Chapter Forty-Six

Start from the beginning
                                    

"Ows? Talo ko na sina Reeve, sina Dylan, sina Kuya Bari?" he asked, eyes sparkling.

Hinawakan niya ang tiyan nito. "Medyo bloated lang iyong part na 'to," natatawang sabi niya.

Nag-make face ito. "Eh di sila na may abs."

Pumunta siya sa likod nito. "Your slacks perfectly flaunted your good butt, though." Then, she playfully tapped his ass.

Napapitlag ito sa ginawa niya. "Uy, tsansing! Para-paraan, Misis, ah! You, ha?"

"The suit looks perfect! You look handsome, Mister! Gosh, I never thought that you can look like that. We'll buy that and two more other suits. Mukhang bagay rin sa'yo ang white and gray suit!" natutuwang sabi niya. She can already imagine how the women in the party would envy her for having Johann by her side.

Pinagpag ni Johann ang suot. "Bagay ba talaga sa'kin? Hindi mo lang ako inuuto para suotin ko 'to sa party?"

"Of course not! You know me, Mister. Kapag pangit, sasabihin ko agad with no mercy. Hindi ako nang-uuto, ano?" Itinaas niya ang iPhone at binuksan ang camera app. "Come on, strike a pose. Ipo-post ko pa 'to sa Instagram ko."

At nag-pose nga ang masunuring asawa! Nilagay nito ang dalawang kamay sa bulsa at ngumiti nang bahagya habang sinadyang papungayin ang mga mata...

Sumimangot siya. "Umayos ka nga. I don't want that look!" Ayaw niyang makita ng iba na parang nang-aakit ito. That's his face whenever they made love. Gusto niya siya lang nakakakita ng ganoon.

Ngumiti na lang si Johann na labas ang mga ngipin at umaabot ang kasiyahan hanggang sa mga mata.

"No, I don't like that, too," angal niya na naman. Johann looks so charming at that smile, baka kapag p-in-ost niya iyon ay mas dumami ang magka-crush rito. More than thousands pa naman ang followers niya sa Insta.

"Eh, di hindi na lang ako ngingiti? Ah, 'look up' na lang!" anito at saka tumingin sa kaliwa nito at nag-pose na nakatingin sa taas.

"Shit," she muttered silently. Dati, hindi niya masyado napapansin kung saan angle guwapo ang asawa niya. Pero ngayon...why the hell he looked great at any angle? What the?! Ganoon ba talaga kapag buntis? Naglilihi ba siya kay Johann? Bigla na lang ito masyadong gumaguwapo sa mga paningin niya. Pero hindi niya sasabihin sa asawa iyon dahil paniguradong lalakas ang hangin nito.

Binaba niya ang cellphone. "Puwedeng takpan mo na lang iyong mukha mo? Iyong suit lang naman ang importante."

"Ay, wow. Kinuhanan mo pa 'ko ng picture? Eh di kuhanan mo na lang 'yung damit kapag naka-hanger."

She laughed. "Fine! Wacky pose!"

"Video-han mo na lang ako habang nagsasayaw ng Gangnam style. Tutal gan'to naman suot ni Psy nang sinayaw niya iyon."

"Huh? What's Gangnam-oh! The viral Korean dance." Natawa na naman siya. "You dance that?"

"Oppa Gangnam style!" biglang sabi nito at saka pinosisyon ang mga kamay forward habang naka-cross at saka ito sinimulang indakin ang sikat sa sayaw.

"Oh, my jeez! Stop that! Mister!" mabilis na saway niya rito dahil palihim nang nagtatawanan ang mga sales person at iba pang customer sa loob ng shop.

Ngunit mukhang enjoy si Johann magmukhang tanga. "Heeeey, sexy lady!" Tinaas pa nito ang kamay at iniikot-ikot ang kamao sa ere habang ang mga paa ay umiindak.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedWhere stories live. Discover now