi sumagot.

"Yeah. I'm just shocked na nag aaya ka. Are you sure? I mean, Baka magalit si Sir Luke"

Napa nguso ako sa dahilan niya.

"No, It's fine. So? Kita tayo?"

"I-I guess, Kung ok lang naman talaga eh"

Mabilis akong timayo mula sa pag kakadapa sa saya.

"Yay! So 5pm? Sa Dane's cafe?"

"Yup. I'll see you"

"Thank you Haze! See you" at ngingiti ngiti kong ibinaba ang telepono.

Excited na akong pisil pisilin yung ilong niya. Grabe parang gusto ko pa ngang kagatin eh.

Pag tingin ko sa oras 4:20 na pala. At syempre dahil excited ako tumayo na agad ako para ayusin ang sarili. Pumasok ako sa baniyo para mag hilamos at mag toothbrush. Hindi naman inalis ang mga gamit ko dito noon.

May iilan din akong make up na naiwan kaya ginamit ko na din. Mascara and liptint tapos kaonting powder.

Sinuklay ko nalang din ng kaonti ang buhok ko bago lumabas ng baniyo. Kinuha ko ang susi at wallet ko tsaka bumaba para mag paalam kay manang pero ang nadatnan ko doon ay ang mga katulong na nag kakagulo pati na si Manang.

"Ayan, ayun pa ayusin ninyo yon. Malinis ba yung pool? Dalian niyo nandyan na siya" nakapameywang si Manang at inuutusan ang mga katulong.

"Manang? Ano hong meron?" taka kong tanong habang nababa sa hagdan.

"Hija, Hija nandyan na si Luke."

Nanlamig ako sa nadinig.

He's here. Bumalik siya.



FOLLOW,COMMENT&VOTE

FOLLOW,COMMENT&VOTE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
My Daddy's FriendWhere stories live. Discover now