Chapter 25

92.6K 1.8K 556
                                    



Chapter 25
Test

"Hmmm...Gwabe, answarap twalaga mwanang" namumualam na ani ko sa matandang babae na nakaupo sa harapan ko at pinapanood akong kumain ng kanina ko pang gustong carbonara.

"Dahan dahan. Ikaw na bata ka, Wala ka namang kaagaw. Tsaka hindi ka pa ba busog? Pang apat mo nang plato yan ah"

"Nako manang kulang pa ng- ehem! ehem!" napatigil ako ng masamid. Agad akong pinag salin ng tubig sa baso ni manang at pinainom.

"Ayan na nga ba ang sina sabi ko. Mag dahan dahan ka. Saan ka ba galing at parang gutom na gutom ka?"

"Sa bahay ho"

"Oh, Eh hindi ka ba nila pinapakain doon?" tanong ulit niya.

"Pinapakain naman Manang. Sa katunayan ay meron nga din hong carbonara doon kanina ang kaso nga lang ay hindi masarap. Ang sainyo ho talaga ang gusto ko" ngumuso ako sa kaniya at tsaka muling sumubo ng malaki.

"Ako nga tapatin mo. Ikaw ba'y buntis?"

"Hkk!" pakiramdam ko'y lumabas sa ilong ko ang pastang kinakain ko sa pag kasamid.

Si Manang nangugulat.

Inabot muli nito ang basong may tubig at pinainom ako.

"Manang naman, Bakit ganyan ang tanong niyo"

"Aba eh para ka kasing nag lilihi."
nanlalaking matang sabi nito.

"Hindi ho ah. Hindi ako buntis" agad akong umiling at itinuloy ang pag kain. Paubos na muli iyon kaya bumanto pa ulit ako.

"Kailan ka huling nag kadalawa?" parang imbestigador ito dahil medjo inilapit pa ang mukha sa akin.

Natigilan ako ng hindi maisip kung kailan ako huling nagkaron.

Teka...

Kailan nga ba?

Shit!

"L-Last month ho?" medjo kinakabahan ko ng ani at ibinaba na ang tinidor.

Napapikit si Manang at napatampal sa noo. Bumuntong hininga to at tumayo sa kinauupuan.

"Sina sabi ko na nga ba. Kailangan mong mag test" akmang tatalikod na ito ng pigilan ko.

"Teka san ho kayo pupunta?"

"Kay Omar. Ipapabili kita ng test"

Napa tayo ako sa kinauupuan ko. "H-Ha? Teka Manang. Baka naman ho nalate lang. W-Wag na ho kaya?" Kagat labi kong pinag lalaruan ang daliri ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko kung sakaling tama nga ang hinala ni Manang. Bakit ngayon pang hindi maayos ang lagay namin? m

"Kaya nga kailangan nating malaman. Sige na, tapusin mo na yan at mag papabili lang ako" tuluyan na niya ako iniwas sa hapag kainan.

Napabuga nalamang ako ng hangin at bumalik sa pag kakaupo. Hindi ko na din naubos pa ang carbonara sa pag iisip kung anong gagawin.




"Kumalma ka."

"Manang p-paano kung...kung positive?"

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa salas habang inaantay namin ni manang ang resulata ng pregnancy test.

"Oh eh mabuti. Mag kaka anak na kayo ni Luke. Ayaw mo ba non? Nasa tamang edad nanaman na kayo Jessy" pag kumbinsi nito.

"Manang hindi ho. Gusto ko na rin ho talagang mag ka anak ang kaso...Si Luke. P-Paano ako makakasiguradong babalik pa siya? I mean, Nandon ang asawa niya. Isang buwan na siyang walang paramdam. Paano kung...kung nag bago ang isip niya? Ku-"

My Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon